-
Ang Mga Sintomas at Dapat Gawin Kung May Dengue ang Iyong Anak
Hindi na lamang sa tag-ulan dapat katakutang ang dengue.
- Shares
- Comments

Tag-ulan man o tag-araw, wala nang pinipiling panahon ang sakit na dengue. Kaya naman ito nakakatakot dahil walang gamot sa dengue sa kasalukuyan.
Sa datos ng Deparment of Health (DOH) noong 2018 mula January hanggang July, umabot na ang kaso ng dengue sa 69,088 kasama ang 366 na naitalang patay. Bagaman walang pinipiling edad ang pagtama ng dengue, ayon sa ahensya ang mga batang may edad na 10 hanggang 14 ang pinakamadalas na dapuan ng sakit na ito. May pinakamataas naman na kaso nito ang Region 3, Region 11 at National Capital Region (NCR).
Kaya naman malawak ang panawagan ng DOH sa mga Pilipino na patuloy na makiisa na sugpuin ang paglaganap ng nakamamatay na sakit na ito. Kailangang alamin ng bawat isa ang mahahalagang impormasyong kakabit ng dengue.
Ano nga ba ang dengue?
Isang viral na infection ang dengue na kumakalat galing sa lamok. Sa pamamagitan ng kagat ng babaing lamok na Aedes, naihahawa o naililipat sa tao ang mikrobyo na nagiging sanhi ng iba’t ibang komplikasyon. Kapag hindi naagapan, lumalala ang komplikasyon. Ngunit, ang maagang diagnosis at maagap na paggamot nito ay makakaliligtas ng buhay.
What other parents are reading
Sintomas ng dengue
Ang dinadapuan ng sakit na ito ay maaaring walang sintomas sa simula at lumalabas lamang kapag malala na. Minsan naman, maaaring magdulot ng kalituhan ang sintomas nito sa ibang sakit o viral infection gaya ng flu o trangkaso. Ngunit, ang mga unang sintomas naman nito ay madalas na nagsisimula apat hanggang pitong araw matapos makagat ng lamok at karaniwang umaabot o tumatagal ng tatlo hanggang sampung araw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga unang sintomas nito ay mataas na lagnat na pabalik-pabalik kada apat o anim na oras. Walang sanhi ng anumang impeksiyon gaya ng masakit na pag-ihi o UTI, sipon, at inuubo o paglabas ng plema. Maaaring umabot hanggang pitong araw ang lagnat.
Ngunit, mahalagang paalala ng mga eksperto na huwag nang hintayin pa ang malalang sintomas bago ipatingin sa doktor o dalhin sa hospital ang nakararanas nito o may suspetsang may dengue.
What other parents are reading
Ang mga malalang sintomas naman ng severe dengue ay ang mga sumusunod:
- Matinding sakit ng ulo
- Pananakit ng palibot ng mata
- Pagkakaroon ng rashes
- Pagdurugo ng gilagid at ilong
- Labis na pananakit ng tiyan o abdominal pain
- Pagsusuka
Kapag ang batang kinakitaan ng ganitong sintomas ay kailangang ma-admit sa hospital upang agarang mabigyan ng atensyong medical.
Maaaring maging mahirap matukoy kung ang anak mo ay may dengue dahil ang mga sintomas nito ay kapareho ng ibang mga viral na sakit. Alamin ang mga sintomas ng dengue.ILLUSTRATOR Cyrille CalderonCONTINUE READING BELOWRecommended VideosAno ang mga dapat gawin kapag mayroong dengue
Walang lunas o gamot ang sakit na ito. Mayroon lamang magagamit na gamot para mawala ang lagnat o nararamdaman ng maysakit at labanan ang mga sakit na idinudulot nito. Para sa mataas na lagnat, makatutulong ang pagpapainom ng paracetamol. Bukod dito, mahalaga rin ang pagpapainom ng maraming tubig at maayos na pahinga. Ipinapaalala naman ng mga eksperto na iwasan ang pagbibigay ng mga gamot na nonsteroidal anti-inflammatory gaya ng ibuprofen at mefanamic acid.
What other parents are reading
Paano maiiwasan ang dengue
Sapagkat walang gamot ang sakit na ito kaya nararapat na protektahan ang ating sarili at pamilya sa dengue. Narito ang ilang tips na dapat gawin sa bahay:
Ugaliin ang 4 p.m habit
Kadalasan sa mga oras na ito pinakaaktibo ang mga lamok na may dala ng dengue. Kaya mahalaga ang paglilinis bago pa mangitlog ang mga lamok na ito. Alisin o itapon ang anumang bagay o stagnant na tubig na titirhan ng mga lamok. Tiyakin na walang mga lalagyan o imbakan ng tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok.
Gumamit ng insect repellent
Pahiran ang mga bata ng mga mosquito repellent na may DEET.
Suutan ng tamang damit ang inyong anak
Kung lalabas ang inyong anak ng 4.pm., suutan siya ng damit na mahahaba ang manggasmedyas, at panjama o pantalon ang mga bata lalo na sa panahon ng tag-ulan.Higit sa lahat, panatilihing malinis ang paligid upang masugpo ang pagdami ng mga lamok.
Si Dinalene Castañar-Babac ay isang first-time nanay ng isang happy baby girl, si Kalliope Joni. Maituturing din siyang nanay ng kanyang mga students sa isang exclusive school for girls. Tinatapos niya ang kanyang doctoral degree kasabay ng kanyang pagtuturo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga impormasyon na nakasaad dito ay nanggaling sa:
Is Your Child a Mosquito Magnet? 5 Reasons He's Getting Bitten More
Dengue Symptoms in Children: How You Can Spot the Warning Signs
5 Situations When Using Mosquito Repellent Is a Must for Moms
You Can Easily Prevent Dengue With This 4 P.M. Habit
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments