embed embed2
Paalala Ng DOH: Polio Outbreak Is Not Over
PHOTO BY iStock
  • Habang patuloy ang COVID-19 pandemic at hinihintay pa ang pagdating ng mabisa at ligtas na vaccine, may ilang dati nang mga sakit ang kailangan ding sugpuin. Kabilang dito ang polio, isang highly infectious viral disease na maaaring magdulot ng pagkaparalisa at kamatayan sa timaan nito.

    Karaniwang inaatake ng polio ang mga batang 5 years old pababa. Naiiwasan lamang ang pagkakaroon nito sa pamamagitan ng polio vaccine dahil walang gamot para dito. 

    Idineklara ng World Health Organization (WHO) na polio-free ang Pilipinas noong 2000, ngunit makalipas ang 19 taon, biglang may umusbong na kaso ng polio. Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH) noong September 2019, at naiulat nang husto sa SmartParenting.com.ph

    What other parents are reading

    Tunay na nakakapanglumo ang nangyari, ayon kay Dr. Wilda Silva, ang national immunization program manager ng DOH. Isa siya sa resource persons sa media education webinar na may titulong “Protection on All Fronts: Polio Immunization Drive During a Pandemic.” Ito ay hatid ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) nitong August 25, 2020. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman isinagawa ng DOH ang programang “Sabayang Patak Kontra Polio,” na nahinto lamang dahil sa COVID-19 pandemic. Ngunit ibinalik na ito simula July 20 at tatakbo hanggang September 20. May plano din ang ahensiya na serye ng preventive vaccination campaigns sa buong buwan ng October. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May paalala ang isa pang resource person na si Dr. Beverly Ho, ang director ng DOH Health Promotion and Communication Service, sa mga magulang. Aniya, “Pabakunahan ang inyong anak kada round ng Sabayang Patak Kontra Polio, nabakunahan man dati o hindi pa.”

    Sa kanyang presentation, sinabi ni Dr. Ho ang outbreak response goal ng DOH: Immunize all children under 5 years old, in every round in all priority areas regardless of immunization status.

    Sa ngayon ang sinasabing priority areas ay Region 3 at probinsya ng Laguna, Cavite, and Rizal.

    What other parents are reading

    Ibinahagi ni Dr. Ho ang ang sinusunod nilang health protocols para masiguro ang kaligtasan ng mga batang magpapabakuna sa polio at hindi mag-alala ang mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May necessary supplies para sa infection prevention at control sa immunization sessions, kabilang dito ang face mask at face shield na isusuot ng health care workers.

    Istriktong pagpapatupad ng paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon pagkatapos magbigay ng bakuna sa bawat kliyente. Kung may kakulangan ng tubig at sabon sa lugar, alcohol-based sanitizer ang gagamitin.

    Sisiguraduhin na ang lugar kung saan gaganapin ang immunization ay disinfected, well-ventilated, at spacious upang magkaroon ng hindi bababa sa isang metrong distansya bawat kliyente.

    Hindi man posible na gawin ang isang metrong distansya habang nagbibigay ng bakuna sa bata o sanggol, sisikapin naman ang pagkakaroon ng sapat na layo at pag-iingat.

    Mag-click dito para pa sa karagdagang impormasyon tungkol sa polio vaccine. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles