embed embed2
Bukod Sa Madalas Na Pagdumi, Mga Sintomas Ng Diarrhea Sa Bata Na Dapat Bantayan
PHOTO BY Shutterstock
  • Bagamat madaling magamot at maiwasan ang diarrhea sa pamamagitan, halimbawa, ng home remedy, nananatili itong isa sa mga nangungunang sanhi ng childhood death sa buong mundo. 

    Tinatayang 8% ng kabuuang bilang ng mga kabataang namamatay ay dahil sa diarrhea, ayon sa datos ng World Health Organization (WHO) noong 2017. Ang ibig sabihin nito, 1,300 na mga bata kada araw o 180,000 sa isang taon ang nasasawi dahil sa pagtatae.

    Usaping digestive health

    Kaya naman diarrhea ang tinalakay ni Dr. Marilou G. Tan, isang pediatric gastroenterologist, sa kanyang presentation na may titulong “Batang Tiyan, Dapat Alagaan: Caring for Your Child’s Digestive Health.”

    Kabilang si Dr. Tan, ang presidente ng Philippine Society for Pediatric Gastroenterology, Hepatology, and Nutrition (PSPGAHN), sa guest speakers para sa obserbasyon ng Philippine Digestive Health Week (PDHW) 2021.

    Tumakbo ang  PDHW 2021 nitong March 8 hanggang 13 sa pangunguna ng Department of Health (DOH) at partisipasyon ng mga grupo ng medical experts.

    Sabi ni Dr. Tan, masasabing may diarrhea ang isang tao, bata man o adult, kapag dumudumi ng lampas sa tatlong beses sa loob ng 24 oras. Hindi lang karaniwang pagdudumi, kundi malambot at matubig (loose/watery stool).

    Rotavirus daw ang kadalasang nagdudulot ng diarrhea, pero puwede ring dahil sa bacteria, parasite, o “underlying intestinal disease.” Kapag may diarrhea, nagkukulang ang fluid sa katawan para maayos na gumana. Tinatawag ang kondisyon na ito na dehydration

    Sintomas ng diarrhea sa bata

    Payo ni Dr. Tan sa mga magulang na obserbahan ang mga anak, lalo na kung sanggol pa, dahil hindi pa nila masabi ang tunay na nararamdaman. Bukod sa madalas at matubig na pagdudumi, maaaring may diarrhea si baby kung:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Lubog ang bumbunan (sunken fontanelle)
    • Lubog ang mga bata
    • Walang luhang pumapatak sa mga mata kahit malakas ang iyak
    • Hindi makaihi kaya madalang palitan ng diaper
    • Kung umihi man, dark yellow ang kulay
    • Uhaw na uhaw sa tubig
    • Mabilis na paghinga
    • Mabilis ang pagtibok ng puso
    • Hindi mapakali at irritable
    • Lubhang nanghihina

    Mga kailangan para malabanan ang dehydration

    Kapag may diarrhea, mahalaga na matugunan ang dehydration. May ilang paraan para magawa ito, ayon kay Dr. Tan.

    Oral Rehydration Solution

    Makukuha ang Oral Rehydration Solution sa mga health center. Paiinumin ito sa bata bilang diarrhea home remedy para maibalik ang nawalang fluids at electrolytes sa katawan.

    Breastmilk

    Paalala ni Dr. Tan na ituloy lang ng nanay ang pagpapasuso sa anak kahit nagtatae ito. Bigyan din ng masustansyang pagkain para lumakas lalo ang resistensya ng bata.

    Probiotics

    Makakatulong ang pagkain o pag-inom ng sagana sa probiotics para sa good bacteria na magpapalakas ng digestive system. Ang Yakult at iba pang katulad na brand ay masasabing nagbibigay ng probiotics dahil sa taglay nilang lactobacilli.

    Ito ay ayon kay Dr. Augusto Jose G. Galang, isa pang gastroenterologist at speaker sa event. Pero, dagdag ng presidente ng Philippine Society of Gastroenterology (PSG), meron pa naman daw ibang magpagkukunan ng probiotics na mabibili rin sa merkado.

    May paalala lang si Dr. Dulcinea Keiko Balce-Santos, board director ng PSG at moderator ng event. Aniya, walang "enough evidence" para iendorso nila ang mga nasabing probiotic drinks, pero wala ring "harm" kung iinumin.

    Diin pa ng mga eksperto na ipatingin na si baby sa doktor kung hindi umubra ang  diarrhea home remedy at lumala pa ang kondisyon nito. Lalo na raw kung may kasamang dugo ang dumi ng bata.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Tips para maiwasan ang diarrhea

    Kung tutuusin, madali lang daw talagang maiwasan ang diarrhea, sabi ni Dr. Tan. Nagbigay siya ng ilang dapat gawin ng magulang para mapanatili ang kalusugan sa tiyan ng anak.

    • Siguraduhing malinis ang inuming tubig sa bahay
    • Hugasang maigi ang raw foods, gaya ng gulay at prutas
    • Lutuin nang husto ang pagkain
    • Itabi ang mga pagkain sa malinis na lugar
    • Sundin ang hand hygiene, lalo na kung galing sa banyo
    • Linising mabuti ang banyo
    • Kumain ng masustansyang pagkain

    Pinapaalalahanan din ni Dr. Tan ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak laban sa rotavirus, na kadalasang sanhi ng pagtatae ng bata. Malaking tulong daw iyon para maiwasan ang diarrhea at hindi na mauwi sa gamutan kung hindi nakuha sa home remedy.

    What other parents are reading

     

     

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close