-
Trust Pills at Iba Pang Combination Pills, Mas Mabisa Ba sa Progestin-Only Pills?
by Camille Eusebio and Kitty Elicay .
- Shares
- Comments

Hindi lahat ng kababaihan ay kayang bumili ng birth control pills. May kamahalan kasi ito. Ang ibang brand, umaabot pa sa halagang isang libong piso kaya magdadalawang-isip ka talagang gumamit. Buti na lang at may mga lumalabas na na mas murang pagpipilian. Isa na rito ang Trust pills na mabibili lang sa halagang P48-50 bawat pakete sa mga botika.
Ang Trust ay isang uri ng “combination pills” na naglalaman ng synthetic hormones na ethinyl estradiol (isang estrogen) at levonorgestrel (isang progestin). Ayon sa WebMD, ang levonorgestrel ay ginagamit bilang emergency contraceptive para maiwasan ang pagbubuntis kung sakaling magka-aberya ang napiling contraception (halimbawa, kung masisira ang condom) at hindi dapat gamiting pang-araw-araw na birth control. Pero kung sasamahan ng ethinyl estradiol, maiiwasan ang ovulation sa pamamagitan ng pagbabago ng cervical mucus at uterine lining. Mahihirapang makarating ang sperm sa uterus at makapag-fertilize ng itlog.
Bakit inirerekomenda ang Trust pills
Bukod sa pagiging contraceptive, ginagamit rin ang Trust para masolusyonan ang mga karamdaman tulad ng dysmenorrhea, premenstrual syndrome, at ang menorrhagia, isang kondisyon kung saan maaring umabot ng ilang linggo ang malakas na regla. Sa bawat pakete, may pitong brown na tableta na may lamang ferrous fumarate, isang iron supplement na tumutulong sa hemoglobin content ng dugo.
What other parents are reading
Paano gamitin ang Trust pills
Bawat pakete ay may 21 hormone pills at pitong brown na tableta na may ferrous fumarate. Magsimulang uminom ng isang hormone pill sa unang araw ng iyong regla. Pagkatapos ng ika-21 araw, uminom ng isang brown na tableta nang walang mintis sa loob ng pitong araw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHabang iniinom ang brown na tableta, asahang makakaranas ng pagdurugo na magsisimula sa ikalawa o ikatlong araw ng gap week. Magsimula ng bagong pack pagkatapos ng pitong araw, kahit hindi pa tumitigil ang regla.
Ano ang mangyayari kung makamintis ng pill
Gaya ng ibang birth control pills, nababawasan ang bisa ng gamot kung hindi ito iinumin sa tamang dosage at oras. Maari kang makaranas ng pagsusuka at matinding pagtatae na makakaapekto sa bisa nito. Mag-ingat at gumamit ng condom sa loob ng pitong araw habang nagpapagaling.
Tandaang inumin ang pill ng parehong oras bawat araw. Para mas madaling maalala, inumin ito bago o pagkatapos kumain, o bago matulog sa gabi.
Kung wala pang 12 oras mula nang nakalimutan mong uminom ng pills, hindi pa rin mababawasan ang bisa ng gamot. Inumin agad ito sa sandaling maalala mo, kahit pa ibig sabihin nito ay ang pag-inom ng dalawang tablet nang sabay. Inumin ang mga natitirang pills sa kanilang takdang oras.
Kung nakalipas na ang 12 oras nang maalala mong uminom, mababawasan ang naibibigay na proteksyon ng gamot at magkakaroon ng posibilidad na mabuntis ka.
Ayon sa Drugs.com, kung nakamintis ka ng dalawang hormone pills sa una o ikalawang linggo, maari kang uminom ng dalawang tableta bawat araw, sa loob ng dalawang araw. Pagkatapos ay pwede ka nang bumalik sa isang tableta sa isang araw hanggang maubos ang pakete.
Kung nakamintis ka ng dalawang active pills sa loob ng ikatlong linggo, itapon na ang mga natitirang pills at magsimula ng panibagong pack sa araw ring iyon. Ganun din kapag nakamintis ka ng tatlong pills na magkakasunod sa Week 1, 2 o 3.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMaaring hindi ka makaranas ng pagdurugo sa buong buwan kung makakamintis ng higit sa dalawang active pills. Pero kung hindi magkakaroon ng mens ng dalawang buwan na magkasunod, kumonsulta na sa iyong OB-gyn dahil may posibilidad na buntis ka.
