embed embed2
Iritable Ang Maselang Balat Ni Baby? Narito Ang 'ABCD' Ng Skincare Mula Sa Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Nakakatuwang hawakan at pisilin ang malambot na kutis ng sanggol, pero ingat lang dahil napakaselan pa ng baby skin. Kaya naman mainam na may nakahandang gamot sa balat para hindi na lumala pa ang pamumula, o rashes, at pangangati na siyang magdudulot ng pag-iyak ni baby.

    Bakit maselan ang balat ni baby?

    May ilang dahilan kung bakit napakaselan ng balat ng sanggol o baby skin, ayon kay Dr. Leah Manio, isang obstetrician-gynecologist at country medical lead ng Bayer Consumer Health. Ang Bayer ay isang global pharmaceutical company na mayroong sangay sa Pilipinas.

    Inisa-isa ni Dr. Manio ang mga dahilan at nagbigay din ng paliwanag sa online launch ng Bepanthen baby ointment, na produkto ng Bayer.

    Manipis ang topmost layer

    Hindi pa kasi mature ang baby skin kaya kumpara sa adult skin, napakanipis ng topmost layer nito.

    Maluwag ang configuration ng cells

    Ibig sabihin, hindi compact ang baby skin kumpara sa adult skin. Ang nangyayari tuloy, mas madaling nakakapasok ang irritants sa baby skin.

    Hindi pa sapat na lipids at melanin

    Mas kaunti ang lipids, o natural fats, pati na melanin, o natural na kulay (pigment) sa baby skin kumpara sa adult. Kaya mas kaunti pa rin ang proteksyong nakukuha ng balat ng sanggol.

    Mataas na pH level

    Ang potential of hydrogen (pH) ang sumusukat sa acidity at alkalinity ng isang solution. Kung mataas ang pH level, ibig sabihin acidic ito. Bagamat nakakatulong ang pagiging acidic sa pagtaboy ng bacteria, nakakabawas naman ng ibang proteksyon para sa baby skin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi pa mature na immune system

    Dahil nade-develop pa lang ang immune system ni baby, hindi pa nito kayang labanan ang karamihan sa mga umaatakeng infection na nagdudulot ng iritasyon tulad sa balat.

    Mga sanhi ng iristayon sa balat ng sanggol

    Bukod sa pagiging maselan ng baby skin, may iba pang dahilan kung bakit naiirita ito at nauuwi sa pamumula at pangangati.

    Matagal nababad sa basang diaper

    Kapag umihi si baby, lalo na kung dumumi pa, at hindi kaagad siya napalitan ng diaper, tataas ang tyansang mairita ang kanyang balat. Kapag kasi naghalo ang ihi at dumi, nagkakaroon ng breakdown sa skin lipids at proteins na nagpapalabas ng enzyme. Nagreresulta ito sa tila pagkasunog ng balat sa puwitan ni baby.

    Masikip ang suot na diaper

    Lumalala ang sitwasyon kung maling size ng diaper ang suot ni baby at nasisikipan siya dito. (Basahin dito ang tungkol sa diaper size chart.) Diyan na magsisimulang mamula at magbutlig-butlig ang balat ni baby hanggang magpaltos pa ito.

    Bilin ni Dr. Manio na kapag nagpapalit ng diaper ni baby, dapat tignan kung may pamumula sa kanyang balat. Kahit kaunting pamumula pa lang, magbantay dahil puwede itong lumalala at kumalat sa puwitan at genital area hanggang sa mga hita at binti.

    Dagdag pa ng doktora na obserbahan ang disposisyon ng sanggol: Wala na ba siyang ginagawa kung di umiyak nang umiyak sa sakit? Iritable na ba siya? Kung oo, mainam na komunsulta sa doktor.

    Read also: Nadine Samonte Recalls Taranta, Nagmarunong Moment With 1st Child

    Mga puwedeng gawin bilang gamot sa balat

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ibinahagi ni Dr. Manio ang tinatawag niyang ABCD ng praktikal na solusyon sa iritableng baby skin:

    Air

    Para sa nappy area ni baby, mainam na pahanginan (air out) ito ng ilang minuto. Huwag muna suotan ng diaper si baby kapag nakikita mong nagsisimula nang mamula ang kanyang balat.

    Barrier

    Maaaring pahiran ang balat ni baby ng ointment na magsisilbing protective barrier laban sa sanhi ng iritasyon. Pumili lamang ng produktong banayad sa balat at walang sangkap na pangkulay, pabango, at iba pang preservatives. Gamitin ito lalo na kung madaling magbalat si baby. Pero para makasiguro, subukan mo muna sa iyong balat nang malaman kung banayad nga talaga ito.

    Cleansing

    Kapag nililinisan si baby, gumamit lamang ng malambot na tela at tubig. Marahang tanggalin ang dumi at iwasang kuskusin ang balat. Ugaliin din na simulan ang paglilinis sa harapang bahagi ng nappy area ni baby at ituloy sa may likuran o puwitan. Pagkatapos linisan si baby, siguraduhin na tuyo na siya bago suotan ulit ng diaper.

    Education

    Bukod sa doktor, makakatulong din na magtanong sa iba pang mommy na may mas mahabang karanasan sa sanggol. Sabi nga ni Dr. Manio, hindi kahinaan ang pagtatanong ng dapat gawin kung may napapansing kakaiba sa anak at kailangan ng paunang lunas o gamot sa balat.

    Basahin dito ang gamot sa rashes sa mukha ni baby.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close