embed embed2
Sobrang Kulit, Hindi Mapakali, At Iba Pang Senyales Na Baka May ADHD Ang Anak Mo
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Normal sa mga bata ang maging malikot at makulit. Napaka-curious kasi nila sa panahong ito ng kanilang buhay. Hindi sila mapakali at ang pagkakaroon ng ilang behavioral problems ay hindi na rin nakagugulat. May biro nga na may ADHD ang sinomang sobra ang kulit, kahit pa ang matatanda.

    Ano ang ADHD?

    Ang Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) ay isa sa mga karaniwang neurodevelopmental disorders ng kabataan. Ang mga batang may ADHD ay maaaring magkaproblema sa pagfo-focus, pagkontrol ng impulsive behaviors (kagaya ng pagdidesisyon nang hindi pinag-iisipan ang magiging resulta), at pagiging overly active.

    Ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), nada-diagnose ang ADHD sa childhood at madalas ding tumatagal hanggang adulthood. May bahid pala ng katotohanan ang biro tungkol sa nasabing medical condition ngunit hindi ito kakatwa dahil mahirap din magkaroon ng ganitong kondisyon.

    Kapag nagtuloy-tuloy kasi ang mga sintomas, maaaring maging mas malala pa ang mga ito sa panahon ng pagtanda. (Basahin dito ang tungkol sa adult ADHD.)

    Mga sintomas ng ADHD

    Narito ang ilan sa sa mga senyales na dapat bantayan, ayon sa mga eksperto:

    1. Malimit nangangarap nang gising (daydreaming) na nakakasagabal sa pang-araw-araw na gawain
    2. Madalas na makalimot
    3. Hindi mapakali (fidgeting, squirming)
    4. Pagkamadaldal
    5. Kawalang ingat, halimbawa sa pagkilos kaya madalas may nasasagi
    6. Hirap na kontrolin ang sarili
    7. Hindi naiisip ang panganib, kaya gumagawa ng nnecessary risks
    8. Hirap sa pag-iwas sa temptasyon
    9. Walang pasensya kapag naghihintay
    10. Hirap na makisama sa iba
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga uri ng ADHD

    Mayroong tatlong iba-ibang uri ng ADHD. Ang nagiging batayan ay ang mga sintomas na nakikita sa bawat indibidwal:

    Predominantly inattentive presentation

    • Madaling ma-distract
    • Madaling makalimot ng daily routines
    • Hirap sa pagsasaayos o pagkumpleto sa gawain
    • Hirap sa pagbibigay pansin sa mga detalye
    • Hirap sa pagsunod sa mga panuto o sa pakikipag-usap

    Read also: What are ADD and ADHD?

    Predominantly hyperactive-impulsive presentation 

    • Madaldal
    • Restless at impulsive
    • Hirap sa pag-upo nang tuwid (habang kumakain o gumagawa ng asignatura)
    • Hirap sa pagsunod sa mga panuto o direksyon

    Ang mas maliliit na mga bata ay maaaring tumakbo, tumalon, o umakyat palagi, at magsalita kahit sa hindi angkop na mga pagkakataon.

    Combined presentation

    Sa ganitong kondisyon, ang mga sintomas ng dalawang unang nabanggit ay nakikita.

    At dahil maaaring magbago ang mga sintomas sa paglipas ng panahon, posible ring magbago ang uri ng presentation.

    Read also: Is My Child Just Makulit or Does He Have ADHD?

    Mga posibleng sanhi ng ADHD

    Pinag-aaralan ng scientists ang cause(s) and risk factors upang mas mapabuti ang pag-manage sa ADHD at mabawasan ang chances na magkaroon nga ng ADHD ang isang tao. Hindi pa kasi tuluyan at lubusang natutukoy ang mga factors na ito ngunit batay sa kasalukuyang datos, malaking papel ang ginagampanan ng genetics.

    Bukod sa genetics, pinag-aaralan din ng mga siyentipiko ang iba pang posibleng sanhi at risk factors ng ADHD katulad ng mga sumusunod:

    • Brain injury
    • Exposure sa environmental risks (tulad ng lead) sa panahon ng pagbubuntis o noong kabataan ng pasyente
    • Pag-inom ng alak at paggamit ng tobacco noong panahon ng pagbubuntis
    • Premature delivery
    • Low birth weight
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maraming sinasabing sanhi ng ADHD, tulad ng pagkain ng maraming asukal, labis na panonood ng telebisyon, at iba pang social at environmental factors, tulad ng kahirapan o family chaos. Sa kabilang banda, hindi pa sapat ang pananaliksik o mga ebidensyang ginamit para sa mga pahayag tulad nito na malawakang pinaniniwalaan din ng ibang mga tao.

    Sinasabi ring mas karaniwan ang ADHD sa mga lalaki kaysa sa mga babae.

    Diagnosis at treatment

    Ang diagnosis ng pagkakaroon ng ADHD ng isang bata ay mahabang proseso, ayon sa mga eksperto. Walang isang paraan, o single test, na magpapatunay o kukumpirma sa ganitong diagnosis. May ibang medical conditions kagaya ng anxiety, depression, sleep problems, at ibang learning disabilities na may kaparehong mga sintomas.

    Kailangan ang medical exam, kasama ang hearing at vision tests, upang ma-rule out ang iba pang mga problema. Kasama rin dito ang checklist para ma-rate ang ADHD symptoms at makapagbigay ng kumpletong medical history ng bata mula sa mga magulang, mga guro, at minsan sa mismong bata na dumaranas ng mga sintomas.

    Rekomendado ng mga eksperto ang behavior therapy, medication, at suporta mula sa mga paaralan at pamilya para sa mga batang may ADHD.

    Para sa mga edad 4 hanggang 5 taon na may ADHD, inirerekomenda ang training para sa mga magulang. First line of treatment ito bago magreseta ng gamot ang doktor. Kasama rin ang close monitoring, follow-ups, at mga pagbabago sa lifestyle. Maaaring depende rin sa bata at kaniyang pamilya kung magiging matagumpay ang treatment.

    Dagdag pa sa behavioral therapy at mga gamot, ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at maayos na lifestyle ay makatutulong sa anak na dumaranas ng ADHD symptoms.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa healthy behaviors na maaaring sundin ng magulang para sa anak:

    • Magkaroon ng healthy eating habits, gaya ng pag-kain ng maraming mga gulay, prutas, whole grains, at lean protein sources, at iba pang masustansyang pagkain
    • Mag-ehersisyo nang regular
    • Limitahan ang daily screen time mula sa TVs, kompyuter, cellphones, at iba pang electronics
    • Matulog nang sapat ayon sa inirerekomendang haba ng tulog para sa bawat age groups

    Malaking tulong ang pagkonsulta sa mga espesyalista tulad ng child psychologist, child psychiatrist, o developmental pediatrician. Maaari ding ma-contact ang intervention agency (para sa mga edad 2 pababa) o public school (para sa mga batang 3 pataas).

    Paliwanag ng Kids Health, nagiging mas maayos at maginhawa ang kalagayan ng batang may ADHD kung masusuri nang mabuti ang kanyang kondisyon, kung makakain siya ng masusustansyang pagkain, makatutulog nang sapat, at makapage-ehersisyo, pati na kung ang kanyang mga magulang ay trained tungkol sa ADHD.

    Sa usaping adult ADHD, tandaang maaaring iba-iba rin ang mga sintomas sa mga mas nakatatanda. Halimbawa, ang hyperactivity ay magmistulang extreme restlessness. At dahil tumatagal ang ilang kaso ng ADHD hanggang adulthood, mainam kung talagang makapagpapa-check up at mabibigyan ng wastong diagnosis. 

    Mahalagang tandaan na ang mga sintomas ng ADHD ay nakapagdudulot ng mga problema sa trabaho, buhay sa pamilya, at mga relasyon. Kung alam ng mga tao sa iyong buhay ang iyong kalagayan, higit ka nilang mauunawaan at makatutulong ito sa iyo.

    Read also: Attention Deficit Hyperactivity Disorder & Its Similarity to Giftedness

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles