;
embed embed2
Madalas Sumakit Ang Tiyan Ng Bata? 9 Paraan Bilang Paunang Lunas At Gamot
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa ang pananakit sa tiyan sa mga kadalasang dinadaing ng mga bata. Bagamat kadalasang lumilipas din ito, hindi naman madaling tiisin ang kirot. Kaya mainam na alamin ng magulang ang mga paraan bilang gamot sa sakit sa tiyan nang matulungan na guminhawa ang pakiramdam ng anak.

    “Stomach pain is a common complaint ng maraming mga kids," lahad ni Dr. Caroline Anne Castro, isang pediatric gastroenterologist, sa panayam niya noon sa Smart Parenting.

    "Most of the causes of stomach pain are benign, meaning mild lang siya. So, usually hindi siya delikado. They’re also self-limiting, meaning short-term lang and they go away on their own.”

    Pero dagdag ni Dr. Castro, may mga pagkakataong hindi lang pananakit ng tiyan ang nararamdaman ng bata. Maaari raw may mas seryosong dahilan ang kanyang kondisyon. Kaya kailangang mas maging alerto ang magulang sa iba pang sintomas.

    Dapat gawin kapag masakit ang tiyan ng bata

    May ilang hakbang na rekomendado ang mga eksperto para matulungan ng magulang ang anak na maibsan ang masamang pakiramdam at bilang paunang gamot sa sakit sa tiyan.

    Alamin ang uri ng kirot

    Payo ng Medline Plus, ang information resource ng United States National Library of Medicine, na tanungin ang anak kung anong klaseng sakit sa tiyan o abdominal pain ang kanyang nararamdaman. Mga halimbawa:

    Generalized pain—kung damay ang higit sa kalahati ng tiyan. Maaaring dulot ito ng:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Stomach virus
    • Indigestion
    • Gas
    • Constipation

    Cramp-like pain—kung humihilab ang tiyan. Kadalasang kasunod nito ang diarrhea at karaniwang hindi naman seryosong kondisyon.

    Colicky pain—kung may pakiramdam na umaalon sa tiyan. Karaniwang nagsisimula at nagtatapos ito nang biglaan. Malaki ang posibilidad ang seryoso ang kondisyong ito.

    Localized pain—kung isang parte lang ng tiyan ang sumasakit. Maaaring may problema siya sa:

    • Appendix
    • Gallbladder
    • Hernia (twisted bowel)
    • Ovary
    • Testicles
    • Stomach ulcers

    Para sa anak na baby o toddler, malalaman mong may iniinda siyang sakit sa tiyan kung:

    • Mas nagiging maselan at hindi mapakali
    • Nilalapit ang mga binti sa tiyan
    • Hindi makadede o makakain nang tama

    Pahigain ang bata

    Hayaang makapagpahinga nang tahimik ang anak habang inoobserbahan kung kusang mawawala ang sakit.

    Painumin ng tubig

    Paunti-unti lang ang bigay ng maiinom na tubig, basta tandaan lang na puwede lang itong gawin sa anak na lampas 6 months old.

    Hikayating dumumi

    Maaaring constipated ang bata kaya sumasakit ang kanyang tiyan, at malalaman mo ito kung nakadumi na siya.

    Huwag munang bigyan ng solid food

    Sa loob ng ilang oras, pakainin na lang muna ang bata ng sabaw o konting lugaw, pati na biskwit.

    Iwasan ang mga inuming nakakairita sa tiyan

    Mga halimbawa:

    • Carbonated—soda o softdrinks
    • Caffeinated—kape, tsaa, o mga katulad na inumin
    • Dairy—gatas, yogurt drink, at iba pa

    Iwasan bigyan ng gamot

    Bago painumin ng aspirin, ibuprofen, acetaminophen, o mga katulad na gamot, kailangan komunsulta muna sa doktor.

    Bigyan ng warm compress

    Kung walang hot compress bag, maaaring maglagay ng mainit na tubig sa bote at balutan ito ng bimpo o tuwalya bago ilapat sa tiyan ng bata. Makakatulong ito lalo na kung kabag ang dahilan ng sakit ng tiyan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pahiran ang tiyan ng mentholated ointment

    Makakatulong din ang ganitong produkto para mainitan ang tiyan at mawala ang hangin na sanhi ng kabag.

    Kailan dapat dalhin ang bata sa doktor?

    Kung hindi guminhawa ang pakiramdam na bata at nagpatuloy o lumala pa ang kanyang kalagayan, posibleng sintomas ito ng isa sa mga uri ng sakit sa tiyan. Maging alerto rin sa mga gantiong sintomas:

    • Kirot sa ibabang parte ng kaliwang bahagi ng tiyan (lower right side) dahil baka dulot ito ng appendicitis
    • Kirot sa pag-ihi dahil baka dulot ito ng urinary tract infection (UTI)
    • Lagnat at masamang ubo
    • Pagsusuka ng kulay green o di kaya may kasamang dugo
    • May dugo sa dumi

    Dapat gawin para maiwasan ang sakit sa tiyan

    Kung napapadalas ang constipation, indigestion, at iba pang common causes ng stomach ache, makakatulong ang mga ganitong hakbang nang hindi na humantong sa pagbigay ng gamot sa sakit sa tiyan ng bata:

    • Itama ang diet at eating habits
    • Iwasang pagsuotin ng masikip na damit
    • Iwasan ang pagbibigay ng anti-inflammatory medicines, tulad ng ibuprofen
    • Sikaping regular ang pagdumi
    • Bawasan ang stress dahil maaaring sintomas ng anxiety ang panay na pagsakit ng tiyan

    Basahin dito para sa pananakit ng tiyan kung buntis naman.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles