embed embed2
  • Mainam Ang Organic Veggies At Fruits, Pero May Paraan Kung 'Di Makabili Nito

    Isa sa paraan upang lumakas ang katawan ay ang pagkain nang tama at masustansya.
    by Jocelyn Valle .
Mainam Ang Organic Veggies At Fruits, Pero May Paraan Kung 'Di Makabili Nito
PHOTO BY iStock
  • Bukod sa pagsunod sa health at safety protocols, paalala din ng health officials na palakasin ang immune system upang makatulong sa pag-iwas sa COVID-19. Isa sa paraan upang lumakas ang katawan laban sa iba pang sakit ay ang pagkain nang tama at masustansya.

    Dito pumapasok ang usaping organic, na siyang pinaniniwalaang nagbibigay ng mas maraming benepisyo sa kalusugan. Paliwanag ni Dr. Celeste Gomez, isang medical expert mula sa The Medical City Pediatrics at Institute of Functional Medicine, maitututing na organic ang, halimbawa, gulay (vegetables) at butil (grains), kapag hindi ginamitan ang mga ito ng genetically modified organism (GMO), synthetic pesticides o fertilizer, chemical additives, at sewage sludge. 

    Dagdag ni Dr. Gomez sa kanyang presentation kaugnay ng interactive session na hatid ng Promil Organic milk brand nitong August 13, may certification ang pagkilala sa mga produktong organic. Nariyan ang Organic Certification Center of the Philippines (OCCP) na accredited ng International Federation of Organic Agriculture Movements (IFOAM International).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Gulay at prutas na mababa ang residue mula sa pesticides

    Kung hindi man certified organic ang mga produkto, sabi pa ng medical expert, hindi nangangahulugang hindi na masustansya ang mga ito. Kailangan lang piliin ang whole foods, o iyong mga pagkain na wala o kaunti lamang ang pinagdaanang proseso para maging ligtas sa pagkonsumo.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ibinahagi ni Dr. Celeste Gomez, isang medical expert mula sa The Medical City Pediatrics at Institute of Functional Medicine, ang inilabas na mga listahan ng Environmental Working Group (EWG), isang U.S.-based nonprofit organization, ng mga produktong may mababa (“Clean 15”) at mataas (“Dirty 12”) na bilang ng residue mula sa pesticides at chemicals.

    Ang mga pasok sa listahang “Clean 15” ay hindi kailangang organic pa ang bilhin basta hugasan lang maigi bago kainin o lutuin.

    1. Avocados
    2. Sweet Corn
    3. Pineapple
    4. Onions
    5. Papaya
    6. Sweet Peas (Frozen)
    7. Eggplant
    8. Asparagus
    9. Cauliflower
    10. Cantaloupe
    11. Broccoli
    12. Mushrooms
    13. Cabbage
    14. Honeydew Melon
    15. Kiwi
    More from Smart Parenting

    Gulay at prutas na magandang bilhin na organic 

    Ang mga kasama naman sa listahan ng “Dirty 12” na mainam diumano na bilhin iyong organic upang maiwasan ang mga nakapipinsalang residue mula sa pesticides at chemicals.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    1. Strawberries
    2. Spinach
    3. Nectarines
    4. Apples
    5. Grapes
    6. Peaches
    7. Cherries
    8. Pears
    9. Tomatoes
    10. Celery
    11. Potatoes

    Paano kung hindi organic?

    Samantala, may rekomendasyon ang isa pang nonprofit group, ang Consumer Reports, na mabisang paraan para matanggal ang pesticide residue kung hindi makakabili ng organic na gulay at prutas.

    Ayon sa kanilang mga eksperto, makakatulong ang “rinsing, rubbing, or scrubbing.” Lumabas din sa pag-aaral ng researchers mula sa University of Massachusetts na epektibo ang pagbabad ng mga gulay at prutas sa tubig na may halong baking soda. 

    More from Smart Parenting

    Tamang preparasyon sa mga gulay

    Nagbigay din si Dr. Gomez ng gabay sa pagkain at pagluto ng mga gulay para lubusang makuha ang taglay nilang sustansya. Aniya, karamihan sa green vegetables ay mainam na gawing salad, lalo na kung hahaluan ng olive oil.

    Iyon namang yellow vegetables, tulad ng kalabasa at red bell peppers, kailangan iluto dahil pinatitingkad pa ng init ang mga sustansya. Ganito din ang kaso sa antioxidants na taglay ng carrots, spinach, mushroom, asparagus, broccoli, potatoes, at tomatoes. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa iba pang gulay, steam o bake lang dapat at huwag pakuluan sa tubig para hindi mawala ang phytonutrients. Kapag kasi pinasingawan lang sa init ang mga gulay, gaya ng cruciferous (arugula, bok choy, cauliflower),  napapanatili ang kanilang anti-cancer nutrients. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles