-
Meningococcal Vaccine: Proteksyon ng Inyong Anak Laban sa Meningitis at Septicemia
Nakamamatay ang meningococcal disease, kaya importanteng magpabakuna para maiwasan ito.by Camille Eusebio and Kate Borbon .
- Shares
- Comments

Madalas natin naririnig ang tigdas at dengue, pero mayroon pang isang sakit na mabilis kumalat, at maari ring nakamamatay – ang meningococcal disease. Ayon sa mga eksperto, ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang sakit na ito ay makatanggap ng kumpletong dose ng meningococcal vaccine.
Alamin kung anu-ano ang meningococcal diseases, kung paano ito ginagamot at bakit kailangan ng inyong anak ang meningococcal vaccine.
Ano ang meningococcal disease?
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), meningococcal disease ang tawag sa mga sakit na nagmumula sa bacterium na Neisseria meningitidis. Kabilang dito ang malulubha at nakamamatay na sakit na meningococcal meningitis at meningococcal septicaemia, kaya napakaimportante na magamot agad o magpabakuna para maiwasan ang mga ito.
Nahahati sa limang serogroup ang bacterium na Neisseria meningitides, ang A, B, C, W at Y. Sa mga ito, ang serogroup B, C at Y ang sanhi ng karamihang meningococcal diseases sa United States, ayon sa Healthy Children. Maaring taglay ng isang tao ang bacterium na ito sa kanyang katawan, pero hindi magkaroon ng impeksyon (sila ang tinatawag na “carriers”), samantalang may iba naman na makakuha ng sakit mula rito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNaipapasa ang meningococcal bacteria sa isang tao kung malapit at matagal niyang makakasama ang taong may taglay ng bacteria na ito. Halimbawa, maaring mahawa ang isang tao kung merong isang carrier na hahalik o uubo sa kanya. Hinihikayat ng CDC ang mga taong may nakakasamang may meningococcal disease na uminom ng antibiotics para mabawasan ang posibilidad ng pagkakasakit.
What other parents are reading
Mga sintomas at posibleng komplikasyon
Mayroong dalawang kilalang uri ng meningococcal infection. Parehong matindi at nakamamatay ang sakit na ito, lalo na kung hindi agad mabibigyang lunas ang pasyente sa lalong madaling panahon.
Ang unang uri ng meningococcal disease ay ang meningococcal meningitis, kung saan nagkakaroon ng impeksyon ang mga protective membrane na bumabalot sa utak at spinal cord na nagdudulot ng pamamaga nito. Ang mga karaniwang sintomas nito ay lagnat, pananakit ng ulo at paninigas ng leeg. Maari ring maranasan ang mga sumusunod:
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Photopobia (ang mata ay nagiging sensitibo sa ilaw)
- Pagkabalisa
CONTINUE READING BELOWwatch nowHindi madaling makita ang mga sintomas sa mga bagong-silang na sanggol, sabi ng CDC. Maaring hindi sila magpakita ng anumang sintomas, pero magiging matamlay at irritable sila, hihinang kumain, o magsusuka. Samantala, sinusuri naman ng mga doktor ang reflex ng maliliit na bata para malaman kung meron silang meningococcal meningitis.
Meningococcal septicaemia, o meningococcemia naman ang ikalawang uri ng meningococcal disease. Nangyayari ito kapag inatake ng bacteria ang bloodstream at kumalat ito, na dahilan para masira ang mga wall ng blood vessels na nagdudulot ng pagdurugo ng balat at iba pang bahagi ng katawan.
What other parents are reading
Narito ang listahan ng mga sintomas ng meningococcal septicaemia, ayon sa CDC:
- Lagnat
- Mabilis mapagod
- Pagsusuka
- Nanlalamig na kamay at paa
- Panginginig o nilalamig
- Sakit sa mga kalamnan, kasu-kasuan o sa may bahagi ng tiyan at dibdib
- Mabilis na paghinga
- Pagtatae
- Mga rashes na kulay purple (sa mga huling parte)
Kung makakaranas ng mga sintomas na ito ang inyong anak, ipaalam agad sa doktor sa lalong madaling panahon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLunas sa meningococcal disease
Ayon sa CDC, ang mga sakit na ito ay kadalasang nagagamot sa pamamagitan ng pagbibigay ng antibiotics sa oras na malaman ng doktor na maaring may meningococcal disease ang pasyente. Nakakatulong ang antibiotics para hindi ito umabot sa kondisyong nakamamatay. Bukod sa pasyente, hinihikayat rin ang mga taong malapit sa pasyente na tumanggap ng antibiotics para maiwasang mahawa sa infection.
May ibang pasyente naman na nangangailangan ng ibang klase ng medical treatment, depende sa tindi ng kanilang kondisyon. Maari itong paggamot sa nasugat na balat, tulong sa paghinga at gamot para sa low blood pressure.
Naglabas ang Healthy Children ng ilang tips para maiwasan ang meningococcal diseases. Una dito ay ang pag-iwas ng exposure sa sigarilyo, alak, sobrang stress at impeksyon sa upper respiratory tract. Makakatulong rin ang pagkain nang tama at pag-eehersisyo, gayundin ang pag-obserba ng good hygiene (madalas na paghugas ng kamay, pagtakip sa bibig tuwing babahing o uubo).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa kabila nito, binibigyang-diin ng CDC na ang meningococcal vaccine pa rin ang pinakamabisang paraan para maprotektahan ang inyong anak. “Keeping up to date with recommended immunizations is the best defense against meningococcal disease.” (Ang pagiging up to date sa mga bakuna ang pinakamagandang depensa laban sa meningococcal disease.)
What other parents are reading
Meningococcal vaccine ang pinakamabisang proteksyon
Dahil mabilis kumalat ang meningococcal disease, napakahalaga ng proteksyong naibibigay ng meningococcal vaccine upang maiwasan ang mga nakamamatay na sakit. Pinakamahina ang panglaban sa sakit na ito ng mga sanggol na wala pang isang taong gulang, at mga teenager na may edad 16 hanggang 23.
Ayon sa Healthy Children, may tatlong klase ng meningococcal vaccine na inirerekomendang ibigay sa kabataan. Una ay ang meningococcal conjugate vaccine (MCV4), na nagbibigay ng proteksyon laban sa serogroup A, C, W at Y. Ibinibigay ang unang dose ng bakuna kapag ang bata ay 11 hanggang 12 taong gulang, at susundan ng isang booster dose pagdating nila ng 16 taong gulang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng ikalawang klase ng meningococcal vaccine ay ang serogroup B meningococcal vaccine (MenB) na lumalaban sa serogroup B. Kadalasang ibinibigay ito sa mga batang 10 taong gulang pataas at nanganganib na magkaroon ng seropgroup B meningococcal infections. Inirerekomendang ibigay ang bakunang ito mula edad 16 hanggang 18, pero maari rin itong tanggapin ng mga batang higit sa 10 taong gulang na may malubhang kondisyon tulad ng kapag may sakit sa spleen o kaya ay tinanggal na ito, o sakit sa immune system tulad ng complement component deficiency.
Ang huling klase ng meningococcal vaccine ay ang meningococcal polysaccharide vaccine (MPSV4), na nagbibigay rin ng proteksyon laban sa serogroup A, C, W at Y. Lahat ng tao ay pwedeng tumanggap ng bakunang ito, maliban lang sa mga batang wala pang 2 taong gulang.
Gaya ng ibang bakuna, wala alinman dito ang epektibo 100%, at posible pa ring makaranas ng side effects matapos mabakunahan. Ilan sa mga halimbawa ay pagkakaroon ng sinat o pamumula ng lugar kung saan binakunahan. Pwede ring makaranas ng pagsakit ng ulo o ng kalamnan at kasu-kasuan, pagtatae, pagkahilo, lagnat o panlalamig.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Gayunpaman, sinisiguro ng mga eksperto na mabisa ang meningococcal vaccines. Ayon sa CDC, bumaba ang kaso ng meningococcal diseases sa United States matapos ipakilala ang mga bakunang ito.
Bukod sa pag-iwas sa pagkalat ng Neisseria meningitides bacteria, nakakatulong rin ang bakuna para panatilihing malusog ang iyong anak. Ayon sa ulat ng Healthy Children, maging malulusog na bata ay pwede pa ring tamaan ng meningococcal disease.
Ang mga sakit na ganito ay nakamamatay: sabi ng CDC, 10 hanggang 15 sa 100 na tao na tatamaan ng meningococcal disease ay namamatay, at 11 hanggang 19 tao na nakakaligtas mula rito ay nakakaranas ng pangmatagalang sakit, pagka-bingi, at pagkakaroon ng diperensiya sa kanilang nervous system o pagkasira ng utak.
Ang pagbibigay sa inyong anak ng mga inirerekomendang meningococcal vaccine ay makakatulong para malabanan nila ang matitinding epekto ng meningococcal disease.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Meningococcal Vaccine Can Protect Children From Meningitis and Septicemia
What other parents are reading

- Shares
- Comments