Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Panahon na Naman ng Bungang Araw! Narito ang Dapat Gawin sa Tag-Init

    Huwag pabayaan ang bungang araw dahil baka magdulot ito ng impeksyon.
    by Allan Olga .
Panahon na Naman ng Bungang Araw! Narito ang Dapat Gawin sa Tag-Init
PHOTO BY iStock
  • Malapit na ang tag-init at magiging uso na naman ang bungang araw lalo na sa mga bata at sanggol na madalas ay magkaroon nito.

    Sabi ni Dr. Karissa T. Platon, M.D., DPPS, isang pediatrician, “Babies, infants and young children (under 4 years old) tend to be more affected because their sweat glands are still developing.” (Ang mga bata at mga sanggol edad 4 na taon pababa ang mga madalas magkaroon ng bungang araw dahil nagde-develop pa ang kanilang sweat glands.)

    Hindi lang mga bata ang nagkakaroon bungang araw. Kahit sino ay maaaring magkaroon nito pagdating ng tag-init. Ang mga karaniwang nakakakuha nito ay ang mga mabilis magpawis o yung may mabibigat na timbang.

    More from Smart Parenting

    Ano ang bungang araw?

    Ang bungang araw, o prickly heat sa Ingles, ay tinatawag ring miliaria rubra. Ito ay maliliit na rashes na kulay pula at nakaumbok sa balat. Kadalasan itong lumalabas sa mukha, leeg, balikat, likod, tiyan, leeg, dibdib, sa ilalim ng kiliki, puwet, sa mga bahagi ng katawan na natitiklop kagaya ng braso at sa may singit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang dahilan ng bungang araw?

    Nagkakaroon ng bungang araw ang isang tao kapag nababara ang kanyang sweat gland ducts at hindi lumalabas ang pawis. Maaaring magkaroon ng pamamaga na kung minsan ay nagiging impeksyon. Kadalasan ang mga nagiging sanhi ng bungang araw ay ang mainit at maalinsangang panahon, at anumang kondisyon na nagiging dahilan na magpawis nang husto, kagaya ng mataas na lagnat o kaya ay pagdadamit nang makapa.

    More from Smart Parenting

    Mga uri ng bungang araw

    1. Clear (miliaria crystallina)

    Ito ang pinakabanayad na uri, may liit na isa hanggang 2 mm, mababaw at malinaw na paltos o blister na kagaya ng butil ng pawis. Wala itong pamamaga at pangangati at ang blister ay makikita sa ulo, leeg at torso o ang gitnang bahagi ng katawan.

    2. Red (miliaria rubra)

    Ito ang pinakakaraniwang uri ng bungang araw. Ito ay pula, may blisters man o wala, at sobrang makati. Sa mga sanggol at bata, madalas itong tumubo sa leeg at singit. Sa mga matatanda, lumalabas ito sa upper trunk, sa anit, sa leeg, at sa mga bahagi kung saan madalas ay gumagasgas ang damit sa balat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Deep (miliaria profunda)

    Kadalasan itong tumatama sa mga matatanda na nagkakaroon ng sunod-sunod na bungang araw. Kulay balat ito at isa hanggang 3mm ang diameter ng umbok na makikita sa trunk at extremities.

    More from Smart Parenting

    Mga dapat gawin kapag may mga sintomas ng bungang araw

    Narito ang ilang tips ni Dr. Platon kapag may bungang araw

    1. Tiyaking hydrated at uminom ng maraming tubig.
    2. Huwag kakamutin ang mga bahaging may bungang araw.
    3. Gumamit ng banayad o mild soap.
    4. Manatili sa loob ng bahay sa tanghali kung kailan pinakamainit ang araw.
    5. Magsuot ng maluluwag at preskong damit na gawa sa cotton para maiwasang pagpawisan.
    6. Magpalit agad kapag nagpawis o basa ang damit.
    7. Huwag laging takpan ang affected area para magkaroon ng proper ventilation. Maglagay din ng cold water compress sa loob ng 15 minuto at tuwing kailangan.
    8. Iwasang gumamit ng mga produkto sa balat na may petroleum at mineral oil.
    9. Lagyan ng calamine lotion ang apektadong bahagi.
    10. Kapag sobra ang pangangati, maaaring magpahid ng banayad na steroidal cream o lotion. Maaari ring uminom ng antihistamine kapag sobra ang pangangati. Kumonsulta sa doktor sa instructions.

    May mga bagay rin sa kusina na makakatulong kapag may bungang araw

    Kapag sobra ang pangangati, ihalo ang 1 kutsaritang baking powder sa isang basong tubig na maligamgam. Ibabad ang bimpo sa mixture at banayad na ikuskos sa apektadong lugar at iwan sa loob ng 10-15 minuto. Gawin ito ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw para mabawasan ang pangangati.

    Siguraduhing uminom madalas ng tubig ang inyong anak. Maaaring makatulong ang fresh fruit juices katulad ng pineapple at watermelon.

    More from Smart Parenting

    Kailangan ding subaybayan ang mga bata dahil may mga pagkakataong sumosobra ang pagkamot, kung kaya’t lalong sumisiksik ang bumarang pawis sa balat. Kapag nakita o naramdaman ninyo ang mga sumusunod na indikasyon, pumunta agad sa doktor:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Lagnat
    • Matinding sakit sa palibot ng rashes
    • Nana sa rashes
    • Mapupulang streaks sa balat
    • Namamagang lymph nodes lalo na sa singit, leeg at kilikili.

    Sabi ni Dr. Platon, “Prickly heat occurs because of prolonged exposure to heat and humidity. This, in turn, may cause dehydration (or worse, heat stroke) aside from the appearance of the rash. Once signs of dehydration are noted and oral hydration at home is not successful, it would be better to see your doctor.” (Ang bungang araw ay lumilitaw dahil sa sobrang pagka-expose sa init. Nagdudulot ito ng dehydration, o kaya ay heat stroke, bukod sa pagkakaroon ng rashes. Kapag nakita ang mga sintomas ng dehydration, at hindi umeepekto ang oral hydration, pumunta agad sa doctor.)

    More from Smart Parenting

    Paano maiiiwasan ang bungang araw?

    Maligo araw-araw. Magsuot ng mga preskong damit. Laging magdala ng towel para pampunas ng pawis. Iwasang maarawan nang sobra ang bata, at ilagay siya sa preskong lugar.

    Paano malulunasan ang bungang araw?

    Kusang nawawala ang bungang araw kapag tinitiyak na laging presko ang bata. Ang cornstarch at baking soda ay mga old school remedies, pero kailangan pa ring kumonsulta sa doktor. Ang maling paggamit sa mga home remedies na ito ay maaaring magdulot pa ng mas lalong pagbara ng sweat glands. Iwasang kamutin ng inyong anak ang bungang araw at huwag basta-basta magpahid ng lotion at cream dahil maaari itong mauwi sa impeksyon at allergies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang impormasyong nakalahad dito ay mula sa mga sumusunod: 

    All About Bungang Araw: Causes, Remedies, and When to See the Doctor

    Eczema Quick Guide: What You Need to Know From Diagnosis to Treatment

    More from Smart Parenting

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles