embed embed2
  • Gumagamit Ka Ng Aceite De Alcamporado? Bawal Ito Sa Batang 2 Years Old Pababa

    Kailangan ng ibayong ingat sa paggamit ng aceite de alcamporado.
    by Jocelyn Valle .
Gumagamit Ka Ng Aceite De Alcamporado? Bawal Ito Sa Batang 2 Years Old Pababa
PHOTO BY Shutterstock/govindji
  • Hindi nawawala sa maraming kabahayan ang botelya ng aceite de alcamporado. Ito ang malangis na likido na maaaring kulay dilaw o di kaya walang kulay na ipinapahid bilang liniment. Sinasabing may hatid itong ginhawa at remedyo sa ilang karamdaman.

    Ang active ingredient ng aceite de alcamporado ay camphor oil, isang essential oil na nakukuha mula sa camphor tree. Una raw naitanim ang camphor tree sa Vietnam hanggang dumating sa China, Japan, maraming bansa sa Asia, at sa iba pang kontinente.

    Saan dati ginagamit ang aceite de alcamporado 

    Sa loob ng mahabang panahon, pinahahalagahan ang camphor dahil sa taglay nitong medicinal properties at fragrant qualities. Kaya ginagamit ito sa maraming bagay, gaya sa pagluluto, pangkontra sa mikrobyo, pamuksa ng mga insekto, at panggamot.

    Ang madalas na nakakakilala ng aceite de alcamporado ay ang mga may edad na o kaya naman nagamit na sa kanila. Itinuturing kasing "gamot" ito para sa:

    • Pananakit ng kasu-kasuan (rheumatism) o buto-buto (arthritis)
    • Pangangati at pamamaga ng balat (maaaring mula sa kagat ng insekto)
    • Pamumulikat at pagkirot ng muscles
    • Mga pasa (bruises) at pilay (sprain) sa katawan
    • Sipon at ubo (kung ipapahid sa likod at dibdib)
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Warning sa aceite de alcamporado

    Pero kailangan ng ibayong ingat. Ayon sa medical sources, maaaring makalason o maging toxic ang camphor kaya naman hindi na uso. Kapag ginamit, puwedeng makaramdam ng:

    • Iritasyon sa balat kapag naparami at napadalas ang pagpapahid
    • Pagsusuka kapag nainom ang likido
    • Pagkahilo kapag nasobrahan ang paglanghap ng amoy

    Kung ikaw ay buntis o may maliit na anak, alalahanin na mas malaking panganib ang maaaring idulot ng aceite de alcamporado sa inyong kalusugan. May mga pagsusuri kasi na nagpapakita ng ebidensya na posibleng makaapekto ang camphor sa pagbubuntis at pagpapadede. May mga kaso rin ng seizures at breathing difficulties sa mga sanggol.

    Sa isang medical paper na isinulat ng isang grupo ng pediatric specialists sa New York, U.S.A., ipinakita ang tatlong kaso ng mga batang may mula 15 hanggang 36 months na nakaranas ng seizure dahil sa camphor.

    Ang dalawang bata ay nakainom ng likido at ang isa naman, paulit-ulit na pinahiran ng liniment. Dinala ang mga bata sa ospital para magamot at masubaybayan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    May kaparis na pag-aaral sa Cambodia na nagpapakita ng masamang epekto ng mga produktong may camphor. Tulad sa Pilipinas, nakalakihan din sa bansang iyon ang pagpapahid ng liniment tulad ng aceite de alcamporado sa mga sanggol para hindi malamigan.

    Diin ng mga doktor na hindi rekomendado ang paggamit ng mga produktong may camphor sa mga batang wala pang 2 years old. Masyado pa daw kasing maselan ang kanilang balat para pahiran ng liniment at baka aksidente pa silang makainom ng likido. 

    Ano naman ang aceite de manzanilla?

    Kilala ring liniment ang aceite de manzanilla. Pero kadalasan, kulay berde ito at ginagamit kapag kinakabag. Ang active ingredient nito ay chamomile oil, na isa ring essential oil mula naman sa medicinal herb na chamomile.

    Bagamat limitado ang mga pag-aaral at artikulo tungkol sa chamomile, sinasabing marami ang benepisyong hatid nito. Bilang herbal tea, nakakatulong daw ang chamomile sa:

    • Hay fever
    • Inflammation
    • Muscle spasms
    • Menstrual disorders
    • Insomnia
    • Ulcers
    • Gastrointestinal disorders
    • Rheumatic pain
    • Hemorrhoids
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Masasabing “likely safe” ang pag-inom ng chamomile herbal tea. Bihira daw ang mga kasong nakaranas ng side effects, gaya ng nausea, dizziness, at allergic reactions. Wala pang ebidensya ng masamang epekto nito sa mga buntis at nagpapadede.

    Bilang essential oil, may mga magulang na gumagamit ng chamomile oil para sa mga anak nilang kinakabag at hirap makatulog. Pero mainam na alamin ang ligtas na paggamit nito, ayon sa mga doktor ng Johns Hopkins Medicine.

    May mga payo ang medical experts sa paggamit ng essential oils na puwede ring sundin sa paggamit ng aceite de alcamporado at aceite de manzanilla. Mainam na tandaan ng mga magulang na:

    • Siguraduhin na hindi mainom ng bata ang likido.
    • Maghinay-hinay sa pagpahid sa balat.
    • Huwag ipahid malapit sa mata, tenga, at ilong.
    • Subukan muna ang patch test bago tuluyang gamitin.

    Mainam na kumonsulta sa doktor bago gamitin ang kahit anung aceite na nabanggit at kung may kakaibang maramdaman ang bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close