-
Psychiatrist: 6 Signs Na Hindi 'Adapting Well' Ang Anak Sa Sitwasyon Ngayon
At hindi lang din bata ang nababagabag mentally.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY Pexels
Kapag nahaharap sa isang major health crisis, tulad ng kasalukuyang COVID-19 epidemic, apektado hindi lamang ang katawan ngunit pag-iisip din ng mga taong nasa ganitong sitwasyon. Kaya pangkaraniwan nang makaramdam ng pagkatakot (fear), pag-alala (worry), at pagkabalisa (anxiety). Dagdag pa dito ang ilang psychological reactions, tulad ng stress, loneliness, at agitation.
Ayon ito kay Dr. Robert Buenaventura, ang consultant psychiatrist sa UERM Memorial Medical Center at life fellow ng Philippine Psychiatric Association. Nagbahagi siya ng malawak na paliwanag sa virtual press briefing na hatid ng Upjohn, isang sangay ng Pfizer biopharmaceutical company, nitong Martes, August 11, 2020.
Pahayag ni Dr. Buenaventura sa kanyang presentation, na may titulong “Adapting to the New Normal: A Dialogue on Mental Health, Resilience, and Hope,” marami ang nabagabag ng pandemic. Katunayan, dumoble ang bilang ng tumatawag sa hotline ng National Center for Mental Health (NCMH) simula nang ipatupad ang community quarantine noong March. Mula sa dating 13 hanggang 15 na tawag kada araw, umabot ito sa 30 hanggang 35.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMatatawagan ang NCMH Crisis Hotline sa +63 917-899-USAP (8727) o kaya +632 7989-USAP (8727) or 1553.
Dagdag pa ng psychiatrist na ang mga taong may pre-existing depression, anxiety, at iba pang mental disorderes ay at risk sa mas mataas na anxiety levels ngayong panahon ng epidemya. Sila ang higit na nangangailangan ng suporta at access sa mental health treatment, ngunit hindi din dapat balewalain ang nararanasan ng iba pang mga tao.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos6 senyales na maaaring nahihirapan ang anak sa quarantine
Ang mga kabataan, halimbawa, ay dapat na bantayan at tulungan ng kanilang mga magulang sa pagharap sa sitwasyon. Paliwanag ni Dr. Buenaventura, “We need to focus primarily on not being able to adapt well because depression would just be one aspect of that. They may not be depressed but they may not be adapting well.”
Upang malaman kung may problema ang bata, payo ng doktor sa magulang na suriin ang posibleng pagbabago sa pag-uugali o behavior ng anak. May ilang katanungan na maaaring magsilbing palatandaan:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW- Nakakatulog ba ang bata nang mahimbing?
- Nawawalan ba siya ng ganang kumain?
- Nagbabago ba ang pakikitungo niya sa ibang tao?
- Nagiging mapag-isa ba siya?
- Nagiging mailap ba siya sa mga kaibigan na dati na niyang kausap online?
- Nawawalan ba siya ng interes sa dating kinagigiliwan tulad ng music at online shopping?
3 hakbang na pwede gawin kung stressed o anxious ang anak
Kung may mga pagbabago sa pag-uugali ng bata, maaaring gumawa ng mga hakbang para matulungan siya.
Kausapin ang bata
Mag-usisa. Tanungin ang anak kung may problema ito at kung anong tulong ang puwedeng maibigay sa kanya.
Kausapin ang malapit na kaibigan ng bata
May pagkakataon na nahihirapan ang anak na mag-open up sa kanyang magulang kaya sa kaibigan naglalabas ng saloobin, lalo na kung nas tween o teen stage na. Kaya mainam na kilalanin ng magulang ang mga kaibigan na iyon upang makakuha ng impormasyon tungkol sa anak.
Maging magandang ehemplo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIpakita sa anak ang positibong pagharap sa sitwasyon. Iwasan na pag-usapan, halimbawa, ang financial situation ng pamilya na bunsod ng COVID-19 pandemic. Gawin ng mga magulang ang pag-uusap nang pribado para hindi na din maipasa ang kanilang stress sa bata.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network