Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
May Masamang Amoy ang Paa ni Baby? 7 Solusyon na Pwede Mong Gawin
PHOTO BY iStock
  • Tinutulungan mong magbihis ang iyong anak. Pagkaalis mo ng kanyang sapatos — pee-yew — ang baho ng paa ng iyong anak! Mayroon bang gamot sa mabahong paa ng bata?

    "Pangkaraniwan namang may kakaibang amoy ang paa ng mga bata. “It’s not unusual for children to have strong foot odor. Kids are active and often sweat all over their bodies,” sabi ni Dr. David Geller, isang pediatrician at kolumnista para sa BabyCenter. (Ang mga bata ay aktibo kung kaya't madalas magpawis ang kanilang buong katawan.)

    Bakit mabaho ang paa ng aking anak?

    Mas nagpapawis at namamaho ang paa ng iyong anak dahil buong araw itong nakakulob sa sapatos o sa medyas. Ang sanhi ng pangangamoy ay ang presensya ng bacteria — gustung-gusto nila sa basa at madilim na lugar gaya ng loob ng sapatos. Ngunit, ‘wag mag-alala! Mayroon kang magagawa para sa pangangamoy ng paa ng iyong anak.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamot sa mabahong paa ng iyong anak

    Madaling masolusyunan ang mabahong paa ng mga bata. Heto ang mga pwede mong gawin para maiwasan ito:

    1. Sabunin at kuskusin nang mabuti ang kanyang paa.

    Mababawasan ang amoy ng paa ng inyong anak kapag mas kaunting bacteria ang naririto. Ugaliing hugasan ang kanyang paa araw-araw upang maalis ang bacteria. Hindi sapat na mabasa lamang ng tubig ang kanyang paa sa tuwing naliligo, sabi sa KidsHealth. Mas mainam kung kukuskusin at sabunan ang pagitan ng mga daliri sa paa. Pagkatapos ay tuyuing mabuti ang kanyang paa. Huwag magsuot ng sapatos kung basa pa ang paa!

    2. Pumili ng magandang medyas.

    Ang medyas na gawa sa natural na materyal gaya ng bulak (cotton) ay mas nakasisipsip ng pawis kaysa mga medyas na gawa sa synthetic fabric gaya ng nylon. Kapag mas kaunti ang kahalumigmigan (moisture) ay mas hirap dumami ang bacteria. Gumamit ng bagong pares ng medyas araw-araw at subukang palitan ang medyas ng inyong anak kung ito'y basa na ng pawis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    3. Huwag na maglagay ng lotion.

    Maaaring mabarahan ang maliliit na butas (pores) ng balat ng inyong anak. Dahil dito ay mas mahihirapan makahinga ang kanyang balat. "Instead, stick with your powder (talc-free) to help keep her feet dry,” sabi ni Dr. Claire McCarthy, isang pediatrician, sa Parenting. (Sa halip (na lotion), maglagay na lang ng pulbos na talc-free upang panatilihing tuyo ang kanyang paa)

    4. Huwag gumamit ng plastic na sapatos

    Mainam na gawa sa magaan at manipis na materyal ang mga sapatos para sa pangmaliliit na bata upang makahinga ang kanilang paa. Pinakamainam ang mga sapatos na gawa sa canvas, tela, at malambot na balat (leather) dahil nakaiikot ang hangin palabas at paloob ng sapatos. Sa kabilang banda naman, hindi natutuyo ang pawis sa loob ng sapatos na gawa sa plastic, gaya ng mga jelly ballet flats, dahil hindi nakapapasok at labas ang hangin dito.

    5. Magpalit ng sapatos araw-araw.

    Maaaring mamaho ang paa at sapatos ng iyong anak kung araw-araw niyang ginagamit ang parehas na pares ng sapatos. Mas mainam kung pwedeng ipagsalitang gamitin ng inyong anak ang ilang pares ng sapatos upang maiwasang mamahay ang bacteria sa iisang pares.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    6. Labhan ang mabahong sapatos.

    Ang maruming sapatos ay maaaring pamahayan ng fungus at bacteria, na siyang sanhi ng pamamaho nito. Mungkahi ni Dr. Geller ay labhan ang sapatos ng inyong anak gamit ang kaunting sabong panlaba o di kaya ay baking soda. Kapag tuyo na ay maaaring budburan ito ng kaunting foot powder upang mawala ang natirang amoy.

    7. Hayaan makahinga ang mga paa.

    Tanggalan ng sapatos at medyas ang inyong anak pagkauwi niya galing sa paaralan o laruan, lalo na kung sa loob lang siya ng bahay mananatili, mungkahi ni Dr. Geller. Kaakibat ng payong nauna: huwag siyang hayaang maglakad nang walang sapin sa paa (barefoot), sabi sa KidsHealth. Maaari siyang makakuha ng mas maraming bacteria.

    Sources: BabyCenter, Parenting, KidsHealth, NHS

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Ay Smelly! 7 Simple Solutions for Your Child's Stinky Feet

    Nawawalan ka na ba ng mga ideya para sa ibabaon ni baby sa school? Mag-click dito para sa mga pinasimpleng baon para sa inyong anak!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting


View More Stories About
Recommended Videos
View more articles