embed embed2
Nahulog Si Baby? Bakit Hindi Dapat Balewalain Kahit 'Mild' Ang Pagkauntog
PHOTO BY Shutterstock/Mama Belle and the kids
  • Naranasan mo na bang mauntog sa sahig o sa pader nung bata ka pa? Naalala mo pa ba na yelong binalot sa tuwalya ang nilalagay ng iyong nanay sa ibabaw ng bukol? 

    Basahin dito ang karanasan ng babaeng nauntog sa concrete ang ulo noong siya ay madulas. Sa nasabing artikulo, ibinahagi ni Sashini Seeni, MD na may kondisyong tinatawag na lucid interval. Si Dr. Seeni ay family medical practioner sa DoctorOnCall.

    Ayon sa kanya, ang lucid interval ay ang haba ng panahong tila ayos lang ang kalagayan ng nauntog ang ulo sa semento (o sa iba pang matigas na mga bagay) bago siya mawalan ng malay.

    Posibleng sanhi ng nabagok ang ulo

    May mga sugat sa ulo na closed at open. Mag-focus muna tayo sa closed head injury. Ito kasi ang uri ng pinsala sa ulo na dulot ng bagay na hinampas o tumama sa ulo. Puwede ring ang ulo ang nauntog dito.

    Tandaang sa ganitong sitwasyon, hindi nabasag ang bungo mula sa impact. Paliwanag din ni John Atkinson, MD, napakaraming dugo sa bahagi ng ating noo at anit. Sakaling magkaroon ng pagkauntog o sugat sa mga bahaging ito, nagkakaroon din ng pamamaga at pagdurugo sa ilalim ng balat. 

    Maaaring malakas o marahas ang tama na nagdudulot ng pinsala sa ulo. Posible ring magkaroon ng traumatic brain injury. Mayroong mild, moderate, at severe na mga kondisyon. Kung minsan, nauuwi pa nga ang pagkauntog sa coma o kamatayan. 

    Samut-saring mga pangyayari ang posibleng sanhi ng pagkauntog ng ulo. Kabilang dito ang sumusunod:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • sports injuries at accidents
    • assaults at abuse
    • pagkahulog mula sa mataas na lugar
    • blast injuries at car/motorcycle accidents

    May iba't iba pang uri ng head injuries tulad ng cuts and bruises, concussion, brain contusion, skull fracture, at intracranial hematoma.

    Sintomas ng nabagok ang ulo

    Kapag nauntog ang ulo sa semento, kailangan talagang i-monitor ang sintomas ng naaksidente, bata man o matanda. Sa intracranial hematoma kasi naiipon ang dugo sa bungo dahil sa ruptured blood vessel. Mainam nang makasiguro na walang iba ang malalang sintomas pagkatapos ng aksidente.

    Mayroong mga sintomas na agad na nakikita. May mga pagkakataon ding lilipas muna ang ilang araw o mga linggo bago maramdaman ang mga sintomas nito.

    Sa mild head injury, nararanasan ng pasyente ang mga sumusunod:

    • pagkalito
    • pagkahilo
    • "tired" eyes
    • panlalabo ng mga mata
    • ringing in the ears (tinnitus)
    • pagbabago sa panlasa
    • fatigue o lethargy
    • pagiging iritable
    • masakit ang ulo
    • pagbabago sa sleep patterns
    • sensitivity sa ingay at liwanag
    • maliit, mababaw na sugat sa anit
    • pakiramdam na parang masusuka
    • problema sa memory at/o pagko-concentrate
    • nakaangat, namamagang balat mula sa bukol o galos
    • madalas na natutumba dahil nawawalan ng balanse

    May mga pagkakataong nahihirapan ang pasyente na maalala ang mga pangyayari bago ang aksidente. Senyales ito ng moderate to severe head injury. 

    Sa moderate to severe head injury, tandaang kailangan ng maagap na medical attention at kasama sa mga sintomas ang mga sumusunod:

    • pamumutla
    • slurred speech
    • labis na pagpapawis
    • seizures o convulsions
    • nahihirapang maglakad
    • hindi nawawalang pagsakit ng ulo
    • paulit-ulit na pagkahilo at pagsusuka
    • madalas na pagiging makakalimutin 
    • loss of consciousness o pagkahimatay
    • panghihina ng ilang bahagi ng katawan
    • pagiging iritable at iba pang pagbabago sa behavior
    • dugo o clear fluid na tumutulo mula sa tainga o ilong
    • ang isang pupil (dark area sa gitna ng mata) ay dilated, o mukhang mas malaki kaysa sa isa
    • deep cut o laceration sa anit
    • open wound sa ulo
    • coma at/o vegetative state
    • locked-in syndrome (neurological condition kung saan may malay pa ang pasyente ngunit hindi na nakapag-iisip, nakapagsasalita, o nakagagalaw)
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Hindi nakapagdudulot ng matagalang amnesia ang mild head injuries ngunit sa mas malalalang mga kaso, posibleng magkaroon ng permanent amnesia ang pasyente.

    First aid ng nauntog ang ulo

    Narito ang ilang hakbang upang mabigyan ng first aid ang sinomang nauntog ang ulo sa semento. 

    • Lagyan ng ice pack ang bahaging nauntog sa loob ng dalawampung (20) minuto kada 3-4 oras. Ibalot ito sa tuwalya upang hindi direktang didikit sa balat.
    • Bantayan ang kalagayan ng iyong anak sa loob ng 24 oras.

    Kung ang bata ay nagsusuka o may seizures, pahigain sila sa kanan o kaliwang bahagi ng kama habang tuwid lamang ang ulo at leeg. Maiiwasan nito ang choking at mapoprotektahan din ang kanyang leeg at spine. 

    Kung mayroong pagdurugo, tandaan ang sumusunod:

    • Pigilan ang bleeding o pagdurugo sa pamamagitan ng pag-press o pagdidiin ng malinis na tela o tuwalya sa sugat.
    • Maging maingat na huwag magagalaw ang ulo ng pasyente.
    • Kung tatagos ang dugo sa tela, huwag pa rin itong tatanggalin. Lagyan o patungan lamang ito ng bagong tela.
    • Kung sa palagay mong mayroong skull fracture, huwag mag-apply ng direct pressure kung saan mayroong pagdurugo.
    • Huwag ding aalisin ang alinmang debris mula sa sugat.
    • Takpan ang sugat gamit ang sterile gauze dressing.

    Kailan dapat kumunsulta sa doktor

    Agad na tumawag sa ospital o mga kakilalang nars at doktor kung sanggol pa lamang ang iyong anak. Agad ding dalhin ang bata, anoman ang edad kung siya ay walang tigil sa pag-iyak, ayaw kumain o uminom ng tubig o gatas.

    Anumang trauma o sugat sa ulo ay dapat na maagapan at mabigyan ng lunas. Kung malala ang sugat, dapat na agad madala sa doktor ang pasyente upang masuri nang mabuti ang kanyang kalagayan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Upang wastong ma-diagnose ang kondisyon, sumasailalim ang isang pasyente sa neurological exam. Makabubuting maibahagi sa doktor ang mga detalye tungkol sa injury at mga sintomas na nararamdaman. Susuriin din ang physical at mental reflexes ng pasyente. Posibleng humingi ang doktor ng X-ray, CT scan, o magnetic resonance imaging (MRI). 

    Agad ding kumunsulta sa doktor kapag may ganitong mga sintomas:

    • Hindi nawawala ang pagsakit ng ulo
    • Nakararanas ng panghihina, pagkamanhid, decreased coordination, convulsions, o seizures
    • Paulit-ulit ang pagsusuka
    • Hindi nakikilala ang mga tao sa paligid lalo na ang mga kapamilya o kaibigan
    • Nagiging restless at agitated
    • Nahihimatay

    Para sa mild injuries ng mga nauntog ang ulo sa semento, madalas na naiibsan ang mga sakit ng ulo at leeg sa pamamagitan ng sapat na pahinga at first aid. 

    Tandaang mahalaga ang maging maingat at maagap upang makaiwas sa mga aksidente. Sikapin ding makatulong sakaling may ibang mangailangan ng agarang first aid at medical attention. Higit sa lahat, laging maging maingat upang makaiwas sa mga aksidente.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close