embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Family Emergency Kit: Anong Laman Ng Go Bag Ninyo?

    Importanteng mayroon kayong nakahandang family go bag para sa panahon ng sakuna.
    by Ana Gonzales .
Family Emergency Kit: Anong Laman Ng Go Bag Ninyo?
PHOTO BY iStock
  • Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang Alert Level 4 sa Taal noong Linggo (Jan. 12), matapos itong magbuga ng ash clouds na umabot hanggang sa ilang bahagi ng Metro Manila at Central at Northern Luzon. 

    As of press time, nakataas pa rin ang Alert Level 4 bagaman humina na ang inilalabas na lava fountain ng bulkan. Ayon sa Philvocs, ang panandaliang ‘pananahimik’ at pagkalma ng bulkan ay hindi sapat na tanda ng tuluyan nang paghupa ng pagputok nito. Kaya naman mas makakabuti talaga kung lagi tayong handa sa ano mang posibleng mangyari.

    Ano ang Go Bag o Family Emergency Kit?

    Importante na mayroon kayong family emergency kit na pwede ninyong damputin sa panahon ng mga sakuna. Ang Go Bag na tinatawag ay isang portable kit na naglalaman ng lahat ng basic supplies na kakailanganin ng iyong pamilya kung mayroon mang emergency bunsod ng mga natural calamities tulad ng biglaang pagbaha, lindol, malakas na bagyo, o sa nangyayari ngayon, pagputok ng bulkan. Mahalagang mag-empake ka ng supplies na maaaring umabot ng dalawa hanggang tatlong araw.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anu-ano ang dapat ilagay sa loob ng aming family emergency kit?

    1. Emergency gear

    Pwede mong gamitin ang mga ito para mapanatili kayong mag-anak na ligtas. 

    • Flashlight
    • AM radio
    • Multipurpose knife
    • Glowsticks
    • Lighter o posporo
    • Kumot
    • Multipurpose rope
    • Extra batteries para sa flashlight at radyo
    • Garbage bags

    2. Drinking water

    Kung malaking backpack ang gagamitin mo para maging Go Bag ng pamilya, pwede kang maglagay ng ilang piraso ng maliit na bote ng tubig, depende kung ilan kayo. Pwede ka ring bumili ng galon ng tubig at itabi mo ito hanggang kailanganin.

    3. Pagkain

    Marami ka na ngayong mabibiling canned goods na nasa easy-to-open na packaging. Piliin mo iyong mga nasa maliliit na lata lang para hindi maging mabigat ang Go Bag. Mayroon na ring mga pagkain na nakalagay sa mga pouches at hindi madaling masira. 

    4. Hygiene kit

    Bukod sa extra clothes at underwear, medyas, at light jacket, kailangan mo rin ang mga ito:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Antibacterial soap
    • Toothbrush at toothpaste
    • Hand and face towels
    • Maliit na suklay
    • Sanitary napkin
    • Extra diapers
    • Baby wipes
    • Hand sanitizer

    5. Importanteng mga papeles

    Kailangan mo ring mag-secure ng mga kopya ng mga importanteng dokumento ninyong mag-anak tulad ng: 

    • SSS at Tax Identification Number (maaari ka ring mag-backup ng digital copy nito)
    • Driver's license
    • Passports
    • Birth certificates
    • Marriage contracts
    • Insurance certificates
    • Land titles
    • Vaccination at medical records

    6. Gamot

    Bukod sa prescription medicine ng mga anak mo, kailangan mo rin ng mga ito:

    • Antihistamine
    • Anti-diarrhea
    • Ibuprofen
    • Cough and cold medicine
    • Paracetamol

    7. First-aid kit

    Bukod pa sa mga gamot, kailangan mo ring maghanda ng first-aid kit na may kasamang:

    • Antiseptic cream
    • Insect repellent
    • Plasters sa iba't-ibang sizes
    • Bandages
    • Safety pins
    • Sterile gloves
    • Tweezers
    • Maliit na gunting
    • Thermometer
    More from Smart Parenting

    Ilan lamang ang mga ito sa mga kailangan mong ilagay sa inyong family emergency kit. Bukod pa sa mga ito, pwede ka ring maglagay ng ilan sa mga paboritong laruan ng mga anak mo. Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, ibinahagi ng mga nanay ang laman ng kanilang Go Bag. Mayroon silang calming balm, ilang maliliit na libro, at ilang piraso ng laruan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon naman sa Department of Health, importante na rin ngayon na mayroon kang iempakeng surgical masks at dust masks.

    Kailangan mo rin ng povidone-iodine panlinis ng sugat o hindi naman kaya ay wound ointment. Importante ring magdala ng powerbanks at kung may space pa, magdala rin ng extension cords.

    Hindi maiwasang ma-overwhelm ka kapag tinignan mo ang mga kailangan mong i-empake. Kung na-ooverwhelm ka, isipin mo lang ang iyong pamilya at ang mga pangunahing pangangailangan nila. Ang laman ng Go Bag ay specific o iba-iba sa bawat pamilya. Kayo? Anong nasa loob ng Go Bag ninyo? I-share mo lang sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles