-
Makakahinga Ba Ang Anak Ko? At Iba Pang Misconceptions Sa Pambatang Face Masks
Narito ang sabi ng mga eksperto tungkol dito.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Pagsusuot ng mask ang isa sa mga nakikitang pinakamabisang paraan para bigyang proteksyon ang ating mga anak at ang ating mga sarili sa COVID-19.
Pinakamabisa pa rin ang pananatili sa loob ng bahay at palagiang paghuhugas ng kamay, ngunit kung hindi maiiwasang lumabas, mainam na proteksyon ang mask at face shield.
Nagsulputan na nga ang iba't-ibang klase ng mga face masks—kabilang na ang mga ginawa para sa mga bata. Paalala lang ng World Health Organization (WHO), ang mga batang edad lima pababa ay hindi dapat nagsusuot ng face masks.
Gayunpaman, ang mga batang edad lima pataas ay dapat ginagabayan pa rin ng mga magulang pagdating sa pagsusuot ng masks. Dapat ay maturuan sila ng tamang paglagay, paggamit, at pagtatapon nito. Narito pa ang ilang dapat mong malaman tungkol sa pagsusuot ng mga anak mo ng face mask.
Common misconceptions sa pagsusuot ng mga bata ng face mask
Mahihirapang huminga ang anak ko
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay mga magulang na nangangambang hindi makakahinga ang mga anak nila dahil sa kapag ng mga face masks.
Ayon sa mga eksperto, ang mga masks, lalo na ang surgical masks, ay gawa sa mga breathable materials na haharang sa dumi, virus, at bacteria, ngunit hindi sa oxygen na kailangan ng mga anak mo.
Maging ang mga cloth masks ay gawa rin sa mga breathable materials para hindi mahirapang huminga ang gagamit.
Maaapektuhan ng face mask ang development ng baga ng anak ko
Wala. Dahil ang mga masks ay ginawa para padaanin ang oxygen at harangin ang mga tinatawag na 'spray' ng laway mula sa pagsasalita, bahing, ubo, at iba pa.
Sa katunayan, makakatulong pa nga ang masks sa development ng baga ng anak mo dahil haharangin nito ang mga posibleng impeksyon tulad ng COVID-19.
Maiipon ang carbon dioxide sa loob ng face mask
Hindi. Ang mga masks ay hindi nagdudulot ng tinatawag na carbon monoxide poisoning o hypercapnia. Paliwanag ng mga eksperto, sadyang maliliit (mas maliit pa sa respiratory droplets) ang carbon dioxide molecules. Ibig sabihin, hindi ito mata-trap sa loob ng masks ng mga anak mo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSa kabilang banda, kung mayroong severe breathing problem ang anak mo, maaari siyang mahirapang huminga habang may suot na face mask. Ibang COVID-19 precautions, tulad nang pananatili sa loob ng bahay, ang pwede mong sundin.
Pinapababa ng face mask ang immune system ng anak ko
Hindi. Ang face masks ay nakakatulong para matigil ang pagkalat ng COVID-19, may sintomas ka mang nararamdaman o wala.
Wala itong masamang naidudulot sa katawan ng anak mo at walang pag-aaral ang nagsasabing nakakapagpababa ito ng immune system.
Mas mahahawa sa COVID-19 ang anak ko dahil sa face mask
Hindi. Kung tama ang gamit ninyong mag-ina ng face mask at face shield, mas bababa ang pagkakataon na mahawa kayo sa COVID-19.
Tandaan! Kailangang...
- Natatakpan ang ilong at bibig
- Walang butas ang gilid, taas, at baba ng face mask
- Secured ang mga tali sa tenga
- Gawa sa breathable materials at maraming layers ang mask
- Nalalabhan ang mask kung washable ito at naitatapon naman ng tama kung disposable
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIlan lamang ang mga ito sa mga paraan para maging epektibo ang pagsusuot ninyo ng mask. Samahan mo pa ng tama at madalas na paghuhugas ng kamay, pati na rin ang pagsamantalang pag-iwas sa paglabas-labas ng bahay at siguradong tataas ang pagkakataon ninyong hindi mahawaan ng COVID-19.
Nariyan din ang pagpapalakas sa inyong resistensiya sa pamamagitan ng pag-inom ng mga vitamins, pagtulog nang sapat, at pagkain nang tama.
What other parents are reading

- Shares
- Comments