embed embed2
Ano Ang Vasculitis, Mga Posibleng Sanhi At Kadalasang Sintomas Nito
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ibinahagi kamakailan ni Kris Aquino sa kanyang social media account na "life threatening" ang kanyang karamdaman. Meron daw siyang tatlong "confirmed autoimmune conditions" na kanyang inisa-isa: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at vasculitis.

    Paliwanag ni Kris na nakumpirma ang sakit niya vasculitis pagkatapos niyang sumailalim ng tatlong skin biopsy, na sinuri ng kanyang pathologist dito sa Pilipinas at sa United States. Sinabi ng kanyang mga doktor na meron siyang partikular na uri ng vasculitis. Aniya ito ay "late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA."

    Ano ang vasculitis?

    Vasculitis ang tawag sa grupo ng mga hindi pangkaraniwang sakit (rare diseases) na nagdudulot ng pamamaga (inflammation) ng blood vessels. Ito ay ayon sa American College of Rheumatology (ACR).

    Anila, kabilang sa mga blood vessel ang mga ugat sa katawan na nagdadala ng dugong walang oxygen pabalik sa puso (veins) at mga iyong nagdadala ng dulong hitik sa oxygen mula sa puso papunta sa ibang parte ng katawan.

    Sabi pa ng mga eksperto, nagreresulta ang vasculitis sa paghina ng daloy ng dugo papunta sa tissues sa buong katawan, tulad ng major organs na lungs, nerves, at skin. Kaya naman masyadong malawak ang mga posibleng sintomas na maranasan kung meron ka palang sakit na ganito.

    Mga halimbawa:

    • Pagkapos ng hininga at pag-ubo
    • Pamamanhid o paghina ng kamay o paa
    • Pagkakaroon ng mapupulang patse-patse sa balat na kung tawagin ay purpura
    • Pagkakaroon ng mga bukol-bukol sa balat, o nodules
    • Pagkakaroon ng mga sugat-sugat, o ulcers
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, posibleng wala kang maramdamang sintomas, pero tinamaan na pala ang mga bato (kidneys) mo hanggang maging seryosong sakit. Maaaring humantong ito sa pagiging baldado o di kaya sa kamatayan.

    Puwede ring isang beses lang umatake ang vasculitis at puwede ring ilang beses sa loob ng maraming taon. Ang mahalaga, sabi ng mga eksperto, magamot ang sakit na ito.

    Mga posibleng sanhi ng vasculitis

    Hindi pa natutukoy kung ano ang nagdudulot ng iba-ibang uri ng vasculitis, ayon sa mga ekperto. Pero malaki raw ang posibilidad na sangkot ang mga ganitong usapin:

    Genetic factors

    Maaaring may kinalaman ang iba-ibang genes sa pagkakaroon ng vasculitis.

    Autoimmune disease

    Ibig sabihin, ang mismong immune system ang umaatake sa blood vessels. Ganito malamang ang kaso ng kondisyon ni Kris Aquino, kaya nasabi niya sa kanyang social media post na autoimmune ang kanyang mga sakit.

    Reactions to medicines

    May mga kasong dulot ng vasculitis ang matinding reaksyon sa iniinom na gamot para sa iba pang sakit, ayon sa mga eksperto.

    Chronic infections

    Kung may pangmatagalan o paulit-ulit na impeksyon mula sa hepatitis C o di kaya hepatitis B virus, maaaring humantong ito sa vasculitis.

    Other rheumatic diseases

    Puwede ring parte ang vasculitis ng iba pang kaparehong sakit, tulad ng:

    • Systemic lupus erythematosus
    • Rheumatoid arthritis
    • Sjögren’s syndrome

    Pero kung vasculitis ang pangunahing sakit, sabi pa ng mga ekspero, marami sa mga pasyente ay hindi nagkakaroon ng mga nasabing iba pang kondisyon.

    Mga uri ng vasculitis

    May iba-ibang uri ng vasculitis na umaatake sa iba-iba ring uri ng blood vessels, tulad ng mga ugat na puso na arteries.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Largest arteries

    Apektado ang pinakamalalaking ugat sa puso, gaya ng aorta at iba pang major branches:

    • Giant cell arteritis
    • Takayasu’s arteritis
    • Aortitis in Cogan’s syndrome
    • Aortitis in spondylarthropathies
    • Isolated aortitis

    Medium-sized arteries

    Kung may kalakihan ang mga apektadong mga ugat, ganitong mga posibleng uri ng vasculitis:

    • Kawasaki disease
    • Polyarteritis nodosa

    Small and medium-sized arteries

    Kung parehong medium at small ang size ng mga ugat na apektado, puwedeng ganitong mga uri ng vasculitis:

    • Antineutrophil cytoplasmic antibodies (ANCA)-associated vasculitis
    • Granulomatosis with polyangiitis (former name: Wegener’s granulomatosis)
    • Microscopic polyangiitis
    • Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (Churg-Strauss )
    • Primary angiitis of the central nervous system

    Small arteries

    Kung maliliit na mga ugat ang inaatake ng sariling immune system kaya nagkakaroon ng pamamaga, maaaring ganitong uri ng ng vasculitis:

    • IgA Vasculitis (Henoch-Schönlein)
    • Vasculitis related to rheumatoid arthritis, systemic lupus erythematosus and Sjögren’s syndrome
    • Cryoglobulinemic vasculitis
    • Anti-glomerlular basement membrane (GBM) disease o di kaya Goodpasture’s
    • Drug-induced vasculitis

    Arteries and veins of various sizes

    Kung iba-iba ang laki ng mga ugat na apektado, puwedeng ganitong mga uri ng vasculitis:

    • Behçet’s disease
    • Relapsing polychondritis

    Sabi pa ng mga eksperto, meron pang mga uri na vasculitis na dulot ng infection at cancer.

    Samantala, ang uri ng vasculitis na meron si Kris Aquino ay Churg Strauss syndrome, na kilala na raw ngayon bilang EGPA. Aniya sa kanyang social media post, nasa "late stage 3" na ang kanyang karamdaman.

    Isang hindi pangkaraniwang sakit ang Churg-Strauss syndrome, ayon sa National Organization for Rare Disorders (NORD). Maaari raw makaapekto ang sakit na ito sa marami o multiple organ systems, tulad ng lungs. Kadalasan daw tinatamaan ang mga taong may history ng allergy. Nasabi na noon ni Kris Aquino sa kanyang social media posts na maraming siyang allergies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ng NORD na kung nasa third phase o stage 3 na, tulad ng kaso ng Kris, tinatawag na itong vasculitic phase. Kumakalat na ang pamamaga ng blood vessels sa buong katawan at hirap na pagdaloy dugo.

    Sabi naman ng American College of Rheumatology, ang pangunahing gamot sa vasculitis ay glucocorticoids. Kilala rin ang mga gamot na ito sa tawag na “steroids.” Ang problema sa kaso ni Kris, aniya "allergic po ako sa lahat ng steroids." Kaya kailangan nga raw siyang madala sa U. S. para masubukan ang iba pang treatment para sa vasculitis na mayroon sa ospital doon.

    Basahin dito ang isa pang autoimmune disease na lupus.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles