embed embed2
Maraming Bata Ang Magkaka-Tigdas Sa 2021: Herd Immunity Ang Sagot?
PHOTO BY iStock
  • Sa patuloy na pagsalanta ng COVID-19 sa maraming bansa, may mga napag-uusapang paraan bilang posibleng solusyon. Hinihintay pa kasi hanggang ngayon na magkaroon ng bakuna kontra sa bagong sakit na lubhang nakakahawa. Isa sa mga paraan daw ang herd immunity.

    READ WHY KIDS NEED TO BE VACCINATED

    Naging matunog ang konsepto ng herd immunity nang maglabas noong September 2020 ang ilang grupo ng researchers sa Brazil ng kinalabasan ng kanilang pag-aaral sa nangyaring COVID-19 outbreak at slowdown sa siyudad ng Manaus. Mula kasi sa 120 patay kada araw bandang May, bumaba ang bilang ng mga pumanaw sa halos zero pagdating ng August.  

    Pahayag ng Brazilian researchers, na naulat sa Nature, nangyari ang slowdown dahil sa malaking bahagi ng populasyon ng Manaus na naging exposed sa coronavirus. Pumalo daw sa 66 percent ang infection rate. Ganoon na rin karami ang naging immune sa sakit hatid ng natamo nilang antibodies.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi herd immunity ang sagot laban sa COVID-19

    Dito sa Pilipinas, mariin ang pagtutol ni Dr. Mary Ann Bunyi, ang president ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), sa konsepto ng herd immunity na nabanggit bilang tugon sa COVID-19. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Aniya, “We cannot afford to let susceptible individuals parang itutulak mo sila to have COVID-19 infection in order for the others to be protected. We need to study a lot about COVID-19. We don’t even know from these individuals who recover from COVID-19, how strong their immunity is, and how long the immunity is from recovering from the infection.”

    Dagdag pa niya na ideal ang herd immunity para lamang sa single-type diseases, tulad ng measles, German measles, mumps, and chicken pox. At kailangan ng vaccine dito para makamit ang benepisyo ng herd immunity. (Basahin dito para sa karagdagang impormasyon.)

    Nagpaliwanag nang husto si Dr. Bunyi sa kanyang lecture na may titulong “Measles and Herd Immunity.” Bahagi ito ng fourth installment ng Health Connect, isang serye ng media education webinar, na ginanap nitong Tuesday, October 20, 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano makukuha ang herd immunity

    Mas marami daw na kabataan ang magkakasakit sa tigdas sa 2021 (basahin dito). Maaaring makatulong ang herd immunity bilang sagot sa pinangangambahang measles outbreak. Paano?

    Gumagana lamang herd immunity kung ang karamihan sa mga tao sa populasyon ay nabakunahan. Halimbawa, 19 sa bawat 20 katao ang kailangang mabakunahan laban sa tigdas upang maprotektahan ang mga taong hindi nabakunahan.

    Karaniwan, 93% hanggang 95% ng isang populasyon ang dapat mabakunahan upang makamit ang kaligtasan ng herd immunity at maiwasan ang tigdas. Kung ang mga tao ay hindi nabakunahan, hindi sila poprotektahan ng herd immunity.

    Ang good news libre ang bakuna sa tigdas na makukuha mula sa health centers. Kung may may bakuna ang karamihan, mapoprotektahan ng herd immunity ang mga sanggol na 8 buwan pabab. Hindi pa sila eligible sa national immunization program at routine vaccination ng Department of Health (DOH).

    Pero ayon sa talaan ng ahensiya, 24% ng mga kabataang nagkakasakit ng tigdas ay may ganoong mga edad. Kaya mahalaga ang nabakunahan ang mga tao sa community nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang iba pang mga makikinabang sa herd immunity 

    • Mga taong immunocompromised na hindi puwedeng magpabakuna.
    • Mga nakakatanda o elderly na hindi na kakayanin ng katawan ang bakuna.
    • Mga taong nawalan ng bisa ang natamong bakuna.

    READ WHY KIDS NEED TO BE VACCINATED

    Huwag na natin dagdagan pa ng measles o polio outbreak ang pandemya ngayon. Matagal nang hindi ito nagiging sakit pero lumalabas na naman dahil sa mababang vaccination rate. Pabakunahan ang mga bata at protektahan ang iyong community. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles