embed embed2
  • Eto ang Pinakamagandang Gamot Para sa Ubo at Sipon ng Iyong Anak

    Kadalasan na naaabuso ng mga nag-aalaga sa bata ang mga OTC na gamot.
    by Allan Olga . Published Sep 30, 2023
Eto ang Pinakamagandang Gamot Para sa Ubo at Sipon ng Iyong Anak
PHOTO BY iStock
  • Ang article na ito ay unang naipublish noong March 3, 2019. Nadagdagan ito ng updates noong September 30, 2023.

    Mayroon nga bang partikular na gamot para sa ubo at sipon ng bata na mabibili na over-the-counter (OTC)? Ang malamang na isasagot sa inyo ng mga doktor ay walang partikular na gamot sa lahat ng nabanggit na sakit. Ito din ang sinasabi sa isang review na isinulat ng The BMJ (British Medical Journal) kung saan pinagsama-sama ng mga researchers ang mga ebidensiya kung effective nga ba ang mga gamot sa OTC na gamot para sa ubo, sipon, pagbara ng ilong, at pagbahing.

    Ani ni Dr. Mieke van Driel, ang pangunahing author ng study at ang head ng primary care clinical unit sa University of Queensland sa Australia, sa  The New York Times, “Parents are always worried that something bad is happening, and they have to do something.” (Laging nag-aalala ang mga magulang na baka may mangyaring masama sa kanilang mga anak at gusto nila itong mapigilan.)

    “Unfortunately, our research shows there’s very little evidence [that medication worked]. We were actually quite amazed by how little there was — hardly anything to be enthusiastic about.” (Ayon sa aming research, maliit ang ebidensya na nakagagaling ang mga gamot na eto.)

    What other parents are reading

    Sang-ayon dito si Dr. Faith Buenaventura-Alcazaren, isang Filipino pediatrician. “OTC meds tend to be abused by caregivers, giving rise to unwanted side effects. In general, these cough and cold preparations have not been proven safe.” (May tendency na abusuhin ng mga nag-aalaga sa bata ang mga OTC kaya nagkakaroon ng maraming side effects. Sa kabuuan, ang mga gamot para sa ubo at sipon ay hindi napapatunayang ligtas.)

    Ayon sa U.S. Food and Drug Administration (FDA), hindi palaging nangangailangan ng gamot ang mga batang may ubo at sipon. Ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP) ang rekomendasyong ito ay sumasaklaw sa mga batang may edad na 7 taong gulang pababa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kabilang sa mga medication na pinagiingat ang mga magulang ay ang decongestants (phenylephrine), antihistamines (chlorpheniramine maleate and others), cough suppressants (dextromethorphan) at cough expectorants (guaifenesin).

    What other parents are reading

    Ayon sa AAP, “Research has shown these products offer little benefit to young children — and can have potentially serious side effects. Many cough and cold products for children have more than one ingredient, increasing the chance of accidental overdose if combined with another product.” (Ayon sa pananaliksik, ang mga produktong ito ay nagbibigay lamang ng kaunting benepisyo sa mga bata at maaaring magdulot ng seryosong side effects. Marami sa mga gamot para sa ubo at sipon ng bata ay nagtataglay ng higit sa isang sangkap na maaaring magdulot sa accidental overdose kung isasama sa iba pang produkto.) 

    Paano lunasan ang sintomas ng ubo at sipon

    Ang karaniwang ubo na viral infection ay kusang gagaling sa loob ng isa o dalawang linggo at hindi nangangailangan ng gamot. Sabi ni FDA pediatrician Amy M. Taylor, M.D., “For older children, some OTC medicines can help relieve symptoms — but won’t change the natural course of the cold or make it go away faster.” (Para sa mga mas malalaking bata, ang ilang OTC ay makakatulong para paginhawaing ang mga sintomas pero hindi nito matatanggal ang ubo.)

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Hindi inirerekomenda ni Dr. Buenaventura-Alcazaren ang pagbibigay ng mga gamot para sa ubot at sipon sa mga sanggol na may edad na 6 na buwan pababa. “A lot of parents feel they need to give something for a cold or a cough. At best, a saline spray will help decongest and melt the mucus so it can be easily aspirated,” (Marami sa mga magulang ang gustong mapagaling ang anak kapag ito ay may ubo at sipon. Ang pinakamagagawa nila ay magbigay ng saline spray para matanggal ang pagbabara ng ilong.) 

    Makakatulong din kung pananatilihing hydrated ang mga bata. Inirerekomenda ni Dr. Buenaventura-Alcazaren ang air humidifier, saline nebulization para matanggal ang mucus at pagtataas sa ulo kapag nakahiga para lumuwag ang paghinga. Nakakatulong din ang maligamgam na tubig pagligo. Maaari ring magbigay ng maligamgam na sabaw —nakakatulong ang amino acids para makontrol ang congestion ayon sa research.

    Para sa malalaking bata ang honey ay makakatulong. Ayon sa isang 2007 study, ang honey ay mas epektibo kesa sa dextromethorphan (isang cough suppressant). Ngunit kung ang inyong anak ay wala pang isang taon, huwag silang bibigyan ng honey dahil maaari itong maging sanhi ng infant botulism, na maaaring magdulot ng constipation, walang gana sa pagkain, lethargy, at sa mas ibang matinding kaso, pulmonya at dehydration.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kailan dapat pumunta sa doctor kapag ang inyong anak ay may ubo

    Kahit na kusang nawawala ang ubo, mahalaga pa rin na malaman ng mga magulang ang ibang sintomas na maaaring indikasyon na may seryosong dinaramdam ang bata. Kumonsulta sa doktor kung ang mga sintomas na taglay ng bata ay hindi pa rin nawawala pagkatapos ng tatlong linggo o nararanasan ang mga sumusunod na sintomas

    • Matinding sore throat
    • Matinding pananakit ng ulo
    • Hirap sa paghinga
    • Pagsakit ng ulo
    • Pananakit sa lalamunan at mukha
    • Pamamaga ng gland (lymph nodes) sa leeg 

    Ang mga batang humihinga nang mabilis at merong mataas na lagnat ng kahit anong edad ay nakababahala. Ang panginginig o pangangatol at pananakit ng katawan ay posibleng sintomas ng influenza o trangkaso na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng flu vaccine.

    Paalala ni Dr. Buenaventura-Alcazaren, “Proper patient education is important especially about the course of a viral illness.” (Ang tamang edukasyon sa mga pasyente ay mahalaga tungkol sa viral illness.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At tandaan huwag mag-atubiling tanungin ang inyong doctor kung may gumagambala.

    Frequently asked questions (FAQs) tungkol sa gamot ng ubo at sipon para sa mga sanggol

    1. Ano ang ilang natural na panlunas sa ubo at sipon sa mga sanggol?

    Kasama sa mga natural na remedyo ang hydration, bulb suction, saline drops, humidifiers, steam, at acetaminophen para sa lagnat at kakulangan sa ginhawa. Palaging kumunsulta sa isang healthcare provider bago subukan ang anumang mga bagong remedyo.

    2. Ligtas ba para sa mga sanggol ang mga over-the-counter na gamot sa ubo at sipon?

    Ang FDA ay nagpapayo laban sa paggamit ng OTC na mga gamot sa ubo at sipon para sa mga batang wala pang dalawang taong gulang. Hindi rin hinihikayat ng AAP (American Academy of Pediatrics) ang paggamit ng mga gamot na ito para sa mga batang wala pang apat na taong gulang.

    3. Ano ang mga potensyal na epekto ng OTC na mga gamot sa ubo at sipon sa mga sanggol?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga potensyal na epekto ay kinabibilangan ng pag-aantok, pagkamayamutin, at pagtaas ng tibok ng puso.

    4. Kailan ako dapat humingi ng medikal na payo para sa ubo o sipon ng aking sanggol?

    Humingi ng medikal na payo kung ang iyong sanggol ay wala pang tatlong buwang gulang at may lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, nasa pagitan ng tatlo at anim na buwang gulang at may lagnat na 101°F (38.3°C) o mas mataas, nahihirapang huminga o mabilis na huminga, nagpapakita ng mga palatandaan ng pag-aalis ng tubig, o may patuloy na pag-ubo o pag-ubo ng dugo.

    5. Ano ang maaari kong gawin upang maiwasan ang pag-ubo o sipon ng aking sanggol?

    Panatilihin ang isang malinis na kapaligiran, iwasan ang mga irritant, subaybayan ang mga antas ng temperatura at halumigmig, at magsagawa ng mabuting kalinisan ng kamay.

     

    Ang mga impormasyon na nakalahad dito ay nanggaling sa:

    The Best Medicine for Cough and Colds That Beats Over-the-Counter Drugs

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close