embed embed2
  • Samantalahin Ang Pagbubukas Ng Health Centers Para Sa Libreng Catch-Up Bakuna

    Para sa bakuna ng anak, makipag-ugnayan sa barangay upang malaman ang schedule.
    by Jocelyn Valle .
Samantalahin Ang Pagbubukas Ng Health Centers Para Sa Libreng Catch-Up Bakuna
PHOTO BY iStock
  • Balik-serbisyo na ang mga health center sa bansa, at maaaring dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak para sa bakuna. Huwag mag-alala kung naipagliban ang takdang araw ng bakuna noong kasagsagan ng community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic dahil may catch-up provision ang Department of Health (DOH).

    MAHALAGANG MALAMAN TUNGKOL SA BAKUNA

    Paliwanag ni Dr. Maria Wilda Silva, ang national immunization program manager ng DOH, “Hindi ka na uulit sa dose mo kung na-miss mo ang succeeding doses. You’ll just continue or you’ll be given the doses that you miss.

    "We have provision up to 59 months (o 5 years old). If you miss the vaccine intended for 0 to 12 months children, we are providing catch-up up to 59 months.”

    Paalala lang ni Dr. Silva na makipag-ugnayan muna ang mga magulang sa lokal na pamahalaan o local government unit (LGU) para sa schedule ng bakuna sa kanilang lugar. Aniya, maaaring may kakulangan sa resources ang barangay kaya hindi kakayanin ang araw-araw na pagbibigay ng bakuna bagkus may inilaan lamang na mga petsa para sa ganitong serbisyo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa dito ang pag-iwas sa pagdagsa ng mga tao bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus. Kaya may mga barangay na ginagawa ang pagbabakuna sa labas ng health center, gaya ng multi-purpose gym o basketball court. Hindi na ngayon puwedeng pagsabay-sabayin sa isang petsa ang mga magpapabakuna at kanilang mga bantay.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Siniguro naman ni Dr. Silva na ang mga tauhan ng DOH na nagbibigay ng bakuna, o ang tinatawag na vaccinators, ay nagsusuot ng personal protective equipment (PPE) at nagpapahid ng alcohol o alcohol-based sanitizer kada turok sa pasyente. Alinsunod ang mga ito sa health at safety protocols ngayong panahon ng pandemya. 

    “Kailangan kumpleto ang ating routine immunization,” lahad niya para sa mga magulang. “From birth up to 12 months, meron tayong mga bakuna na binibigay in 3 doses. If you miss dahil nag-shut down nga tayo noong March... 

    “If you miss those antigens or vaccines, now that the health centers are back in operations, bring your children to the health center. Dahil importante na mabakunahan sila laban sa vaccine-preventable diseases. We don’t want to be burdened with measles outbreak on top of COVID.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nauna nang naibalita ang nakaambang measles outbreak (basahin dito). Kaya magkakaroon ang DOH, sa pakikipagtulungan sa LGUs, ng supplemental immunization activity sa measles, pati na sa polio, sa October 26, 2020 (Phase 1) at February 2021 (Phase 2). 

    Nagbigay ng pahayag Dr. Silva bilang tagapagsalita sa fourth installment ng Health Connect, isang serye ng media education webinar na inorganisa ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP). Naganap ito nitong Tuesday, October 20, 2020, at may titulong “Measles Threat: The Need for Herd Immunity.”

    MAHALAGANG MALAMAN TUNGKOL SA BAKUNA

     Ang isa pang speaker ay si Dr. Mary Ann Bunyi, ang president ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP). May partisipasyon din sina Dr. Lulu Bravo (bilang reactor), ang executive director ng Philippine Foundation for Vaccination (PFV), at Dr. Fatima Gimenez (bilang moderator), ang vice-president ng PIDSP, sa webinar series na binuo katuwang ang DOH, PFV, at Philippine Medical Association (PMA).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles