;
embed embed2
  • 7 Senyales Na Hindi Na Sapat Ang First Aid Para Sa Sugat Sa Labi Ng Bata

    Maaaring dumugo nang husto dahil sa dami ng blood supply sa bandang bibig.
    by Jocelyn Valle .
7 Senyales Na Hindi Na Sapat Ang First Aid Para Sa Sugat Sa Labi Ng Bata
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag nadapa ang bata at tinamaan ang bibig, malamang magsugat dito at dumugo nang husto. Sagana kasi sa blood supply sa ganyang parte ng katawan, sabi ng mga eksperto. Pero, dagdag nila, hindi kailangang mabahala kaagad dahil may paraan bilang gamot sa sugat sa labi.

    Sabi nga ni Dr. Ei Ye Mon, isang pediatrician, sa Cleveland Clinic, kadalasang mabilis din ang paghilom ng sugat dahil na rin sa dami ng blood vessels sa bandang bibig. Kabilang diyan ang sugat sa dila at sugat sa gilagid.

    Mga dapat gawin bilang gamot sa sugat sa labi

    Bago ang lahat, sabi naman ng mga eksperto sa University of Rochester Medical Center, kalmahin muna ang anak kung nagulat, nasaktan, at umiyak dahil sa sinapit na aksidente. Siguraduhin din daw na malinis ang mga kamay bago bigyan ng first aid ang sugat. Huwag na ring hipan o pahanginan ang sugat dahil tutubuan lang ito ng germs.

    Linisin ang sugat

    Kung nadapa ang bata sa playground, halimbawa, malamang, sabi ni Dr. Ye Mon, tumama ang mukha nito sa may putikan o di kalinisang lugar. Kaya mainam na hugasan muna ang mukha ng bata, lalo na iyong may sugat, gamit ang tubig sa gripo. Siguraduhin daw na walang anumang dumi sa sugat.

    Lagyan ng pressure ang sugat

    Takpan ang sugat gamit ang malinis na tela o gasa (gauze, bandage) at idiin ito para magkaroon ng pressure. Kung may pressure, sabi ni Dr. Ye Mon, ang karaniwang sugat sa parteng bibig ay dumudugo sa loob ng lima hanggang sampung minuto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bigyan ng cold compress ang sugat

    Para mamanhid ang parteng may sugat sa labi, lapatan ito ng ice pack o di kaya ice cube na binalot sa bimpo. Makakatulong ito para maibsan ang kirot. Puwede rin daw bigyan ng ice pop ang bata bilang cold compress at distraction na rin.

    Painumin ng pain reliever ang bata

    Kung hindi matiis ng bata ang kirot, sabi ni Dr. Ye Mon, maaari mo siyang painumin ng acetaminophen o  ibuprofen na pambata. Hindi na rin daw kailangan na pahiran ang sugat sa labi ng antibiotic ointment at lagyan pa ng adhesive bandage.

    Bilin pa ni Dr. Ye Mon, dahan-dahan lang muna ang pagbibigay ng pagkain sa bata. Iwasan daw iyong mga maaasim at maanghang habang pinapagaling pa ang sugat. Silipin din daw ang sugat kung ayos lang ito at palitan ng bandage para makasigurong malinis ito.

    Mga senyales na ipagamot sa doktor ang sugat sa labi

    Kadalasang gumagaling nang kusa ang sugat kahit hindi ito tahiin, sabi ni Dr. Ye Mon. Pero may mga kaso na mas seryoso, kaya bantayan daw ang mga ganitong senyales:

    1. Malalim o di kaya mahaba ang sugat, na higit pa sa kalahating pulgada (half inch), at uka-uka ito
    2. May bumutas sa labi o doon sa gilid ng bibig kaya ito nasugatan
    3. May kalawang ang nakasugat sa bata at bumaon ito sa sugat sa labi
    4. Hindi tumitigil ang pagdudugo ng sugat kahit 10 minuto mo na ito binibigyan ng pressure, kaya ituloy mo lang ito hanggang makarating sa emergency room
    5. May napuruhan na ngipin at umuuga ito, kaya sa dentista dapat dalhin ang bata at hindi sa emergency room
    6. Hindi gumagaling ang sugat at infected na ito
    7. Grabeng pamumula at pamamaga ng sugat, o di kaya may discharge
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bigyan din ng konsiderasyon kung hindi pa kailanman nakakatanggap ng tetanus vaccine ang bata at kung kagat ng aso, kalmot ng pusa, o iba pang hayop ang sanhi ng sugat sa labi. Kailangan daw talagang mapatignan na ang bata.

    Mga puwedeng gawin para maiwasan ang sugat sa labi ng bata

    Bagamat talagang nangyayari ang aksidente, may mga suhestiyon ang mga eksperto para makaiwas.

    • Turuan ang anak na huwag lumakad o tumakbo nang may hawak na bagay sa bibig
    • Turuan ang anak na huwag ngumuya o ngumata ng matigas at matulis na bagay, gaya ng lapis
    • Turuan ang anak na huwag iharap ang mukha sa bibig ng pet
    • Turuan ang anak na magsuot ng mouth guard kung maglalaro ng sports na takaw-disgrasya nang hindi na humantong sa paghanap ng gamot sa sugat sa labi

    Basahin dito para sa sugat sa mata at dito para sa sugat sa lalamunan.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles