embed embed2
Delikado Ang Mga Bata At Sanggol Sa Meningitis: Alamin Ang Pagkakaiba Ng Viral At Bacterial
PHOTO BY freepik/lifeforstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Bagamat may pagkakapareho ang meningitis sa meningococcemia o meningococcal disease, iba pa itong sakit na kailangan ng pansin at paalala. Kabilang kasi ang meningitis sa mga nangungunang sanhi ng sakit at pagkamatay lalo ng mga batang wala pang dalawang taong gulang.

    Ano ang meningitis?

    Ang meningitis ay ang pamamaga (inflammation) ng membrane na bumabalot at pumuprotekta sa utak (brain) at spinal cord. Tinatawag ang membranes na meninges, na meron namang tatlong layers.

    Kadalasang sanhi ng pamamaga sa meninges ang impeksyon mula sa bacteria o di kaya virus na umaatake sa likido (fluid) na bumabalot sa brain at spinal cord. Pero, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), may ibang sanhi ng meningitis. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng injury o di kaya cancer, pati na ang pag-inom ng partikular na gamot at pag-atake ng iba pang impeksyon.

    Paalala ng mga eksperto na mahalagang matukoy ang sanhi ng meningitis dahil nakadepende rito ang paraan ng paggamot.

    Mga uri ng meningitis

    May ilang uri ng mengitis, ayon pa sa CDC, tulad ng:

    • Viral meningitis
    • Bacterial meningitis
    • Fungal meningitis
    • Parasitic meningitis
    • Amebic meningitis
    • Non-infectious meningitis

    Viral at bacterial ang mas karaniwang uri ng meningitis, lalo na sa mga sanggol at bata.

    Viral meningitis

    Ang meningitis na sanhi ng virus ay pinakakaraniwang uri ng ganitong sakit at kadalasang gumagaling nang kusa. Pero doktor lang ang makapagsasabi kung anong uri ng meningitis ang dumapo sa iyong anak at ang tamang paggamot para dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami sa mga virus na sanhi ng meningitis ay siya ring nagdudulot ng mga sakit tulad ng:

    • Sipon (common cold)
    • Pagtatae (diarrhea)
    • Trangkaso (flu)
    • Beke (mumps)
    • Tigdas (measles)
    • Cold sores

    Tulad ng mga nasabing sakit, maaari ring makahawa ang taong mayroong viral meningitis sa pamamagitan ng close contact. Mataas ang tyansang magkasakit ng viral meningitis ang mga batang wala pang 5 years old. Kung wala pang 1 month old, may dagdag panganib na humantong sa severe case.

    Bacterial meningitis

    Bihirang umatake ang bacterial meningitis kumpara sa viral meningitis, pero mas delikado ito. Posibleng humantong ito sa kamatayan kung hindi maaagapan at magamot nang tama. Kung magamot man, maaaring magkaroon ng permanent disability gaya ng brain damage, hearing loss, at learning diabilities.

    Sa maraming kaso ng bacterial meningitis, ayon sa Kids Health, kumakalat ang bacteria sa protective membranes sa brain at spinal cord dulot ng malalang pinsala sa ulo (severe head trauma) o di kaya malalang lokal na impeksyon (severe local infection). Mga halimbawa ng local infection ay seryosong impeksyon sa tenga (otitis media) at impeksyon sa sinus (sinusitis).

    Maraming uri ng bacteria na nagdudulot ng bacterial meningitis, sabi pa ng mga eksperto. Sa mga newborn, halimbawa, pinakakaraniwang umaatake ang group B strep at E. coli, pero bihira ang Listeria monocytogenes. Sa older kids naman, kadalasang sanhi ng bacterial meningitis ang Streptococcus pneumoniae (pneumococcus) at Neisseria meningitidis (meningococcus).

    Ang ilang bacteria, tulad ng L. monocytogenes at E.coli, ay nakukuha mula sa kontaminadong pagkain. Pero mas maraming uri ng bacteria ang naipapasa sa infected na tao. Hindi lahat ng infected ay nagkakasakit at hindi nila alam na infected pala sila, pero naipapasa nila ang bacteria.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga sintomas ng meningitis

    May iba-ibang sintomas ang maaaring maramdaman ng pasyente, depende sa kung uri ng meningitis ang dumapo. Pero narito ang ilang common symptoms:

    • Lagnat (fever)
    • Walang gana o lakas para kumilos (lack of energy)
    • Iriable (irritability)
    • Pananakit ng ulo (headache)
    • Sensitibo sa ilaw (sensitivity to light)
    • Paninigas ng leeg (stiff neck)
    • Pantal sa balat (skin rash)

    Sa mga sanggol, maaaring senyales ang mga sumusunod:

    • Mahirap patahanin at padedehin
    • Maumbok ang bumbunan (fontanelle)
    • Paninilaw ng balat (jaundice)
    • Paninigas ng katawan at leeg
    • Mas mababa sa normal temperature
    • Matinis na pag-iyak

    Diagnosis at treatment

    Kung may mga napapansin kang mga sintomas sa anak, mahalaga na mapatignan siya kaagad sa doktor. Bibigyan ang bata ng tests, kabilang ang lumbar puncture, o spinal tap, para makolekta ang sample ng spinal fluid. Dito makikita kung may pamamaga sa protective membranes ng brain at spinal cord, pati na kung sanhi ito ng virus o di kaya bacteria.

    Sa maraming kaso ng viral meningitis, maaaring matapos ang gamutan sa loob ng 7 at 10 araw kahit pumirmi sa bahay. Kailangan lang makapahinga ang bata at mapainom ng gamot para sa mga sintomas. Bigyan din siya ng tubig at iba pang fluids nang makaiwas sa dehydration.

    Kung bacterial meningitis ang diagnosis ng doktor, bibigyan kaagad ang bata ng intravenous (IV) antibiotics. Kailangan din ng fluids para sa nawawalang fluids dahil sa lagnat, pagpapawis, pasusuka, at kawalan ng ganang kumain.

    Paano maiiwasan ang meningitis?

    Ang routine immunization ng mga bata laban sa tigdas, beke, polio, at pulmonya ay makakatulong laban sa viral meningitis. Meron ding meningococcal vaccine na target talaga ang ilang uri ng meningcoccal disease.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paalala rin ng mga eksperto na ugaliing maghugas ng mga kamay, lalo na bago kumain at pagkatapos gumamit ng banyo. Kung nagkaroon ng close contact sa taong merong bacterial meningitis, maaaring bigyan ng doktor ang pasyente ng antibiotics para makaiwas sa infection.

    Basahin dito ang iba pang mga uri ng sakit na apektado ang utak.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles