-
8 Mabisang Gamot Sa Sakit Ng Ulo
Narito ang ilang halamang gamot para sa sakit ng ulo.by Vienna Mae Urbiztondo . Published Sep 30, 2023
- Shares
- Comments

Ang article na ito ay unang naipublish noong November 24, 2019. Nadagdagan ito ng updates noong September 30, 2023.
Kadalasan, ang pananakit ng ulo ay maaaring maging dahilan ng pagiging iritable. Bukod pa dito, maaari rin itong maging dahilan para mahirapan kang matulog o di kaya ay mag concentrate sa trabaho. Sa ibang pagkakataon, maaari itong pagmulan ng hindi pagkakaunawaan sa tahanan.
Panandalian man o pabalik-balik ang pananakit ng iyong ulo, importanteng malaman mo kung bakit ito nangyayari para matukoy mo ang pinakamabisang gamot para maibsan ang pananakit.
(Isang paalala: May mga sakit na kailangan ng payo ng doktor. Huwag gamitin ang nakasaad dito kung may pangamba. Hindi ito medical advice at hindi siguradong magiging epektibo sa iyo.)
Anu-ano ang mga uri ng sakit ng ulo?
Ayon sa Medical News Today, may 11 uri ng sakit ng ulo. Ang 11 na ito ay nahahati sa dalawang kategorya: ang Primary Headaches at Secondary Headaches.
Ang Primary Headaches ay iyong mga sakit ng ulo na hindi dulot ng iba pang karamdaman. Ang Secondary Headaches naman ay iyong mga sakit ng ulo na dulot ng ibang karamdaman. Maaaring ito'y epekto ng sinusitis o di naman kaya ay side effect ng gamot para sa ibang karamdaman.
Anu-ano ang mga sakit ng ulo na maituturing na primary headaches?
Migraine
Ang migraine ay ang matinding pananakit ng ulo na may kasamang pagpulso ng iyong sintido o temples. Sa ibang tao, magkabilang sintido ang masakit. Sa iba naman ay isa lang. Kalimitan, ang mga taong may migraine ay nakakaranas ng sensitivity sa ilaw, tunog, at amoy. May ilang tao ring nakakaranas ng pagsusuka at pagkahilo.
Ang kalimitang sanhi ng migraine ay stress, anxiety, kawalan o kakulangan ng tulog, hormonal changes, lipas ng gutom, at dehydration. Kaya naman hanggat maaari ay umiwas sa anumang stress o hindi kaya ay sobrang pag-aalala. Subukan ding makakuha ng hanggang walong oras ng tulog para maipahinga ng lubos ay iyong isipan.
Tension headaches
Mas hindi naman masakit ang mga tension headaches. Kalimitan ay magagawa mo pa rin ang iyong mga regular na gawain sa kabila nito.
Madalas ito'y dahil sa dehydration, malalakas na ingay, kawalan ng exercise at sapat na tulog, bad posture, lipas ng gutom at eye strain.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIto ang dalawang kalimitang nararanasan ng mga nanay. Bukod sa dalawang ito, maaari ring maranasan ang Cluster Headaches o iyong sakit ng ulo na pabugso-bugso, Exertional Headaches o sakit ng ulo na buhat sa labis na physical exertions, at iyong Hypnic Headaches na kalimitan namang nararanasan ng mga matatanda.
What other parents are reading
Anu-ano ang mga secondary headaches?
Ang Secondary Headaches naman ay ang mga sakit ng ulo na makukuha mo sa medication overuse, sinusitis, caffeine withdrawal, head injuries, at hangover. Kabilang din sa secondary headaches ang sakit ng ulo na kasabay ng iyong menstrual period.
Anu-ano ang mga mabisang gamot laban sa sakit ng ulo?
Ang gamot sa sakit ng ulo ay depende sa sanhi nito. May mga uri ng sakit na kailangan ng medical intervention, may iba naman na kaya ng magamot ng mga over-the-counter pain relievers o mga alternatibong gamot. May mga sakit ng ulo rin na magagamot ng lifestyle changes tulad ng page-ehersisyo, pag-inom ng sapat na tubig, pag-tulog ng nasa tamang oras, at pag-papahinga.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Narito ang ilang sa mga maipapayo naming mahusay na panlaban sa sakit ng ulo:
Pahinga
Kung palagi kang pagod, hindi nakapagtataka kung palagi ring masakit ang iyong ulo. Mas lalala pa ito o mapapadalas ang pag-atake kung lagi kang babad sa mga gadgets. Isa sa mga pinakamabisang panlaban sa sakit ng ulo dala ng pagod ay pahinga.
Kung ang iyong mga anak ay may nakatalagang oras para sa screen time, dapat ikaw ay mayroon din. Limitahan ang pag-gamit ng gadgets para hindi ka rin madalas atakihin ng sakit ng ulo. Bukod pa riyan, magiging mabuting halimbawa ka rin sa mga anak mo.
Pero kung hindi maiiwasan na tumingin ka sa computers at gadgets mo ng matagal, ugaliing magkaroon ng kahit 15 minutes na break kada isang oras ng pagtitig sa screen. Tumingin ka muna sa malayo o hindi kaya ay lumakad-lakad para maipahinga ang iyong mga mata.
Ointments
Isa sa pinakamatagal nang ginagamit para maibsan ang sakit ng ulo ay ang pag pahid ng mga ointments na maaring mabili sa botika. Maliban sa mga ipinapahid, mayroon na ring mga klase na maaaring ipatak sa diffuser para makarelax at makahinga ka ng maayos.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng maganda sa mga ointments na ito, pwede mo silang ilagay lang sa iyong bulsa, para tuwing kailangan mo, hindi ka na maghahanap pa ng tubig o tableta.
Cold o hot compress
Malaking tulong din para maibsan ang sakit ng ulo ang pagdampi ng hot or cold compress sa masakit na bahagi. Pinaka-epektibo ito kung ang sakit ng ulo mo ay dahil sa lagnat, trangkaso, pamamaga ng sinus, o hindi naman kaya ay init o lamig ng panahon.
Anu-ano ang mga alternatibong gamot para sa sakit ng ulo?
Tulad ng ibang sakit, ang sakit ng ulo ay maaari ring maibsan sa pamamagitan ng alternatibong gamot. May mga halamang gamot din na nakatutulong sa paglunas ng sakit ng ulo. Narito ang ilan sa mga maaring sundan para mabawasan ang pananakit ng ulo:
(Isang paalala: May mga sakit ng ulo na kailangan ng medical intervention. Huwag gamitin ang nakasaad dito kung may pangamba. Hindi ito medical advice at hindi sigurado na epektibo.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLuya
Kilalang epektibong halamang gamot ang luya. Nakakatulong ito sa pagpapaginhawa ng pakiramdam gaya na lng ng pagsakit ng ulo. Dinidikdik ito at saka pinapakuluan at hinahaluan ng honey para pampalasa. Maaari mo itong inumin na parang tsaa.
Almonds
Lingid sa kaalaman ng nakararami, mabisang pantanggal ng sakit ng ulo ang almonds. Sagana ito sa sangkap na salicin na kilala bilang epektibong ingredient laban sa sakit ng ulo. Bago pa lumala ang nararamdaman mo, maaari ka ng kumain ng almonds.
Apple Cider Vinegar
Ang apple cider vinegar ay napatunayan nang mabisang natural na gamot para sa mga pangkaraniwang sakit, kabilang na rito ang sakit ng ulo.
Kailangan mo lang ng mga sumusunod:
- 1/4 tasang apple cider vinegar (kahit anong brand)
- 3 tasang kumukulong tubig
- 1 tasang malamig na tubig
Paghaluin mo lang sa isang malaking mangkok ang 1/4 na tasa ng apple cider vinegar at tatlong tasa ng mainit na tubig. Takpan mo ng tuwalya ang iyong ulo. Siguraduhing natatakpan din ng twalya ang mangkok. Lalaghapin mo ang vapor na lalabas ng mula lima hanggang sampung minuto o hanggang lumamig ang mainit na tubig. Pagkatapos nito, punasan mo ang iyong mukha gamit ang twalyang ipinantakip mo sa iyong ulo, saka ka uminom ng isang basong malamig na tubig.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Lavender Oil
Bukod sa taglay na halimuyak ng lavender oil, nakatutulong din ito sa pagpapaginhawa ng masakit na ulo. Sa simpleng pag-amoy lamang ng langis na ito ay mapapawi na ang ano mang nararamdaman mong sakit. Karaniwang naglalagay ng dalawang patak ng lavender oil sa kapirasong tissue at nilalanghap ito.
Maaari mo rin itong ilagay sa mga diffusers. Itabi mo lang ito sa iyo sa pagtulog at siguradong magiging mahimbing ang pahinga mo. Bukod pa rito, maaari mo ring paghaluin ang dalawang hanggang tatlong patak ng lavender oil at almon oil para gamiting pangmasahe sa iyong noo at sentido. Kung wala ka namang almond oil sa bahay, pwedeng-pwedeng gamiting subsitute ang olive oil.
Oregano
Mabisa ang oregano para sa migraine o iyong mga talagang matitinding sakit ng ulo. Kailangan mo lang ng at least pitong piraso ng dahon ng oregano. Pigain ito sa isang mangkok. Ang makukuha mong katas ang maaari mong ipahid sa iyong noo at sentido. Katulad ng mga ointment na nabibili mo sa mga botika, may taglay ding menthol ang oregano na mabisang gamot sa sakit ng ulo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Mayroon bang over-the-counter medications na pwede sa sakit ng ulo?
Oo. Sa katunayan, maraming nabibiling over-the-counter medicines na makakatulong sa iyo para maibsan ang sakit ng iyong ulo. Kalimitan, ang mga gamot na ito ay nagtataglay ng mga sangkap na katulad ng ibuprofen at paracetamol.
Kahit na may mga mabibiling lunas sa sakit ng ulo, mas makabubuti pa ring kumonsulta sa mga doktor. Sa ganitong paraan, makasisiguro kang hindi lang ordinaryong sakit ng ulo ang nararamdaman mo.
Subukan mo ring baguhin ang iyong lifestyle dahil maaaring ang madalas na pagsakit ng ulo mo ay dala ng iyong bad habits. Ugaliing uminom ng maraming tubig, kumain ng nasa tamang oras, at matulog ng sapat.
Mayroon ka pa bang ipang paraan ng pag-gamot sa sakit ng ulo? I-share mo na ito sa mga kapwa mo nanay sa pamamagitan ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Frequently asked questions (FAQs) tungkol sa gamot sa sakit ng ulo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1. Ano ang pinakamahusay na gamot para sa matinding pananakit ng ulo?
Para sa matinding pananakit ng ulo tulad ng migraine, karaniwang inirerekomenda ang mga inireresetang gamot tulad ng triptans. Gayunpaman, ang pinakamahusay na gamot para sa iyo ay nakasalalay sa iyong mga partikular na sintomas at pangkalahatang kalusugan. Palaging kumunsulta sa isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan para sa personalized na payo.
2. Makakatulong ba talaga ang mga pagbabago sa pamumuhay na maiwasan ang pananakit ng ulo?
Oo, ang mga pagbabago sa pamumuhay tulad ng pagpapanatili ng isang regular na iskedyul ng pagtulog, pamamahala ng stress, pagtukoy at pag-iwas sa mga nag-trigger, at regular na ehersisyo ay maaaring makabuluhang bawasan ang dalas at kalubhaan ng pananakit ng ulo.
3. Mabisa ba ang mga natural na remedyo para sa sakit ng ulo?
Ang mga natural na remedyo ay maaaring maging epektibo para sa ilang mga indibidwal. Ang hydration, temperature therapy, at katamtamang pag-inom ng caffeine ay ilang natural na paraan na makakatulong sa pagpapagaan ng mga sintomas ng pananakit ng ulo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW4. Kailan ako dapat humingi ng medikal na payo para sa aking pananakit ng ulo?
Kung ang iyong pananakit ng ulo ay madalas, matindi, o malaki ang epekto sa iyong pang-araw-araw na buhay, mahalagang humingi ng medikal na payo. Bukod pa rito, kung ang iyong pananakit ng ulo ay biglang nagbago sa pattern o kalubhaan, o sinamahan ng iba pang mga sintomas tulad ng lagnat, pagkalito, o panghihina, humingi ng agarang medikal na atensyon.
5. Mapapagaling ba ng mga over-the-counter na gamot ang pananakit ng ulo?
Ang mga over-the-counter na gamot ay maaaring magbigay ng pansamantalang lunas mula sa mga sintomas ng pananakit ng ulo ngunit hindi nalulunasan ang pinagbabatayan. Kung nagpapatuloy o lumalala ang pananakit ng ulo sa kabila ng pag-inom ng mga gamot na nabibili nang walang reseta, kumunsulta sa isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.

- Shares
- Comments