embed embed2
Ang Kailangan Sa Bahay Para Iwas Electrocution Maliban Sa Power Plug Cover
PHOTO BY Shutterstock/Natthawon Chaosakun
  • Natural sa mga bata ang maging curious. Isa sa mga bagay na nakakapukaw ng kanilang atensyon ang mga saksakan ng kuryente (electrical outlet, power plug, socket).

    Nakikita (at naa-amaze) nila yung ginagawa natin na isasaksak ang mga appliances, gaya ng electric fan, para umandar ito.

    Kaya kahit anong pagbabawal at pagsasaway ng magulang sa maliit na anak, makakahanap ang bata ng pagkakataon at paraan para makialam sa outlet. Nariyan ang ipasok ang kahit anong bagay na mahawakan niya — kutsara, tinidor, susi, tiyane (tweezer), cuticle pusher, hair clip, at kung ano-ano pa.

    Iiwas ang bata sa mga power plugs 

    Ang nakakatakot nito, baka makuryente ang bata at mapahamak ito. May mga kaso nang humahantong sa pagkasawi ng bata, gaya ng viral sa social platforms ngayon na namatay na bata dahil sa diumano pagkakasaksak ng kutsara sa extension.

    Ibinahagi ng isang mommy sa Smart Parenting Village Facebook group ang karanasan niya sa kanyang 6-year-old son, na nagsuksok ng hair clip sa power outlet. Bigla na lang daw may pumutok sa bahay at nag-blackout. Mabuti na lang daw, electrician ang asawa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bago umalis si mister para magtrabaho sa ibang bansa bilang overseas Filipino worker (OFW), siniguro niyang ligtas ang electrical wiring sa kanilang bahay. Kabilang dito ang automatic shutdown ng breaker. Kaya hindi nasaktan ang bata nang ipasok niya ang hair clip sa outlet. Nagulat lang daw ito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maraming naka-relate sa kuwento ni mommy. May mga anak din silang nakalusot sa kanilang mga paningin. Nalingat lang daw sila, ayun na ang bata nakasuksok na ng susi o ano pang gawa sa metal sa outlet. Ang ilang mga bata, bahagyang nakuryente at parang nakahawak ng uling ang mga kamay dahil nangitim.

    Paano maiwasan ang electrocution o electric shock 

    Nagpalitan silang mga magulang ng tips kung paano maiwasan ang pagkalikot ng mga bata sa power outlet. Ika nga ng isa kanila, mga magulang talaga ang maga-adjust para masiguro ang kaligtasan ng anak.

    Electrical outlet cover

    Suhestiyon ng ilang mga magulang na maglagay sa mga saksakan ng electrical outlet plug cover, na mabibili sa hardware store at online shops. Gawa ang mga ito sa plastic na ipinapasok sa outlet para selyado ito sakalaing suksukan ng bata ng kahit anong bagay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang problema, sabi ng ibang mommies, kaya nang tanggalin ng kanilang mga anak ang plastic cover. Mas mainam daw pumili ng plug cover na may lock para hindi matanggal ng bata. Huwag ding kalimutan na lagyan ng outlet cover ang extension cord.

    Automatic breaker

    Payo ng electrician sa grupo na magpalagay ng ground-fault circuit interrupter (GFCI) sa bahay. Pero ipalagay sa professional o registered electrician para siguradong tama at ligtas ang pagkakagawa.

    Ang GFCI ay isang “fast-acting circuit breaker,” ayon sa Occupational Safety and Health Administration (OSHA) ng U.S. Department of Labor.

    Dininsenyo raw ang GFCI para patayin ang kuryente kapag nagkaroon ng ground-fault sa loob lamang ng 1/40 na segundo. Puwedeng magmula ang ground-fault sa naisuksok na metallic object sa power outlet ng bahay.

    Gumagana ang GFCI sa pamamagitan ng pagkumpara sa “amount of current going to and returning from equipment along the circuit conductors.” Kumbaga, pinuputol nito ang daloy ng kuryente para hindi na makapinsala.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabilis umakto ang GFCI, kaya kahit makuryente ang tao, hindi malala ang matatamo niyang pinasala.

    Posisyon ng mga electrical outlet

    Kung nagpapagawa ng bahay, maaaring pag-isipan ang taas ng posisyon ng electrical outlet. Mainam na piliin ang lugar na hindi maaabot ng mga maliit na bata. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles