embed embed2
Mga Pinakamainam Inuming Vitamins sa Iyong 20s, 30s, 40s, 50s at 60s
PHOTO BY iStock
  • Ang susi sa malusog na pangangatawan ay nag-uugat sa pagkain ng balanced diet at regular na ehersisyo.

    Subalit ang pagkonsumo ng diet na may tamang dami ng carbs, prutas, gulay, protina, taba, atbp ay hindi madali katulad ng inaakala. Hindi lahat ay may pribilehiyo ng oras, pati na ang disiplina, upang planuhing mabuti ang kanilang kakainin.

    Sa tulong ng mga over-the-counter vitamin supplements, maaaring mapunan kung anuman ang kakulangan sa sustansya (nutritional gaps) sa iyong kasalukuyang diyeta. Ang mga bitamina (maliban sa Vitamin D) ay hindi ginagawa ng ating katawan, bagkus ay nanggagaling lamang mula sa ating mga kinakain.

    What other parents are reading

    Ano nga ba ang mga benepisyo sa kalusugan ng iba’t ibang bitamina?

    • B complex (B1, B6 and B12) – nakatutulong sa metabolismo, paglikha ng blood cells, protina
    • Calcium – para sa lakas at kapal (density) ng mga buto, tumutulong labanan ang osteoporosis
    • Folic acid – pinatataas ang fertility ng mga lalaki at babae, tumutulong maiwasan ang neural defects sa mga sanggol sa loob ng sinapupunan; pinabababa ang pagkakataong ma-stroke
    • Iron – tumutulong sa pag-ikot ng oxygen sa buong katawan
    • Vitamin C/Ascorbic Acid – tumutulong sa pag-absorb ng iron at pinabababa ang  pagkakataong magkaroon ng sakit sa puso
    • Vitamin D – pinaiinam ang pag-absorb ng iron, magnesium, calcium, zinc at phosphate; pinananatili ang lebel ng calcium sa dugo; karaniwang nakukuha sa katamtamang pagpapaaraw
    • Vitamin E – binabawasan ang mga senyales ng pagtanda at pinalalakas ang immunity
    What other parents are reading

    Anong mga bitamin ang pinakamainam inumin sa iyong 20s, 30s, 40s, at sa kalaunan? Heto ang breakdown

    Sa iyong 20s at 30s

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito ang panahon kung kailan pinakamalakas ang iyong katawan. Ang iyong balat ay may taglay na kinis dahil sagana pa ito sa collagen, kahit pa ikaw ay may bisyo o iregular na pagtulog. Ito rin ang panahon kung kailan magsisimula mo nang maramdaman ang epekto ng iyong lifestyle. Ang 20s daw ang panahong pinakamainam na magbuntis. Mahalaga rin na siguraduhing may sapat kang calcium.

    Pagdating ng iyong 30s, magsisimula nang bumagal ang iyong metabolismo. Dito mapapansin mo na ikaw ay bibigat nang bahagya. Nagsisimula na rin ang pagnipis ng mga buto (bone loss), pati na rin ang paggaan ng kalamnan (muscle mass reduction). Magsisimula na ring lumitaw ang mga maliliit na kulubot (fine wrinkles).

    Mga rekomendadong bitamina para sa'yo*

    • B Complex
    • Calcium (1,000 mg/araw)
    • Folate (100 mcg/araw)
    • Iron
    • Vitamin C (hindi bababa sa 75 mg/araw)
    • Vitamin D3 or cholecalciferol (20 mg/ araw)
    • Vitamin E (hindi bababa sa 15 mg/araw)
    What other parents are reading

    Sa iyong 40s

    Nagsisimula nang bumaba ang lebel ng iyong estrogen, hudyat ng nagbabadyang menopause (o tinatawag na perimenopause). Mapapansin mong magiging iregular ang iyong buwanang dalaw, kasama na rin ang ibang sintomas gaya ng madalas na pagkairita at hot flushes. Lalong babagal ang iyong metabolismo at kadalasang lumalaki ang balakang, mga hita, at tiyan ng mga kababaihan. Mas makararanas ka rin ng pagnipis ng buto kung kaya't lalong kailangan ng katawan ang calcium.

    Mga rekomendadong bitamina para sa'yo*

    • Calcium (1,000 mg/araw)
    • Folate (100 mcg/araw)
    • Iron
    • Vitamin C
    • Vitamin D3 (16 mg/araw)

    Sa iyong 50s

    Karamihan ng kababaihan ay nagme-menopause na sa kanilang 50s. Nawawala ang moisture ng iyong balat, dahilan upang ito ay manuyo at maging flaky. Ang kalamnan ay nagiging taba, at mas mataas ang tsansang magkaroon ng diabetes at sakit sa puso. Ang kaunting pagbubuhat (weight training), paglalakad, at pagsayaw ay mga mainam na ehersisyo para sa kanilang mga nasa 50s.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Mga rekomendadong bitamina para sa'yo*

    • Calcium (1,000 mg/araw para sa lalaki at 1,200 mg/araw para sa babae)
    • Vitamin B12
    • Vitamin D3 (20 mg/araw)
    • Vitamin E
    • Multivitamins
    What other parents are reading

    Sa iyong 60s

     Magsisimula ka nang magkaroon ng pekas o liver spots sa iyong balat. Ang mga kulubot ay mas lalalim at makikita, kasama na rin ang paglaylay ng balat. Maaari ka na ring makaranas ng rayuma o pananakit ng kasu-kasuan. Mainam na mag-ipon ng calcium at Vitamin D, kasama na rin ng kaunting strength at weight training. Mas madaling matuyuan o ma-dehydrate ang mga edad 60 pataas. Maaari ka na ring magkaroon ng problema sa paningin at pandinig.

    Mga rekomendadong bitamina para sa'yo*

    • Calcium (1,000 mg/araw para sa lalaki at 1,200 mg/araw para sa babae)
    • Vitamin D3 (20 mg/araw)
    • Multivitamins

    Karamihan ng mga bitaminang nabanggit ay mabibili sa mga botika. Ang kagandahan dito, may generic na ring mabibili na siya namang magaan sa bulsa.

    *Hindi nito layuning palitan ang payo ng isang propesyonal sa medisina. Sumangguni muna sa inyong doktor bago uminom ng kahit anong bitamina.

    Sources: webmd.combesthealthmag.caniams.nih.govlivestrong.comoprah.comchealth.canoe.cahealthywomen.org

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa The Best Vitamins to Take in Your 20s, 30s, 40s, 50s and 60s

    Gusto mo bang palakasin ang iyong immune system? Mag-click dito para malaman ang mga supplement na iniinom ng iba't ibang fitness professionals na mga nanay rin!

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close