;
embed embed2
  • Kailangan Mo Ng COVID-19 Vaccine Kung Magulang Ka

    Nagsimula na ang vaccination program sa maraming bansa at inaasahan na rin dito sa Pilipinas.
    by Jocelyn Valle .
Kailangan Mo Ng COVID-19 Vaccine Kung Magulang Ka
PHOTO BY Shutterstock/Andy Dean Photography
  • Noon pang 2010 pormal na binawi ang nalathalang pag-aaral na nagsasabing may koneksyon ang measles, mumps at rubella (MMR) vaccine at autism.

    “Incorrect” ang ilang elemento sa 1998 academic paper, ayon sa statement ng British medical journal na The Lancet

    Pero nagpatuloy ang tinatawag na vaccine hesitancy dahil mayroong mga hindi tuluyang nanumbalik ang tiwala sa MMR at ano pang uri ng bakuna. Nakadagdag pa sa pagdududa ang isyung kinasangkutan ng Dengvaxia dengue vaccine noong 2016, na kinalaunan, dininig sa Senado.

    Ngayong may pandemya dulot ng novel coronavirus, may bagong tuklas na COVID-19 vaccine para mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang sakit. Nagsimula na ang vaccination program sa maraming bansa at inaasahan na rin dito sa Pilipinas.

    Sa survey na ginawa ng Autism Society Philippines (ASP) sa kanilang Facebook page, lumabas na halos hati ang opinyon ng kanilang komunidad sa isyu ng pagbabakuna. Mga magulang daw ang may duda, pero payag naman ang kanilang mga anak na magpabakuna.

    COVID-19 vaccine para sa bata

    “Autismo at Bakuna” ang paksa sa Facebook Live session ng ASP sa pangunguna ng kanilang national president Mona Magno-Veluz at chair emeritus Dang Koe. Ang resource person ay si Dr. Alexis Reyes, isang kilalang developmental at behavioral pediatrician. 

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Reyes sa usaping autism at COVID-19 vaccine upang makatulong sa mga magulang sa kanilang pagdedesisyon.

    Hindi pa mabibigyan ng bakuna ang mga bata

    Sa kasalukuyan, ayon kay Dr. Reyes, wala pang mga bata ang nakakatanggap ng bakuna sa COVID-19. Ang minimum age daw kasi ay 16 o di kaya 17. Kaya kung magse-17 pa lang ang anak mo, may autismo man siya o wala, hindi pa siya mabibigyan ng bakuna.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung nasa edad na ang anak na may autism, paalala ng doktora na may moral at ethical obligation ang magulang na mapabakunahan ito.

    Para maproteksyonan ang mga bata, dapat magpabakuna ang mga kasama sa bahay

    Kahit hindi pa makakatanggap ng bakuna ang mga bata, maaari silang maprotektahan kung magpapabakuna ang mga kasama nila sa bahay.

    Ang mga magulang na magpapabakuna, halimbawa, ay mapapaliit ang tsansa nilang makuha ang virus sa labas at maiuwi sa bahay. 

    Kahit may bakuna na, tuloy pa rin ang pag-iingat

    Paalala ni Dr. Reyes sa lahat na ang bakuna ay hindi 100% effective, kaya kailangang ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols. Magsuot pa rin ng face mask at face shield habang umiiwas sa matao at saradong luga.

    Ang siguradong mapipigilan ng vaccine ay ang paglala (severity) ng sakit sa madadapuan ng virus.

    Dumadaan sa pagsusuri ang bakuna kahit fast track

    Makakatulong ang pagbabasa ng balita at panonood ng webinar para maliwanagan, sabi ng doktora, basta siguraduhin na reliable sources. Sa ganyang paraan malalaman na hindi naman basta-basta ang ginawang pag-aaral at pagtuklas ng bakuna.

    Maaari raw “na-fast track” ang proseso, pero hindi naman ibig sabihin ay nagkulang. Kailangan lang dumaan sa tamang pagsusuri tulad ng World Health Organization (WHO) at Food and Drug Administration (FDA).

    Aniya, “Think scientifically, not emotionally.”

    Tulong sa nonverbal child laban sa COVID 19

    Kung hindi nagsasalita o nonverbal ang batang may autismo, magiging mahirap para sa kanya na sabihin na nawalan siya ng panlasa o pang-amoy at iba pang sintomas ng sakit.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero sabi ni Dr. Reyes, puwedeng maramdaman ng magulang ang iniinda ng anak. Baka iba ang pag-iyak o may ibang kinikilos. 

    Lahad niya, “Kung madalas malikot, bilang tumamlay. Pag mabait ang bata, baka may sakit. There are parameters, like behavioral. Saka magpatingin sa doktor. Hindi ’yong tatawagan mo lang.” (Mainam daw ang teleconsultation parang nagkakakitaan sila ng pasyente.)

    Payo pa ni Dr. Reyes na turuan ang bata ng proseso sa ospital, tulad ng pagkuha ng blood test. Para “hindi magsira ng gamit o tumakbo kasi mapapaligiran siya ng mga maysakit.” Bagamat may kahirapan iyong gawin, puwede namang subukan.

    Huwag na lang muna daw ang swab test sa batang may autism dahil hindi talaga ito magpapalagay ng kung ano sa ilong. 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles