-
Toddler Entitled Na Ba Ang Anak Mo? 6 Na Madaling Paraan Para Baguhin Ang Ugaling Ito
-
Toddler Puro Angal? This 3-Step Technique Can Stop Your Child’s Whining Effectively
-
Money 3 Simple Yet Sure Ways To Save P12,000 By The End Of The Year
-
News Nasawi Ang Isang 12-Year-Old Dahil Sa Severe Lice Infestation
-
Naku, May Body Odor na ang Inyong Anak! Heto ang Mga Posibleng Sanhi Nito
Ang iyong pinakamamahal na baby ay nagsisimula nang mag-amoy matanda. Unawain kung bakit at ano ang puwede mong gawin ukol dito

PHOTO BY iStock
Wala pang senyales ng pag-dadalaga ang anak mong siyam na taong gulang pero bakit kaya mayroon na siyang body odor? Mapapaisip ka na parang ang bata naman yata ng iyong anak para magkaroon ng B.O., pero sa totoo lang, maraming mga bata ang nakararanas na nito sa ganitong edad.
Ang dahilan kung bakit may body odor ang iyong anak
Kahit hindi ito kitang-kita, ang mabahong pawis ay isang senyales na nagdadalaga na ang iyong anak. Nasa normal na saklaw ng paglaki (range of development) ng isang batang babae na magkaroon ng body odor pagtungtong ng walong taong gulang at para naman sa mga lalaki, mas huli nila itong nararanasan sa edad na siyam na taon. “It’s a sign that the body is maturing and the hormones are changing (Isa itong senyales na ang katawan ay tumatanda na at ang hormones ay nagbabago na rin),” sabi ni Dr. Jennifer Shu, isang pediatrician and may-akda ng Baby and Child Health, sa BabyCenter.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng pagiging aktibo ng katawan sa paglabas ng hormones, kasabay ng paghalo ng pawis sa bacteria na karaniwang nasa ating balat, ang siyang nagdudulot ng pangangamoy. Ang pangangamoy, pati na ang pagiging aktibo ng adrenal glands na siyang pangunahing salarin nito, ang siyang tinatawag ng mga propesyonal sa medisina bilang “adrenarche”. Ito ay normal at hindi kailangan ikabahala.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading
Paano kakalabanin ang body odor ng iyong anak
Gaya ng B.O. ng matatanda, good hygiene ang susi upang mawala ang kanyang di kaaya-ayang amoy. Siguraduhing naliligo ang inyong anak araw-araw at tiyaking nakukuskos niya at nababanlawan nang mabuti ang kanyang kili-kili. Bigyan siya ng makulay na shower puff na may shower gel — pwedeng may kaunting bango pero huwag naman sobra — upang maenganyo siyang maligo. Nakatutulong rin ang mga antibacterial soap upang makabawas sa mabahong amoy.
Paalalahanan siyang magsuot palagi ng malinis na damit — mainam na magsuot ng mga damit na gawa sa bulak (cotton) at iba pang natural na hibla — pagkatapos maligo. Upang mabawasan ang pagdami ng bacteria, regular na labhan ang kanyang mga kumot at tuwalya. Makatutulong kung babawasan rin ng inyong anak ang mga pagkaing may malakas na amoy o lasa gaya ng sibuyas, bawang, at maaanghang na pagkain.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMinsan, hindi sapat ang mga nasabing payo, lalo na kung aktibo ang inyong anak. “It’s fine for your child to start using deodorant or antiperspirant (Maaari na siyang gumamit ng deodorant o antiperspirant),” sabi ni Dr. Beth Cummings, isang pediatric endocrinologist, sa Today’s Parent.
Puwedeng gumamit ng mga regular na deodorant at antiperspirant na pangmatanda ngunit para sa mga bata, kadalasan ay sapat na ang kahit anong mild deodorant, sabi ni Dr. Shu. Aniya, “Antiperspirants are thought to be safe but may be overkill for most kids. They stop the sweat itself — but sweat can be a good thing, since it helps the body cool down.” (Safe gumamit ng antiperspirant ngunit kailangan ding isipin na baka ito ay overkill, lalo na kung ang gagamit ay bata. Tandaang pinipigilan nito ang paglabas ng pawis — pero sa totoo lang, mabuti na ang pagpawisan sapagkat tinutulungan nitong lumamig ang katawan.)
Gumamit ng tawas na subok na ng mga matatanda — ito ay natural at walang halong pampabango. Maaaring makabili nito sa mga palengke (mukhang kristal o pulbos) at sa mga supermarket (mayroon na ring roll-on!).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKailan dapat mag-alala sa body odor
Ang body odor para sa mga batang babae edad walo pataas at sa mga batang lalaki edad siyam pataas ay normal ngunit maigi pa ring banggitin ito sa pedia ng inyong anak sa kanyang susunod na checkup. Kung ang body odor ay may kasamang ibang sintomas gaya ng biglaang paglaki (growth spurt) o pagtubo ng buhok at pananakit ng ulo, maaari itong senyales ng "precocious puberty" o maagang pagdadalaga o pagbibinata. Mainam na ipatingin agad ang inyong anak, lalo na kung ang kanyang edad ay hindi pa umaabot sa mga edad na nabanggit sa itaas.
Mayroon ding genetic disorder na tinatawag na "fish odor syndrome". Ang taong mayroon ng sakit na ito ay may mabahong amoy na tila nabubulok na isda. Ito ay bihira lamang, at nakikita simula pagkapanganak. Kausapin ang pedia ng inyong anak kung sa tingin ninyo ay mayroon siya nito.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Does Your 9-Year-Old Have Bad Body Odor? Here's What's Causing It
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network