-
Bakit Mabilis Makahawa ang Tigdas o Measles? Narito ang Paliwanag ng Mga Doktor
Ang kahalagahan ng bakuna ay makikita sa nangyayaring outbreak ngayon sa bansa.by Allan Olga .
- Shares
- Comments

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) noong February 7, 2019 na ang measles (tigdas) outbreak ay kumalat na sa National Capital Region (NCR) at sa marami pang lugar sa Luzon at Visayas.
Sa tala ng DOH, nagkaroon ng 441 kaso ng tigdas at limang kaso ng pagkamatay sa NCR nitong January lamang. Ngunit ayun sa mga news reports halos 1,240 kaso na ng measles ang na-admit sa San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Maynila, at 55 pasyente na may tigdas ang namatay na. Karamihan sa mga namatay ay mga batang may edad 3 buwan hanggang 4 na taong gulang.
Sa isang press conference, nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque ang mga datos, ayun sa ABS-CBN News. "Marami ring pinanggalingan itong mga datos, we need to validate them. Hindi naman puwedeng kung ano lang ang bilang na pumapasok, iyun na ang ating ibubukang bibig."
Sa panayam ng SmartParenting.com.ph kay Jay Ron O. Padua, FPPS, DPIDSP, isang pediatric infectious disease specialist mula sa San Lazaro Hospital, higit na sa isang libong kaso ang natanggap ng ospital nitong January. Sa mga namatay, marami ay sanhi ng komplikasyon ng pneumonia.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNoong 2018, iniulat ng World Health Organization (WHO) na nagkaroon ng 17,298 kaso ng tigdas sa Pilipinas mula January hanggang November, kumpara sa 3,706 na kaso na naiulat noong 2017. Noong April 2018, sinabi rin ng DOH na tumataas na ang kaso ng mga nagkakaroon ng tigdas.
Sa 5,450 kaso ng tigdas na naitala sa buong bansa mula January-April 2018, 905 kaso ang nakumpirmang tigdas at 15 rito ang namatay. Maaaring naiwasan ang bilang ng mga namatay kung naagapan lamang ito ng pagpapabakuna.
“At least 86% of children who died of measles were unvaccinated,” ani Duque, ulat ng Philippine Daily Inquirer. “These were unfortunate deaths. They would not have died because measles can be prevented,” ani Duque. (Tinatayang 86% ng mga batang namatay sa tigdas ay hindi nabakunahan. Ito ay mga pagkamatay na naiwasan sana dahil maaaring maagapan ang tigdas.)
Ayon sa WHO, ang mga batang hindi nabakunahan ay high risk sa tigdas at maaaring mauwi sa mga kumplikasyon.
Bakit mabilis makahawa ang tigdas
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng tigdas, isang respiratory disease na sanhi ng virus at kumakapit sa mga cells na matatagpuan sa likod ng lalamunan at lungs, ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga bata sa buong mundo. Kilala rin sa tawag na rubeola, ang tigdas ay lubhang delikado.
Madali makahawa at kumalat ang tigdas dahil ito ay airborne. Ibig sabihin, maaaring itong mapasa ng taong may virus sa isa pang tao sa pamamagitan lamang ng paglanghap ng hangin. "[It] could spread when an [infected] patient sneezes, wipes his nose, or rubs his eyes with his bare hands and holds on to things where he can leave discharges," paliwanag ni Dr. Candy Aguilar-Ocampo, isang pediatrician. “Maaari itong kumalat kapag ang isang infected patient ay bumahing, pinunasan ang ilong o kaya ay kinusot ang mata gamit ang mga kamay at inihawak ito sa ibang bagay.”
Ayon sa WHO, ang tigdas ay maaaring mabuhay sa hangin sa loob ng dalawang oras mula sa pag-alis ng taong may virus. Malaking porsyento (90%) na ang taong may tigdas ay mahawahan ang mga taong malapit sa kanya mula apat na araw bago at pagkatapos lumabas ng mga rashes.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay Dr. Padua ng San Lazaro Hospital, ang isang nahawaang tao ay maaaring magkalat na virus na nagsisimula ng apat na araw bago lumitaw ang rash at nagtatapos kapag ang rash ay naroroon sa loob ng apat na araw. “Ang incubation period para sa tigdas ay pito hanggang 14 na araw bago ito magkaroon ng sintomas, katulad ng ubo, coryza (inflammation ng mucous membrane sa ilong), conjunctivitis, high-grade na lagnat, at rash. Nagtatagal ang tigdas ng pito hanggang 10 araw, o kaya mas mahaba pa kung may komplikasyon.”
Sa kaso ng mga nagkakatigdas, 30% dito ay nauuwi sa mga kumplikasyon, gaya ng pulmonya na isa sa mga madalas na dahilan ng pagkamatay sa mga bata; infection sa tenga na maaaring mauwi sa pagkabingi at pagtatae. Ang tigdas ay maaari ring magdulot ng bronchitis, pagkabulag, pagbaba ng platelet count, miscarriages, at preterm labor.
Walang gamot kapag nagkaroon ka na ng tigdas
Kung ang isang tao ay mayroong sintomas ng tigdas, kailangan siyang ihiwalay o ma-isolate upang iwasang makahawa ng iba. Pagdating sa paggamot, “in the management of measles, you can only treat the symptoms,” paliwanag ni Dr. Aguilar-Ocampo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW“This is a highly infectious disease we’re talking about with no specific treatment,” ani Dr. Godoy. “The treatment administered to patients is mainly supportive: paracetamol to relieve fever and muscle pain, antihistamines for the itchiness, and antibiotics for those with secondary bacterial infections.” (“Ang pinag-uusapan natin dito ay isang sakit na lubos na nakakahawa, na walang partikular na lunas. Ang treatment na ibinibigay sa may tigdas ay mainly supportive: paracetamol para sa lagnat at pananakit ng katawan, antihistamines para sa pangangati, at antibiotic para sa secondary bacterial infections.”)
Nirerekomenda rin ng doktor ang sapat na pahinga, Vitamin A at C supplements para palakasin ng immune system, maraming tubig, at humidifier para makatulong sa pag-ubo, sore throat, at isolation sa bahay ng pasyente upang maiwasan na makahawa.
Bakuna ang sagot para maiwasan ang tigdas
Sabi ni pediatrician na si Dr. Florence Irena A. Atutubo, ang pagpapabakuna ay ligtas, epektibo, at abot-kaya. Ang bakuna ay proteksyon din mula sa mumps o beke at rubella. Pahayag niya, “Filipinos, particularly parents, need to be aware of this, as having a large number of unvaccinated children greatly increases the risk of more infections and deaths.” (“Kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino, lalo na ang mga magulang tungkol sa sakit na ito dahil ang malaking bilang ng mga batang hindi nabakunahan ay nangangahulugang mataas na panganib ng impeksyon at pagkamatay.”)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng Measles-Mumps-Rubella vaccine (MMR) ay ibinibigay sa bata simula sa edad ng 9 na buwan. Dalawang beses binabakunahan ang bata at may isang buwang interval mula sa unang beses na mabakunahan, ayon sa pinakahuling immunization schedule ng Philippine Pediatric Society (PPS).
Ngunit dahil sa measles outbreak, hinihikayat ng PPS ang mga magulang na pabakunahan ng unang dose ang kanilang mga anak sa edad ng 6 na buwan. At huwag kalimutang ang bakuna sa pangalawang beses kapag ito ay isang taong gulang. Maraming bata pa rin ang hindi protektado sa tigdas at nalalagay sa panganib ang buhay kapag nagkakaroon ng outbreak Sa hindi pagkuha ng pangalawang dose
“Measles is so contagious that any child who is exposed to it and is not immune will most likely get the disease,” babala ni Dr. Godoy. (“Sobrang nakakahawa ang tigdas na ang batang na-expose na hindi nabakunahan ay maaaring mahawa.”)
What other parents are reading
Sintomas ng tigdas
Magsisimula ang tigdas sa cells na matatagpuan sa likod ng lalamunan at lungs o baga. Ang incubation period nito ay walo hanggang 12 araw. “Meaning, you don't get sick right away," sabi ni Dr. Atutubo. ("Ibig sabihin, hindi ka magkakasakit agad.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW- Kabilang sa mga sintomas ay ang mga sumusunod:
- Mataas na lagnat, mas mataas sa 38.5-degree Celcius
- Sipon na maaaring magsimula kagaya ng regular na sipon
- Pula at naluluhang mga mata
- Tuyong pag-ubo
- Sore throat
- Pananakit ng katawan at kalamnan
- Red lesions with bluish white spots sa loob ng bibig sa inner lining ng pisngi (na tinatawag ring Koplik’s spots)
- Mga pantal na unang lalabas sa noon malapit sa hairline, malapit sa tenga, at sa itaas ng leeg. Pagkatapos ay kakalat ito sa braso, dibdib at likod, sa tiyan, sa singit, at kahit sa palad at talampakan.
Pabakanuhan po ang ating mga anak!
Ang mga impormasyon na nakasaad dito ay nanggaling sa:
Pedias Urge Parents: Get Your Baby's First Dose of Measles Vaccine at 6 Months
More Than 1,000 Measles Cases Recorded in One Manila Hospital in January Alone
Rise of Measles Cases Is Alarming. Please Have Your 1-Year-Old Vaccinated
DOH: Measles Cases Are 3,671% Higher This Year Than 2017
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHow to Spot Measles and Manage the Symptoms
What other parents are reading

- Shares
- Comments