embed embed2
  • Inamin Ni Chesca Garcia Napatanong Siya Ng 'Why Is This Child Taller Than Gavin?'

    Kritikal ang unang 5 taon ng bata sa kanyang paglaki at pagtangkad
    by Jocelyn Valle .
Inamin Ni Chesca Garcia Napatanong Siya Ng 'Why Is This Child Taller Than Gavin?'
PHOTO BY Instagram/chekakramer
  • Aminado si Chesca Garcia na may panahong nag-alala siya para sa pangangatawan ng bunso nila ng asawang si Doug Kramer. Napansin kasi ng mom of three na hindi kalakihan at katangkaran ang kanilang unico hijo na si Gavin kumpara sa mga kaibigan nito. Sa isip daw niya, “Why is this child taller than Gavin? Mas matanda naman si Gavin.”

    WHAT PARENTS ARE READING

    Hindi nakampante si Chesca kahit matangkad naman si Doug, na dating professional basketball player at may height na halos 6’5. Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos niyang malutas ang pagiging picky eater ng anak (basahin dito) at magbigay ng oral nutritional supplement (ONS).

    Masaya si Chesca sa naging resulta. Bumilis at tumuloy-tuloy ang paglaki at pagtangkad ni Gavin hanggang ngayon na 7 years old na siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbigay ng paliwanag sa paksa ng paglaki sina Dr. Mary Jean Villa-Real-Guno, isang pediatric gastroenterologist, at Dr. Jun Dimaano, ang medical director ng Abbot Nutrition, na siyang gumagawa ng ONS brand na PediaSure Plus. Sila ang resource persons ng webinar nitong October 21, 2020, at guest naman si Chesca.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pahayag ng mga doktor na kritikal ang unang 5 taon ng bata. Ito daw ang panahon na pinakamabilis ang growth velocity. Kaya may kasabihan daw na “The height of 5 is height for life.”

    Sa pagdetermina ng height, parehong may kinalaman ang genetics at nutrition. Pero mula 20 hanggang 40 percent lamang ang kontribusyon ng genetics, habang 60 to 80 percent naman ang manggagaling sa nutrition. 

    Masasabing nakararanas ng stunted growth ang bata kapag hindi sapat ang kanyang height para sa kanyang age alinsunod sa World Health Organization (WHO) standards. Sa Pilipinas, stunted ang 3 sa 10 mga bata, at 2 sa kanila ay nasa binggit ng pagiging stunted.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa mga doktor, dapat bantayan ng magulang ang paglaki ng anak nang maiwasan ang growth gap. Suhestiyon ni Dr. Guno, gumawa ng monthly monitoring gamit ang sariling weighing scale at height chart sa bahay.

    Dugtong ni Dr. Dimaano na mayroong available tools sa internet para makumpara ang weight at height ng bata sa WHO standards. Pagkatapos, bigyan ng kaukulang pansin ang proper nutrition.

    Dagdag pa nila na kung lampas 5 years old na ang bata, patuloy pa rin ito sa paglaki. Pero hindi na kasing bilis para kaagad makahabol sa WHO standards. Makakatulong ang pagbibigay ng “building blocks” tulad ng gatas na may amino acid na arginine at vitamin K2 para mapaghandaan ang susunod na biglang paglaki o growth spurt ng bata. 

    WHAT PARENTS ARE READING

    Maaari daw dumating ang growth spurt simula sa edad 11 at magtuloy ang paglaki ng bata hanggang edad 20. Kadalasan sa mga kababaihan, mayroon pa silang growth rate sa loob ng apat na taon pagkaraan ng kanilang unang menstruation. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles