embed embed2
Minamalat Ang Anak? 5 Paraan Bilang Gamot Sa Paos Na Boses
PHOTO BY Shutterstock
  • Updated on September 28, 2023

    Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Minsan sa sobrang pag-iyak ng bata, minamalat siyang bigla. Nakakabahala tuloy sa panig ng magulang, kaya malamang ay napapaisip ka rin kaagad ng gamot sa paos na boses. Mainam kung obserbahan muna ang anak, ayon sa mga eksperto.

    Sabi nila sa United Kingdom National Health Service (NHS), maaaring mayroong laryngitis ang bata kung bukod sa paos na boses, nakakaramdam din siya ng iba pang sintomas, tulad ng:

    • Nakakairitang ubo na ayaw mawala
    • Malimit tumikham (clearing the throat)
    • Masakit at makati ang lalamunan (sore throat)
    • Lagnat na 38 degrees Celsius pataas
    • Walang ganang kumain o uminom
    • Hirap huminga (pero bihira itong manggyari)

    Ano ang laryngitis?

    Tinatawag na laryngitis ang kondisyon ng lalamunan kung saan naiirita o di kaya namamaga ang voice box o vocal cords. Gumagrabe raw ang kondisyon sa ikatlong araw ng pagkakaroon ng laryngitis. Pero karaniwan daw itong gumagaling nang kusa sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

    Sabi pa ng mga eksperto ng Mayo Clinic, may dalawang uri ng laryngitis.

    Acute laryngitis

    Ang kadalasang umaatake sa bata o matanda man ay ang acute laryngitis. Hindi raw ito nagtatagal at talagang temporary kung matutukoy ang dahilan nito. Narito ang common causes ng acute laryngitis:

    • Viral infections, tulad ng sanhi ng sipon
    • Vocal strain dahil sa sobrang pagsigaw o paggamit ng boses
    • Bacterial infections, pero bihira itong mangyari

    Chronic laryngitis

    Sinasabing chronic laryngitis kapag higit na sa tatlong linggo ang kondisyon at puwedeng magpabalik-balik kung may exposure sa sanhi nito. Posible ring mauwi ang chronic laryngitis sa vocal cord strain at injuries, pati na ang pagtubo ng polyps o nodules sa lalamunan.

    Kabilang sa common causes ng chronic laryngitis ang:

    • Inhaled irritants (chemical fumes, allergens, smoke)
    • Acid reflux o gastroesophageal reflux disease (GERD)
    • Chronic sinusitis
    • Sobrang pag-inom ng alak at paninigarilyo (sa adults)
    • Sobrang paggamit ng boses, lalo na kung singer o cheerleader
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Puwede rin daw na sanhi pero hindi madalas (less common causes) ng chronic laryngitis ang:

    • Bacterial o fungal infections
    • Infections sangkot ang ilang parasites

    Laryngitis vs. Iba't Ibang Karaniwang Sakit ng mga Bata

    Magkaiba ang laryngitis mula sa iba't ibang karaniwang sakit ng mga bata, gaya ng sipon at trangkaso. Mahalagang malaman ng mga magulang ang pagkakaiba nito.

    Laryngitis

    Ito ay ang pamamaga ng vocal cords na maaring magdulot ng paos na boses, pag-ubo, at masakit na lalamunan. Karaniwan, ito ay hindi kaakibat ng lagnat.

    Sipon

    Ang sipon ay isang viral na sakit na kung saan karaniwan itong kasama ng ubo, at lagnat. Hindi ito nagdudulot ng paos na boses.

    Trangkaso (Influenza)

    Ang trangkaso ay isang mas matinding viral infection kaysa sa simpleng sipon. Ito ay may mga sintomas gaya ng matinding lagnat, ubo, sakit ng katawan, at panghihina ng katawan. Hindi rin ito karaniwang nagdudulot ng paos na boses.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sa mga pagkakataong may pag-aalinlangan, mahalaga na kumonsulta sa doktor upang ma-diagnose nang tama ang kondisyon ng bata. Ang tamang pangangalaga at maagang pagtuturing sa mga sintomas ay magiging mahalaga upang mapanatili ang kalusugan ng mga bata.

    READ ALSO: Sipon, Sakit Ng Katawan At Iba Pang Sintomas Ng Influenza At Paano Ito Maiiwasan

    Dapat gawin sa paos ang boses dahil sa laryngitis

    Para hindi na lumala pa ang kondisyon at mapabilis ang pagbuti ng pakiramdam, may mga paraan bilang gamot sa paos na boses dahil sa laryngitis. Payo ng mga eksperto na tulungan ng magulang ang anak na gawin ang mga sumusunod:

    Iwasan ang vocal strain

    Nagkakaroon ng vocal strain dahil sa sobrang paggamit ng boses. Kaya paalalahanan ang anak na huwag magdaldal at magsalita lang kung kailangan.

    Panatilihing hydrated

    Hindi raw dapat natutuyo ang lalamunan kung paos ang boses. Kaya painumin ng maraming tubig at iba pang fluids ang anak upang maiwasan ang dehydration.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iwasan ang allergens o triggers

    Ilayo ang anak sa mga mausok at maalikabok na lugar. Kadalasan kasing allergens o triggers ang usok at alikabok kaya huwag nang bigyan pa ng exposure ang anak sa mga ito.

    Bigyan ng over-the-counter medications

    Tanungin ang pharmacist kung makakatulong ang pag-inom ng paracetamol o di kaya ibuprofen cough syrup, pati na ang pagsipsip ng lozenges para sa sore throat ng bata.

    Iwasan ang pagtikham (clearing of throat)

    Nakasanayan na ang pagtikham (clearing of throat) kapag makati ang lalamunan, nauubo, o di kaya minamalat. Maling gawain pala itong pagpilit na matanggal ang kung ano mang iritasyon sa lalamunan.

    Paliwanag ng mga eksperto, nakakasama at nakakalala pa ang pagtikham (clearing of throat) dahil sa nalilikha nitong abnormal vibration ng vocal cords at lalo pang mamamaga ang mga ito. Lumulon na lang daw upang mabawasan ang plema o mucus sa lalamunan.

    Kapag hindi bumuti ang pakiramdam ng anak bagkus lumala pa, bilin ng mga eksperto na komunsulta na sa doktor. Sa ganyang paraan talaga matutukoy ang kalagayan ng bata at mabibigyan siya ng gamot sa paos na boses at iba pang karamdaman.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano maiwasan ang pagkapaos ng boses sa mga bata

    Iwasan ang sobrang pag-ubo at pagdaldal

    Ang labis na pag-ubo at pag-daldal ay maaaring magdulot ng tensyon sa vocal cords ng mga bata. I-encourage ang mga anak na magpahinga mula sa malalakas na sigaw o pagsasalita.

    Uminom ng maraming tubig

    Mahalaga ang tamang pag-inom ng tubig. Ang kawalan ng tamang hydration ay maaring magdulot ng pagsusuka at pagkakaroon ng paos na boses. Siguruhing laging may tubig na available para sa mga bata.

    Iwasan ang usok at polusyon

    Ang usok at polusyon ay maaring maging sanhi ng pag-iritate sa lalamunan. Iwasan ang mga maputik na lugar at siguruhing may malinis na hangin ang kanilang nilalanghap.

    Tamang nutrisyon

    Magbigay ng tamang pagkain na mayaman sa bitamina at sustansya. Ang malusog na katawan ay mas malakas na makakalaban ng mga impeksyon.

    Gumamit ng air humidifier

    Kung maaari, maglagay ng air humidifier sa kwarto ng bata, lalo na kung malamig ang panahon. Ito ay makakatulong sa pag-iwas sa pagkatuyo ng lalamunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagtuturo ng proper hygiene

    Ituro sa mga bata ang tamang paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo na maaring magdulot ng laryngitis.

    Frequently asked questions tungkol sa laryngitis

    1. Mayroon bang gamot na over-the-counter para sa laryngitis?

    Sa kasalukuyan, wala pang tiyak na over-the-counter (OTC) na gamot para sa laryngitis. Subalit, maaari kang magtanong sa iyong doktor o pharmacist tungkol sa mga OTC na gamot na maaring makatulong sa pag-alleviate ng mga sintomas ng laryngitis. Gayundin, maaaring magbigay sila ng rekomendasyon para sa iba pang lunas.

    2. Kailan dapat dalhin ang anak sa doktor kung may laryngitis?

    Kung ang iyong anak ay may mga sintomas ng laryngitis na hindi nag-iimprove o nagiging mas masahol pa, o kung sila ay may hirap sa paghinga, ito ay dapat agad na ipakonsulta sa doktor. Ang doktor ang makakapagsagot ng mga tanong ukol sa tamang pag-aalaga at gamot na kailangan para sa kanilang kalusugan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Ano ang mga pagkain ang pwedeng kainin ng may laryngitis?

    Para sa mga may laryngitis, magandang kumain ng malambot na pagkain gaya ng sopas, lugaw, prutas, at gulay. Maiwasan ang matataba, maasim, o maalat na pagkain na maaring magdulot ng pagkatuyo ng lalamunan.

    4. Ano ang mga pangkaraniwang sanhi ng laryngitis sa matatanda?

    Sa mga matatanda, ang pangkaraniwang sanhi ng laryngitis ay sobrang paggamit ng boses, pag-inom ng alak, paninigarilyo, acid reflux, at mga irritants sa hangin gaya ng usok at kemikal. Gayundin, ang viral o bacterial infections ay maaaring magdulot ng laryngitis sa mga matanda.

    Basahin dito ang gamot sa makating lalamunan.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close