Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Lapitin ba ng Lamok Ang Iyong Anak? 5 Rason Kaya Siya Kinakagat
PHOTO BY iStock
  • Tuwing maulan ay laganap ang dengue at iba pang sakit o mosquito-borne illnesses na ikinakalat ng mga lamok. Ngunit sa mga nakaraang taon, tumataas ang bilang ng mga nagkakasakit. Ayon sa latest data ng Department of Health (DOH), mayroon nang 146,000 kaso ng dengue at 622 na ang namatay mula January hanggang July 20, 2019. Ito ay mas mataas ng 98% sa mga kasong naitala sa parehong period noong 2018.

    5 dahilan bakit laging kinakagat ng lamok ang inyong anak

    Habang nakabantay ang mga magulang sa pag-agap ng pagkalat ng nasabing sakit (basahin ang mga paraan dito), maaaring ipinagtataka ng ilan kung bakit tila mas maraming kagat ng insekto ang kanilang anak kumpara sa kanyang mga kalaro. Sa katunayan, mayroon talagang mga tao na gustong kagatin ng mga lamok. Sa isang panayam ay sinabi ni Jonathan Day, isang propesor ng medical entomology sa University of Florida (USA), na ang mga taong ito ay tinatawag niyang "high-attractor types."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Narito ang ilang rason kung bakit mas lapitin at kagatin ng mga lamok ang inyong anak kaysa ibang bata:

    1. Palaging nage-ehersisyo o patakbo-takbo ang inyong anak.

    Ayon sa WebMD, ang pag-iiba ng ating body chemistry dulot ng labis na paggawa at paglabas ng ilang kemikal ng ating katawan ay siyang dahilan sa pagiging lapitin ng mga lamok. Halimbawa ay ang mga asido gaya ng lactic acid, uric acid, at ammonia na siyang lumalabas kasama ng pawis. Nagdudulot ng labis na pagpapawis ang palagiang paggalaw ng katawan ng inyong anak at siyang umaakit sa mga insekto sa paligid.

    Ang mga lamok ay may matalas na pakiramdam, lalo na sa hapon, sabi ni Day. Kung ang inyong anak ay naglalaro maghapon sa labas, tumataas ang kanyang temperatura dahil sa init. Dahil sa init, magpapawis ang inyong anak at ang pawis ay may kasamang lactic acid na siyang gustung-gusto ng mga lamok. Ayon din kay Day, ang init o temperatura ng katawan ay isa ring malaking kadahilanan kung bakit ang mga buntis ay lapitin ng lamok — mas mainit sila kumpara sa ibang tao sa kanilang paligid.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Malakas huminga ang inyong anak.

    Isa sa mga paraan kung paano nahahanap ng mga lamok ang kanilang biktima ay sa pamamagitan ng paglanghap ng carbon dioxide galing sa kanilang hininga — naaamoy nila ito, kahit na sa layong 50 metro, sabi ni John Edman, Ph.D., isang entomologist (nag-aaral ukol sa mga insekto) at tagapagsalita ng Entomological Society of America. Mas maraming ibinubugang carbon dioxide ang malalaking tao sa tuwing sila ay humihinga, dahilan kung bakit mas kinakagat ng lamok ang mga matatanda kaysa mga maliliit na bata.

    Subalit, kapag naghalu-halo na ang pawis, init ng katawan, pati na ang hingal na paghinga (panting), mas nagiging lapitin ng lamok ang inyong anak, lalo na kung siya ay pagod na.

    More from Smart Parenting

    3. Mabaho ang mga paa ng inyong anak.

    Sa isang pag-aaral ng PLOS One na inilabas noong 2011, napaga-alaman ng mga dalubhasa na ang mga lamok ay naaakit sa kakaibang amoy na dulot ng napakaraming bacteria sa balat. Ang paa ay isang bahagi ng katawan na pinamumugaran ng bacteria. Ito maaari ang rason bakit kadalasang sa paa at bukung-bukong (ankle) tayo kinakagat ng mga lamok.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ng American Mosquito Control Association, gustung-gusto ng mga lamok ang amoy ng Limburger cheese, na siya namang kahalintulad sa amoy ng mabahong paa. Ayon sa The Spruce, lumabas sa pagsusuri ng mga siyentipiko na ang pinaghalong amoy ng mabahong medyas at carbon dioxide ay nakaaakit ng maraming karaniwang uri ng mga lamok na nagdadala ng sakit. ("increases the attraction of many common species of disease-transmitting mosquitoes.")

    4. Ang iyong anak ay mahilig magsuot ng damit na madilim ang kulay (dark color).

    Ayon kay Day, unang ginagamit ng lamok ang kanyang paningin sa paghahanap ng taong mabibiktima. Kitang-kita ng mga lamok ang mga taong nakadamit ng madidilim na kulay gaya ng itim, navy blue, at pula.

    Inirerekomenda ng DOH na magsuot ng mga damit na may mahabang manggas (long-sleeved shirts) at pantalon na magaan ang kulay (light-colored). Kasama ito sa mga stratehiyang ‘4S’ : hanapin at linisin ang pinamumugaran ng mga lamok (search and destroy mosquito breeding places), protektahan ang sarili (secure self-protection), kumonsulta kaagad kung kailangan (seek early consultation), at suportahan ang fogging/spraying sa mga lugar na laganap ang dengue (hotspot areas) lamang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    5. Dahil ito sa blood type ng iyong anak.

    Babaeng lamok lamang ang nangangagat ng tao dahil kailangan nila ng protina mula sa ating dugo, na siya naman nilang ginagamit sa paggawa ng kanilang mga itlog. Dahil dito, posibleng naaakit sila sa ilang blood type.

    Sa isang maliit na pag-aaral noong 2004 sa loob ng isang kontroladong eksperimento (controlled setting), doble ang tsansa na puntahan ng mga lamok ang mga taong may dugong Type O kay sa mga Type A. Ang mga may Type B naman ay nasa gitna ng dalawang naunang blood type.

    Tandaan: nangangailangan pa ng pagsasaliksik upang patunayan ang teoryang ito. Anuman ang blood type ng inyong anak, pag-ingatan pa rin sila at lagyan ng insect repellent lalo na sa panahon ng dengue. (Basahin ang mga epektibong insect repellent lotion at cream dito.)

    Kagatin man ng insekto o hindi ang inyong anak, mahalagang agapan ang pagkakaroon niya ng mga sakit dulot ng kagat ng lamok. Maliban sa tamang pananamit, ang mga mosquito repellent na may DEET, picaridin, IR 3535, at lemon eucalyptus oil ay napatunayang ligtas at epektibo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Is Your Child a Mosquito Magnet? 5 Reasons He's Getting Bitten More

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles