embed embed2
Ang Kati! Baka Dahil Sa Allergic Eczema: 6 Dapat Malaman Sa Sakit Sa Balat Na Ito
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang allergic eczema, o mas kilala ring contact dermatitis, ay isa sa mga uri ng sakit sa balat na nararanasan ang iritasyon, gaya ng pangangati nito kapag nagkaroon ng exposure sa isang allergenic substance.

    Kadalasan na mabilis ang reaksyon ng balat pagkatapos itong malantad sa allergen, o anumang bagay na allergic ang isang tao. Pero minsan hindi naman agad lumalabas ang mga sintomas nito.

    Ayon sa mga eksperto, walang tiyak na pinag-uugatan bakit ang ibang tao ay nagkakaroon nito samatalang ang iba naman, hindi. Gayunpaman, maraming itinuturing na mga salik sa paligid na maaaring makapagdulot nito at isa ring tinitingnan ang genetics. Ibig sabihin, maaring namamana ito.

    Mga dapat malaman tungkol sa allergic eczema

    1. Ang anumang substance na naihahalo sa tubig ang madalas na nagdudulot ng allergic eczema, gaya ng sabon.

    Karaniwang nagdudulot ng allergic eczema, o contact dermatitis, sa tao ay ang mga bagay na direktang nakasisira o nakakapagbibigay ng iritasyon sa pinakaibabaw ng balat. Gaya ng mga sabong panligo at panlaba dahil sa nagtataglay ito ng mga kemikal na maaaring maging sanhi ng iritasyon sa balat at mag-trigger ng eczema.

    Magkakaiba rin kasi ang balat ng tao. May iba na sadyang sensitibo talaga kaya madalas na ipinapayo ang paggamit ng mga mild soap. Maaari ring galing sa allergen na isang substance na nakaapekto sa immune system na lumalabas naman sa ating balat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Madaling magamot ang allergic eczema kung matitiyak ang mga pinagmumulan nito.

    Kung alam mo ang mga bagay na nakapagdudulot ng allergic eczema, agad itong maiwawasan para hindi na ma-trigger pa ang iyong allergy rito. Pero may mga pagkakataon talaga na nagbabago rin ang mga nakapagdudulot nito sa iyo kaya hindi pa rin maiiwasan na hindi magkaroon nito.

    Dahil dito, ipinapayo rin ng mga eksperto na gumamit ng moisturizer para hindi lubos na mag-dry ang balat o kaya naman mapigilan ang pagtutuyot nito.

    3. Panatiliing malinis ang mga kamay nang makaiwas sa atake ng allergic eczema.

    Mabisang paraan para maiwasan ang allergic dermatitis ay pag-iwas sa mga bagay na nakapagdudulot nito. Pero kung hindi makaiiwas, makatutulong ang mga sumusunod para mabawasan ang paglala ng sintomas nito:

    • Paglilinis ng balat ng maligamgam na tubig saka mag-aplay ng moisturizers
    • Pagsusuot ng gloves para maproteksyunan ang kamay
    • Palitan ang mga produkto sa tingin mong nakapagdudulot ng iritasyon sa balat
    • Paglalagay ng moisturizers para manatiling hydrated ang iyong balat at maprotektahan ang balat sa anumang allergens

    4. Pagtuyot at pangangati ng balat ang karaniwang epekto ng allergic eczema.

    Kapag nakararanas ang isang tao nito, ang pangunahing reaksyon ng balat ay pangangati. Kadalasan naman, natutuyot o nagda-dry ang balat dahil sa hindi maiwasan na makamot ito, kaya nagsusugat ito. Nagkakaroon din ng pagbitak ng balat dahil sa pagka-dry nito.

    May iba pang sintomas ang pagkakaroon ng allergic eczema, tulad ng:

    • Nagiging  mapula ang balat
    • Naglalabasan ang mga butlig o rashes na mamula-mula
    • Pakiramdam na mainit ang bahagi ng balat na apektado
    • Pamamaga ng bahagi ng balat na apektado
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Paalala ng mga ekspeto na kapag ang sintomas ay galing sa mga sabon, lumalabas agad ito sa loob ng 48 na oras o posibleng agaran din. Maaaring pagmulan din ang pagkakaroon ng allergy sa mga make-up, metal na alahas, at mga bagay na gawa plastic o rubber.

    5. Kamay ang karaniwang kinakakitaan ng sintomas ng allergic eczema dahil sa paghawak nito sa allergen.

    Bukod sa kamay, ang mukha rin na hindi naiiwasang mahawakan ang posibleng paglabasan o kakitaan ng sintomas ng allergic eczema. Pero maaari din itong lumabas sa alinmang bahagi ng katawan na apektado.

    Gayunman, kapag nalaman ang pinagmumulan ng pagkakaroon ng sakit na ito at maayos ang paggagamot, mabilis din itong mawawala pero kapag patuloy ang paglala ng mga sintomas gaya ng pagkakaroon ng discharge sa balat, matinding sakit o kirot, pagiging mainit ng bahagi ng balat na apektado at hindi mabuting pakiramdam, agad na kumonsulta sa dermatologist, na isang eksperto sa  mga sakit sa balat.

    6. Karaniwan na kapag may allergic eczema ang isang tao, ginagamot ito ng mga topical cream.

    Sa paga-aplay ng cream na mabibili sa mga botika kahit walang reseta, maaaring pamabilisin ang paggaling. Pero may pagkakataon din na malala ang nagiging reaksyon ng balat sa allergenic substance kaya kinakailangan ang pagpapatingin sa doktor para sa tamang paggagamot nito at kung kinakailangan uminom ng gamot gaya ng antibiotics.

    Allergic eczema sa bata

    Sa karanasan ng writer na ito, ang anak ang inatake ng allergic eczema. Kamot nang kamot ang bata ng kaniyang paa lalo sa gabi. Halos nahihirapan siyang makatulog kakamot nito. Ganito ang naging sitwasyon niya nang magkaroon siya ang allergic eczema sa paa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang una-unang kapansin-pansin ay ang pagkapal ng balat ng bata sa talampakan, lalo na sa may bahagi ng sakong hanggang sa naging mamula-mula na ito nang sumunod na araw. Siguro dulot ng kaniyang walang tigil na pagkamot dito.

    Pagkatapos, nanuyot o nag-dry na ang balat ng balat hanggang sa magbalat na ito. Kaya naman higit na nagsanhi ito ng pangangati hanggang magsugat na. Bilang paunang lunas, nilagyan ang apektado parte ng topical cream. Pero kabaliktaran ng ninanais ang resulta, at lalo lang lumalala ang kondisyon.

    Kaya ipinatingin ang bata sa dermatologist. Ayon sa espesyalista sa balat, posibleng dahil ito sa pagsusuot niya ng tsinelas na de-goma. Kaya ipinayo ng doktor na hindi na magsuot ang pasyente ng tsinelas na de-goma.

    May katagalan ang paggagamot sa allergic eczema dahil sa laki ng pinsala sa paa ng pasyente. Niresetahan siya ng antibiotics na ointment at ipinayo ang pagsusuot din ng medyas sa gabi para maiwasan ang pagkamot niya.

    --

    Mga pinagkunan ng Impormasyon:

    Contact Dermatitis

    https://www.nhs.uk/conditions/contact-dermatitis/

    Eczema

    https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9998-eczema

    Eczema Quick Guide: What You Need to Know From Diagnosis to Treatment

    https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/caring-for-baby-s-skin-3-things-parents-need-to-know-about-eczema-a1162-20170905

    Read also: A Mom's Battle and Victory Against Her Baby's Eczema

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close