-
Kung May Duda Ka Sa Kahalagahan Ng Bakuna Sa Sanggol, Ito Ang Mensahe Ng Mga Doktor
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Nitong mga nakaraang taon, bumaba ang bilang ng mga nababakunahang mga sanggol at bata. Sinasabing malaki ang naging papel ng isyu sa isang dengue vaccine sa paglaganap ng paga-alinlangan sa bakuna (vaccine hesitancy). Sumadsad pa ang bilang nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020.
Bukod sa Pilipinas, maraming mga sanggol at bata ang hindi nakatanggap ng mga pangunahing bakuna (basic vaccinations) sa buong mundo na apektado ng health crisis. Tinatayang 23 milyon ang kabuuang bilang, ayon sa datos ng United Nations Children's Fund (Unicef).
Kaya naman naaalarma ang mga health officials, eksperto, at doktor. Layunin nila na mapalaganap ang kahalagahan ng bakuna sa sanggol at bata. Ito ang naging paksa ng lay panel discussion na naganap noong April 21, 2022 at inorganisa ng Philippine Foundation for Vaccination (PFV). Kaugnay ito ng selebrayon ng World Immunization Week.
Bakuna laban sa mga sakit
Ang panel discussion ay pinangunahan ni Dr. Eric Tayag, ang director ng National Epidemiology Center at Knowledge Management and Information Technology Centre ng Department of Health (DOH). Aniya, "Ang pagbakuna ang isa sa mga pinakaimportanteng health intervention."
Sang-ayon ang mga kalahok sa talakayan na sina Dr. Benito Atienza, ang president ng Philippine Medical Association (PMA); Dr. Maria Wilda Silva, ang head ng National Immunization program sa ilalim ng DOH; Dr. Lulu Bravo, ang executive director ng PFV; at Dr. Maria Cristina Ignacio-Alberto, isang ediatrician at miyembro ng PFV.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDiin nila na mahalaga ang bakuna para mapigilan ang mga sakit na nakababahala rin tulad ng COVID-19. Kabilang sa mga preventable diseases na may katapat na vaccine ang:
- Tuberculosis
- Hepatitis B
- Diphtheria
- Tetanus
- Tertussis
- Haemophilus influenzae type B
- Polio
- Ppneumococcal infections (tulad ng pneumonia at meningitis)
- Rotavirus infections (tulad ng diarrhea)
- Influenza
- Measles
- Japanese encephalitis
- Mumps
- Rubella
- Chickenpox
- Hepatitis A
- Human papillomavirus (HPV)
(Basahin dito ang childhood immunization schedule.)
Kahalagahan ng bakuna
Ngayong bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 at lumuluwag ang mga regulasyon, mahigpit na bilin ng mga eksperto sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak na sanggol at maliit na bata. Hindi lang daw para makumpleto ang mga kailangang bakuna pero dapat "on time" o sunod sa nakatakdang schedule. Pero kung lampas na sa schedule dahil naapektuhan ng pandemic, meron ding tinatawag na "catch-up immunization."
Malaki raw ang papel ng edukasyon para makumbinsi at maging masigasig ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak mula pagkapanganak. Ang edukasyon na mula, halimbawa, sa kani-kanilang mga doktor at health workers ng DOH ang magwawaksi ng maling impormasyon laban sa bakuna.
Tanong nila: "Ano ba ang mas nakakatakot, ang tunay na sakit o ang minor complications at side effects na mababa ang percentage?"
Kaya diin nila: "Ang ating bakuna ay epektibo at nakakapagligtas ng buhay."
May paliwanag at apela si Dr. Bravo: "Maraming experto sa Pilipinas. Paniwalaan ang mga experto. May matagal na paga-aral sa vaccination. Huwag maniwala sa mga pananakot. Magtanong sa mga health organizations."
Bukod daw sa mga bata, kailangan din ng mga matatanda o elderly ang bakuna. Aniya, "Importante ang bakuna sa matatanda dahil mahina na ang resistensya. They need the vaccine most. Vaccine is the most cost effective way to fight diseases."
CONTINUE READING BELOWwatch nowNapag-usapan rin sa talakayan na importanteng malaman ng mga magulang na may libreng bakuna sa mga health center. Kailangan namang siguraduhin ng mga health center na merong maibibigay na bakuna sa mga nakatakdang araw.
Lahad ni Dr. Silva: "Tamang impormasyon para sa mga magulang para kusa silang pumunta sa mga health centers. Health education is very important. Maraming magulang na di alam na may libreng bakuna sa mga health centers.
"Tumaas ang vaccination coverage kapag may tamang impormasyon. Supply ng bakuna ay importante din. Ensure na makakarating ang bakuna sa mga vaccination sites. Para tumaas ang vaccination coverage."
Paalala ni Dr. Silva sa mga magulang: "Pag mahal natin ang mga anak natin, gusto natin lumaki sila ng malusog. Ang bakuna ang pinakamabisang paraan para alagaan ang anak natin mula sa mga malulubhang sakit. Tamang bakuna at on time. Dapat takdang oras ng pagbabakuna."
Sa pagtatapos ng talakayan, na mapapanood din ang video sa YouTube, nagbigay ng mensahe si Dr. Tayag. Aniya, "Kung pinapanood niyo 'to, mahalaga sa inyo ang buhay. Hindi na kailangan kumbinsihin pa, at lahat ng impormasyon ay nandyan na. I-fact check lahat ng sinabi sa panel na ito. Napakahirap na magbigay ng paliwanag at magkuwento."
May paalala siya tungkol sa kahalagahan ng bakuna sa sanggol at bata, pati na sa seniors. "Ang isang kaalaman na dapat manatili: vaccination saves lives."
Basahin dito ang mga libreng bakuna sa health centers.
What other parents are reading

- Shares
- Comments