embed embed2
  • Tuwing Kailan Ba Ako Dapat Datnan ng Aking Regla?

    Narito ang tamang paraan ng pagbibilang para malaman kung kailan ang iyong susunod na period.
    by Dinalene Castañar-Babac .
Tuwing Kailan Ba Ako Dapat Datnan ng Aking Regla?
PHOTO BY iStock
  • Kapag nasa tamang edad na ang babae, bahagi ng pagbabago sa kaniyang katawan ang pagkakaroon ng regla o menstruation. Tanda ito na nagiging mature na ang iyong reproductive system. Iba-iba ang menstrual period ng bawat babae ngunit buwan-buwan ito dumarating.

    Bakit ako nireregla buwan-buwan?

    Nangyayari ito dahil kada buwan ay kumakapal ang lining ng uterus ng isang babae para maghanda sa pagdating ng isang fertilized egg. Ngunit kung walang naganap na fertilization o ang pagtatagpo ng egg cell ng babae at sperm cell ng lalaki, lalabas ang makapal na lining na ito bilang dugo o regla.

    Karaniwan na nagsisimula na datnan ng period kapag nasa puberty age na, madalas sa mga nasa edad na 11 hanggang 14. Bahagi ito ng pagbabago sa pangangatawan ng babae sa kaniyang pagdadalaga. Dulot ang pagbabagong ito ng hormones na estrogen at progesterone na galing sa obaryo.

    More from Smart Parenting

    Anong mga sintomas na magkakaroon na ako ng regla?

    Kalimitan ay makakaranas ka ng ilang pagbabago bago ka datnan ng iyong regla. Narito ang ilan na maaari mong mapansin:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Pagtaas ng temperatura ng katawan 
    • Pananakit ng ulo o migraine
    • Pakiramdam na bloating
    • Paninigas ng dede o masakit na utong 
    • Paglabas ng cervical mucus o vaginal discharge
    • Pagkakaroon ng spotting
    • Bahagyang pananakit ng puson  o dysmenorrhea
    • Pananakit ng balakang
    • Paglabas ng mga tigwayat
    • Paghahanap ng pagkaing gustong kainin
    • Pagbabago sa emosyon gaya ng mood swings, pagiging sensistibo o maramdamin
    • Kawalan ng gana sa pagkilos o tinatamad gumalaw
    More from Smart Parenting

    Paano i-calculate kung kailan dadating ang aking period?

    Kadalasan ang menstrual cycle ay may saklaw na mula 21 hanggang 35 araw. Walang masasabing normal na cycle dahil nga nagkakaiba-iba ito sa bawat  babae. May mga babae na maiikli ang cyle na umaabot ng 21-25 araw samantalang ang iba naman ay umaabot nang 35-40 araw.  Depende ito sa pisikal na kondisyon ng babae. Para malaman ang average ng iyong cycle, markahan ang iyong kalendaryo tuwing may buwanang dalaw. Kailangang subaybayan mo ang haba nito sa loob ng 6 hanggang 12 buwan. Pero para ito sa mga kababaihang may regular na siklo ng pagreregla.

    Ayon sa website ng Young Womens Health, nagsisimula ang pagbibilang ng iyong siklo ng pagreregla kapag naging regular na ang nararanasan mong pagdurugo. Tinatawag na Cycle Day 1 ang unang araw na ito. Hindi isinasama sa pagbibilang ang araw na nakaranas ka lamang ng spotting. Ang pagbibilang ng haba ng iyong siklo ng pagreregla ay kung kalian ka naman dadatnan ng iyong susunod na regla.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paunti-unti ang pagpatak ng dugo mula mahina papalakas hanggang sa tuluyang humina na ito o huling pagpatak ng dugo. Karaniwang tumatagal naman ito ng 3 hanggang 5 araw ngunit may iba na umaabot ng isang linggo.

    Kapag tinanong ka kalian ang iyong huling regla, ang ibibigay mong araw ay ang unang araw  na dinatnan ka ng iyong regular na regla o ang Cycle Day 1, hindi ang araw kung kalian ka natapos. 

    Bagaman, maraming apps na rin ang magagamit ngayon para sa pagbibilang ng iyong monthly period mahalagang malaman mo pa rin kung paano ang pag-co-compute nito. Ito ang mga bagay na kailangan mong gawin:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Itala ang unang araw ng iyong huling regla o period.
    • Bilangin ang itinatagal nitong araw o linggo.
    • Alamin ang haba ng iyong average cycle ng pagreregla. Nagkakaiba-iba ito depende sa nararanasan mo. Karaniwan na ang siklo na 28 araw at ang pinakamatagal ay umabot ng 40 araw.
    • Kapag 28 ang iyong karaniwang cycle, ang pang-14 na araw ang iyong ovulation period. Kapag naman 35, ang ovulation day ay sa pang-21 araw bago ang iyong susunod na regla.
    More from Smart Parenting

    Bakit mahalagang malaman kung kailan ako dadatnan ng regla?

    Ang menstrual cycle ay tumutukoy sa buwanang pagbabago sa katawan ng babae na pinagdadaanan niya buwan-buwan. Sa pamamagitan nito, naihahanda ang babae sa panahon na siya ay maaaring mabuntis. Mahalagang malaman kung kalian ka fertile para makatulong kung nais mong mabuntis. Nakabatay sa iyong menstrual cycle ang pagtukoy sa iyong ovulation period at fertility days.

    Sa pamamagitan din ng menstrual cycle, natutukoy kung malusog at normal ang reproductive system ng babae.  Ang irregular na pagreregla, dami ng regla, haba o tagal ng regla ay maaaring magbigay ng senyales na may problema sa reproductive system ang isang babae.  Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng ovarian cancer o cyst, myoma  o fibroid, at polycystic ovary syndrome o PCOS.

    More from Smart Parenting

    Normal na dinadatnan buwan-buwan ang babae ng regla. Ngunit dapat na ikabahala kapag hindi naging normal ang pagdating nito, ang dami, at mga matitinding sintomas na kasamang  nararanasan sa pagkakaroon ng menstrual period. Kapag sa pagitan ng iyong cycle ay muli kang dinugo, kailangang magpatingin sa iyong doktor. Lalo na rin kapag ang mga sintomas ay nakakaapekto na iyo o naghahatid ito ng depresyon. Kapag hindi rin normal ang iyong monthly period, kailangan na komunsulta agad sa iyong doktor upang malaman kung ano ang dapat mong gawin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles