embed embed2
Sabik Sa Beach? 4 Paraan Bilang Gamot Sa Sunburn Kung Napatagal Ang Pagbilad Sa Araw
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Dahil nasabik lumabas ng bahay nitong nakaraang mga taon ng COVID-19 pandemic at tumitindi na ang init ng araw dulot ng summer, hindi maiiwasan na magkayayaan sa beach at magbabad doon ang mga bata hanggang masunog ang balat. Kaya mainam na alamin ang gamot sa sunburn.

    Mga dapat malaman tungkol sa sunburn

    Tinatawag na sunburn ang mapula at masakit na reaksyon ng balat pagkatapos nitong mabilad sa ultraviolet (UV) light, ayon sa Stanford Children's Health. Dagdag naman ng Kids Health na maaaring mangyari ang sunburn sa mga bata sa loob ng 15 minuto nabilad sila sa araw. Pero hindi kaagad napapansin ang pamumula at pagkairita ng kanilang balat.

    Kailangan maproteksyunan ang balat ng mga bata mula sa matinding sinag ng araw dahil sa panahon ng kabataan kadalasang nangyayari ang sun damage, ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP). Pero hindi lang sa sunburn nakikita ang pinsala sa balat, bagkus sa posibilidad na mauwi kalaunan sa pagkulubot, paninigas, o di kaya cancer.

    Kabilang sa mga pangkaraniwang palatandaan na apektado ng sunburn ang balat:

    • Pamumula
    • Pamamaga
    • Pagpapaltos
    • Pagkatuyot, pangangati, at pagbabalat na nangyayari mula tatlo hanggang walong araw pagkatapos masunog ang balat

    Kung malala o severe ang sunburn, maaaring makaramdam ang bata ng mga ganitong sintomas:

    • Lagnat
    • Pangangatog (chills)
    • Pagkahilo na puwedeng may kasamang pagduduwal (nausea)
    • Panghihina
    • Pagkalata ng katawan
    • Pagkalito
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamot sa sunburn

    Nagsisimulang sumulpot ang mga sintomas mula anim hanggang 12 na oras pagkatapos nabilad sa araw. Sa susunod na 24 oras naman nagiging hindi kumportable ang mga bata. Makakatulong na gumihawa ang pakiramdam kung gagawin ang mga sumusunod na remedyo:

    Paliguan ang bata gamit ang malamig na tubig

    Mainam ito lalo na kung nagsisimula pa lang na mamula at kumirot ang balat, ayon sa mga eksperto. Puwede ring lapatan ng cold compress gamit ang bimpong basa sa malamig, pero hindi naman nagyeyelo, na tubig. Maaari itong gawin sa bata sa loob ng ilang minuto sa buong araw. Malaking tulong ito para maibsan ang sunburn.

    Pahiran ang balat gamit ang moisturizing cream o aloe gel

    Payo ng The Children’s Hospital of Philadelphia na gumamit ng topical moisturizer, hydrocortisone cream, o di kaya topical pain reliever bilang gamot sa sunburn.

    Puwede rin daw ang lotion o get na may sangkap na aloe vera, na may kakayahang maibsan ang nasunog na balat. Iwasan lang daw ang mga produktong may sangkap na petroleum, na nagkukulong ng init sa balat, at merong benzocaine o lidocaine, na nakakarita naman sa sunburn.

    Bantayan ang sintomas ng dehydration

    Kapag nasunog ang balat dahil sa pagbilad sa araw, nawawala ang kakayahan nitong mag-ipon ng tubig (fluid) sa katawan. Kaya mainam na dalasan ang pagbigay ng maiinom sa bata bago pa magsimula ang sintomas ng dehydration. Suhestiyon ng mga eksperto na bigyan ng isang boteng tubig ang bata at sabihan itong dalasan ang pag-inom.

    Bigyan ng ibuprofen

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mabisa ang ibuprofen, ayon sa Children’s Hospital Colorado, para sa mga bata dahil napipigilan nito ang inflammatory reaction. Kaya maaaring mabawasan ang pamamaga at pamumula ng balat.

    Bilin lang ng mga eksperto na agad ipainom ang gamot kung sa tingin mo ay matagal na nabilad sa araw ang anak. Huwag na raw hintayin na mamula ang balat dahil ilang oras pa ito mangyayari. Para makasiguro sa dosage ng gamot, mainam na komunsulta sa doktor. Sa malalang sunburn, kung saan may paltos na ang nasunog na balat, kadalasang nagreresta ng antibiotics.

    Paano maiiwasan ang sunburn?

    Para hindi na humantong pa sa pagkasunog ng balat, maaaring gawin ang mga sumusunod na payo ng mga eksperto:

    Pahiran ang mukha at katawan ng bata gamit ang sunscreen na may sun protection factor (SPF) na hindi bababa sa 30.

    Gawin ang pagpahid ng sunscreen 15 minuto bago lumabas ng bahay ang bata. Ulitin ito kada dalawang oras o di kaya pagkatapos pawisan nang todo ang bata.

    Suotan ang bata ng kumportableng T-shirt, sombrero o cap, at sunglasses kung hindi lumalangoy ang bata.

    Huwag hayaan na magbilad ang bata sa araw mula 10 a.m. hanggang 4 a.m., lalo na sa tanghaling tapat, dahil mataas ang ultraviolet (UV) rays at kailangang ihanda na ang gamot sa sunburn.

    Basahin dito kung paano mapo-protektahan ang mga baby kung matindi na sa sikat ng araw.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles