-
Annual Flu Vaccine Ang Rekomendado Ng Mga Doktor Kung Paano Maiiwasan Ang Trangkaso
Dahil taon-taon ding may bagong uri ng influenza virus na sumusulpot.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Dahil halos pareho ang sintomas ng trangkaso o flu sa iba pang viral infections, tulad ng dengue at COVID-19, tinatawag din ang mga ito bilang influenza/flu-life illnesses. Kaya hindi dapat sabihing "simpleng trangkaso" dahil kailangan ding malaman at gawin kung paano maiiwasan ang trangkaso.
Maaaring lumala ang mga sintomas ng trangkaso, ayon kay Dr. Gyneth Lourdes Bibera, isang pediatrician. Kabilang sa mga common flu symptoms ang mga sumusunod:
- Lagnat (fever) o pakiramdam ng nilalagnat (feverish)
- Ubo (cough)
- Barado ilong (stuffy nose), o di kaya may tumutulong sipon (runny nose)
- Masakit na lalamunan (sore throat)
- Pananakit ng katawan (body aches)
- Pagsusuka (vomiting) at pagtatae (diarrhea) kadalasan sa mga maliliit ng bata
Ayaw natin na maging kumplikado ang pagkakasakit ng trangkaso, sabi pa ni Dr. Bibera, nang hindi na maospital at maging mitsa pa ng buhay. (Basahin dito ang kuwento ng isang 4-year-old na nasawi mula sa flu complications.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSanhi ng trangkaso
Ang trangkaso ay isa sa mga nakakahawang sakit ng respiratory system, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Sanhi ito ng influenza viruses na nagdudulot ng impeksyon sa ilong, lalamunan, at, kung minsan, ang mga baga (lungs).
Napakaraming uri ng influenza viruses, sabi pa ng CDC. Pero may dalawa lang pangunahing uri ng human flu viruses: ang type A at ang type B. Ang mga ito ang sanhi ng tinatawag na seasonal flu na kadalasang laganap kapag maulan o malamig ang panahon.
Madaling kumalat ang influenza viruses at magkahawaan ng flu, tulad din ng COVID-19. Naniniwala ang mga eksperto na kumakalat ang mga virus kapag ang pasyente ay umubo, bumahing, o kahit magsalita lang nang walang takip ang kanyang bibig at ilong.
Ang droplets mula sa kanyang bibig at ilong ang siya ngayong kakalat sa hangin at papasukin ang kasama ng pasyente sa kuwarto, lalo na kung wala rin itong suot na face mask.
CONTINUE READING BELOWwatch nowIsa pang paraan ng pagkalat ng mga virus ay kung ang droplets mula sa bibig at ilong ng pasyente ay dumapo sa mga bagay. Hahawakan ang mga ito ngayon ng ibang tao at hahawakan naman nila ang kanilang ilong at bibig, at pati na mga mata.
Mga dapat gawin bilang gamot sa trangkaso
Kung may trangkaso ang anak, ikaw mismong magulang, o iba pang kasama sa bahay, mainam na agad pairalin ang isolation ng maysakit. Malaking tulong ito para maiwasan na kumalat ang influenza virus at mahawa pa ang buong kabahayan.
Dahil hindi muna papasok sa eskuwela ang bata, mahalaga na sabihan ang kanyang guro tungkol dito at alamin kung paano makakahabol sa mga assignment o activity.
Habang nasa isolation, siguraduhin na nakakapahinga ang bata. Bigyan siya ng gamot sa trangkaso, tulad ng paracetamol kontra sa lagnat at pananakit ng katawan. Napatunayang ligtas ang paracetamol para sa mga bata, sabi ng mga eksperto. Pero kung wala pang dalawang buwan ang iyong anak, kailangan mo munang komunsulta sa doktor bago painumin si baby ng gamot.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung lampas 2 months si baby, sabi pa ng mga eksperto, maaaring painumin si baby ng liquid syrup. Kung lampas six years old naman, puwede na ang bata sa tabletas. Mahalaga na sundin ang instructions sa pagpapainum ng gamot sa iyong anak. Huwag na huwag dagdagan ang rekomendadong dosage kung para saan ang paracetamol.
Kadalasan daw na gumagana ang bisa ng paracetamol sa bata 30 minutes pagkatapos niya itong inumin. Huwag mong bigyan ang anak ng higit pa sa 4 doses ng paracetamol sa loob ng 24 oras. Kailangan mong maghintay ng apat na oras bago painumin siya ulit ng gamot.
Makakatulong din ang bimpo na binasa gamit ang malamig na tubig para bumaba ang lagnat at mabawasan ang init sa katawan ng bata. Ipatong ang bimpo sa kanyang noo at leeg, pati na sa pagitan ng mga singit.
Para guminhawa pa ang pakiramdam ng bata, dalasan ang pagpapainom sa kanyang ng tubig o di kaya mainit na sabaw. Subukan din na painumin siya ng juice mula sa pinakuluang oregano kung umuubo. (Basahin dito kung bakit subok ang bisa ng oregano bilang gamot sa ubo.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano maiiwasan ang trangkaso
Isa ang trangkaso sa mga vaccine-preventable diseases. Ibig sabihin may bakuna na flu vaccine para maiwasan ang pagkakasakit ng trangkaso. Rekomendado ng mga doktor, tulad ni Dr. Bibera, na pabakunahan ang bata taon-taon dahil taon-taon ding may sumusulpot na bagong uri ng influenza virus bunsod ng mutation nito.
Paliwanag ni Dr. Bibera, na siya ring country medical director ng healthcare company na GSK Philippines, mababawasan ng flu vaccine ang mga panganib na dulot ng trangkaso. Dagdag niya na maaaring mabakunahan ang mga batang 6 months old pataas ng isa o di kaya dalawang dosage, depende sa edad ng bata at rekomendasyon ng kanyang doktor.
Kung nasa edad na ang bata para sa COVID-19 vaccine at nakatanggap na siya ng bakuna para sa bagong sakit na ito, kailangang maghintay ng 14 days bago mo siya pabakunahan ng flu vaccine naman. Ito ay alinsunod sa national guidelines mula sa Department of Health (DOH).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa ang aktres na si Dimples Romana sa sinisiguro ang flu vaccine para sa kanya at kanyang buong pamilya. Nagbigay siya ng patotoo sa online event na inorganisa ng GSK Philipines. Malaking akala raw niya dati na ang minsang pagbabakuna ay sapat na, iyon pala ay taon-taon ang pagtanggap ng flu vaccine.
Lahad ng working mom of three kung paano maiiwasan ang trangkaso: "You can never get too protected. Walang gano’n. Especially now my baby kami. two-month old si Elio. Ang problema kasi sa flu, magkasakit ang isa, hawa-hawa na kayo. So, you know what, you really have to look out for one another. The best is for us to get vaccinated."
Basahin dito ang ilang tips para hindi matakot ang bata sa bakuna.
What other parents are reading

- Shares
- Comments