embed embed2
Epektibo Ba Talaga Ang Mga UV Disinfection Device? Paano At Saan Ito Magandang Gamitin
PHOTO BY Dairy Darilag
  • Dahil na rin sa kagustuhang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang pamilya, mga nanay ang naging early adopters ng ultraviolet o UV-C light devices bilang kasangkapan sa bahay. Bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic ay marami na sa atin ang gumagamit ng UV sterilizers at UV wands sa pagdi-disinfect ng mga gamit ng ating mga anak.

    Ngayong patuloy sa pagkalat ang coronavirus, maraming mga nanay sa aming online community na Smart Parenting Village ang nagtatanong tungkol sa mga disinfection routines at devices na ginagamit para mapanatiling ligtas at malusog ang buong pamilya, at madalas ngang mabanggit ang UV-C devices.

    UV-C vs SARS-CoV-2

    Dekada nang ginagamit ang UV-C light pamatay ng mga mikrobyong nagdudulot ng sakit. Pero dahil bagong virus ang SARS-CoV-2 at ang dala nitong sakit na COVID-19, kamakailan lang rin nagkaroon ng mga pananaliksik kung epektibo ba ng UV-C light laban sa SARS-CoV-2.

    Kabilang na rito ang pag-aaral ng ilan sa mga doktor sa Department of Infectious Diseases ng Hiroshima University na nailathala sa American Journal of Infection Control noong nakaraang Setyembre. Napatunayan ng pag-aaral na ito na ang UV-C light na may wavelength na 222 nanometers ay epektibo sa pagpatay sa SARS-CoV-2 kung mae-expose ito sa UV-C sa loob ng 30 segundo.

    Paano nga ba sinisira ng UV-C ang virus? Sinisira ng UV-C light ang DNA at RNA ng mga mikrobyo.

    Dalawang uri ng UV-C devices ang naging popular mula nang kumalat ang COVID-19: ang UV disinfection o sterilizer box at UV room light.

    Alamin natin ang pagkakaiba ng dalawa at paano ginagamit ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    UV disinfection box

    Ang UV disinfection box ay karaniwang ginagamit sa paglilinis ng mga bagay na hindi natin hinuhugasan o ginagamitan ng alcohol o chlorine bleach. Halimbawa: ang ating mga gadgets, headphones, wallet, susi, relo, alahas at pera. Pwede rin ito sa makeup tools, toothbrushes, underwear, utensils, mga gamit ni baby, mga tools ng doktor, at iba pa.

    Maraming mga nanay ang gumagamit na ngayon ng UV disinfection boxes para mga nabanggit sa taas, pati na rin sa anumang bagay na galing sa labas ng bahay at posibleng kontaminado ng virus tulad ng grocery items, mga produktong binili online at mga libro at learning modules ng kanilang mga anak. 

    Ang Swiff UV Disinfection Box ay portable at natitiklop. Kaya nitong mag laman ng hanggang A4 size kung ilalagay ng pa-dayagonal sa loob ng kahon. 

    Swiff Collapsible Space Saver UV Disinfection Box
    May 99% raw ang disinfection rate nito at kayang tanggalin ang mikrobyo ng anumang bagay na magkakasya rito. Ang produktong ito ay pasado sa CE safety standards. Bilhin ditto sa halagang Php2,500.
    PHOTO BY babymama.ph
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Maaaring kailanganin mo ito kung:

    • Nag-aalala ka na masalisihan ng virus galing sa mga deliveries at mga bagay na galing sa labas ng bahay;
    • May baby ka at gusto mong i-disinfect ang mga gamit nya;
    • Isa sa iyong pamilya ay naka-Covid-19 at gusto mong i-disinfect ang mga gamit nya.

    UV room light

    Ang UV light naman ay ginagamit sa paglilinis ng hangin sa loob ng isang kwarto. Bago pa man nagkaroon ng Covid-19 ginagamit na ang teknolohiyang ito sa pagpatay ng mga mikrobyong nagdudulot ng nakakahawang sakit lalo na sa mga ospital.

    Mabisa rin ang UV light sa pagpatay ng mga mites at molds na hindi natin nakikita pero karaniwang nabubuhay at dumarami sa loob ng ating bahay.

    Ang Optoelectronics UV Room Light ay may kakayahang mag-disinfect ng 30 sqm na kwarto sa loob ng 30 minuto. May kasama itong remote control na may pagpipiliang oras ng operation — 15, 30 at 60 minuto. Meron din itong automatic shut-off feature.

    Optoelectronics UV Room Light
    Mabuting gamitin ang UV room light isa o dalawang beses kada linggo sa loob ng 30 minuto. Bilhin dito sa halagang Php2,200.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaring kailangan mo ito kung: 

    • Isa sa iyong pamilya ay naka-Covid-19 at gusto mong i-disinfect ang kanyang kwarto at banyo;
    • May mga frontliners at on site workers (i.e. laging lumalabas ng bahay at nakikisalamuha sa ibang tao) sa pamilya at gusto mo ng karagdagang proteksyon laban sa mga mikrobyong maaaring naiuuwi nila sa bahay;
    • May mga respiratory diseases sa inyong pamilya gaya ng hika at chronic allergies.

    Pag-iingat sa paggamit ng UV-C devices

    May kaakibat na panganib ang paggamit ng UV-C light tulad ng pananakit ng mata o pagkasunog ng balat. Ang UV-C light ay naglalabas din ng ozone na maaaring makaapekto sa ating paghinga, at maaaring mayroong mercury ang ibang ilaw, ayon sa US Food and Drug Administration, kaya kailangan ng wastong pag-iingat sa paglilinis at pagtatapon ng lumang ilaw.

    Siguraduhing basahin nang mabuti at sundin ang lahat ng instructions na kasama ng inyong UV-C device bago gamitin ito.

    Kailangang walang tao o pets sa kwarto na idi-disinfect. Isara ang mga bintana at pinto ng kwarto at maglagay ng babala na ito ay dini-disinfect ng UV-C at kung anong oras ito matatapos.

    Pagkatapos ng disinfection, magpalipas ng kalahating oras bago buksan ang mga bintana at pinto at hayaan munang dumaloy ang hangin sa loob ng kwarto bago manatili dito.

    Sa pagtatago naman ng inyong devices, kailangan din ang ibayong pag-iingat para huwag itong maabot ng mga bata at mga alagang hayop.

    Lagi ring isaisip na ang paggamit ng UV devices ay hindi kapalit ng tama at madalas na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at pag-distansya sa ibang tao kapag nasa pampublikong lugar.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anu-ano nga bang disinfectant ang makakapatay sa coronavirus? Mag-click dito para sa aming listahan.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close