What other parents are reading
Mga karaniwang side effects
Iba-iba ang mga epekto na maaring maranasan ng bawat tao, pero ito ang mga side effects na nakalista sa information leaflet na nakalakip sa pakete ng Trust:
- Pananakit ng ulo
- Pananakit ng tiyan
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Walang gana kumain
- Pagtaas ng timbang
- Pananakit ng dede
- Pagbabago sa libido
- Pagiging malungkutin o depressed
- Problema sa atay
Ano ang sabi ng mga gumagamit ng Trust pills
Dahil isa ito sa mga murang tatak ng contraceptive pills, marami ang gumagamit ng Trust. Sa Parent Chat ng SmartParenting.com.ph, may ilan na nagbahagi ng kanilang karanasan:
Ayon kay Christine dela Rosa, nasa kolehiyo pa lang ay umiinom na siya ng pills, ngunit nakaramdam siya ng sakit ng ulo at pagkahilo dahil dito. Naging mas maganda naman ang karanasan niya sa Trust, bagamat mayroon pa rin itong side effects.
“I was already an insomniac before, so when taking the pill made me lose even more sleep, I was used to it. The only real downside for me was I developed polycystic ovaries. My OB said to cut down on taking pills after I gave birth, dahil dumarami ‘yung cysts. But when I stopped, I had spotting naman, also because of the cysts,”aniya. (Hirap na akong makatulog dati, kaya nung lalong tumindi ang insomnia ko nung uminom ako ng pills, sanay na ako. Kaya lang, nagkaroon ako ng polycystic ovaries. Pagkapanganak ko, pinayuhan ako ng OB na tumigil dahil dumarami yung cysts. Pero nung tinigil ko, naka-spotting naman ako.) “It only went back to normal when I started taking pills again, but not every day. After my period week, I would take it paminsan-minsan lang.”(Bumalik lang sa normal nung ibinalik ko rin ang pills, pero hindi ko na siya ginagamit araw-araw. Paminsan-minsan lang.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Isang miyembro ng Parent Chat ang nagsabing bumigat siya ng 10 kilo habang gumagamit ng Trust pills sa loob ng 11 buwan, habang wala namang nakitang pagbabago sa kanyang timbang ang isa pang babae na gumamit nito ng mahigit isang taon.
Kwento ng isang nanay, nagdesisyon siyang gumamit ng Trust pills dahil uuwi para magbakasyon ang kaniyang asawa. Pero nakaranas siya ng matinding pagdurugo at kinailangan niyang uminom ng gamot para kontrolin ito. Aniya, nagsisi siya na uminom siya ng pills nang hindi nagpapakonsulta sa ob-gyn.
Mga dapat tandaan bago gumamit ng birth-control pills
Dahil sa abot-kayang presyo, maraming babae sa Parent Chat ang nagsabing sinubukan nila ang Trust pills ng walang payo ng doktor. Kaya mayroong mga nagkaproblema sa pagdurugo o nahuhuling period, lalo na kung nakakamintis silang uminom nito. Marami rin ang nangamba na pwede pa silang mabuntis kahit gumagamit na sila ng oral contraceptives.
Nakasulat sa website na Drugs.com, pwede kang makaranas ng spotting (o tinatawag ring breakthrough bleeding) sa unang tatlong buwan ng paggamit ng pills na may ethinyl estradiol at levonorgestrel. Kung magpapatuloy ang pagdurugo at lalong tumindi, kailangan ipaalam agad sa iyong doktor.
Ayon kay Dr. Diana L. Sarmiento ng website na Filipina M.D., karamihan ng mga gamot na kagaya ng Trust ay maaring magdulot ng pananakit ng ulo at ng dede, pagkabalisa at bloating sa unang tatlong buwan ng paggamit nito. Mawawala rin ang mga ito pagdating ng ikaapat na buwan. Kung hindi, kailangang magpalit ng brand na ginagamit. “Sometimes, even your doctor will have to do a ‘trial and error’ method on you every three months ‘til you are both happy with the end result,” aniya. (Minsan, kahit ang doktor mo ay kailangang magsagawa ng trial-and-error kasama mo hanggang pareho kayong maging masaya sa mga resulta.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi inirerekomenda ang paggamit ng kahit anong uri ng birth control nang hindi nagpapakonsulta sa isang ob-gyn. Ang pagreseta ng ganito ay nakadepende sa family history at pangangailangan ng katawan ng isang babae, at ang epekto nito ay nagbabago rin sa bawat gagamit. Kung iniisip mong gumamit ng birth control pills, humanap ng ob-gyn na madali mong makakausap para pag-isipan ang mga pwede mong gawin. Kailangan din ng regular na pagbisita sa kanya para mabantayan niya ang iyong kalusugan habang gumagamit nito.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Combination Pills Like Trust Are Said to Be More Effective Than Progestin-Only Pills.

- Shares
- Comments