;
embed embed2
Bago Vitamins Agad, Alamin Muna Ang Mga Dahilan Kung Bakit Payat Ang Anak
PHOTO BY Shutterstock/umarazak
  • Nakakabahala para sa isang magulang na makita ang anak na kulang sa timbang. Baka kasi may diperensya ang bata at maging tampulan pa ito ng tukso. Pero paano nga ba tumaba ang tinatawag na patpatin at payatot?

    Kilala bilang “failure to thrive” ang kondisyon ng batang hindi bumibigat ayon sa kanilang edad. Hindi ito sakit o karamdaman, paliwanag ng medical expert sa Kids Health. Pero isa itong senyales na kulang sa nutrisyon (undernourished) ang bata.

    Karaniwan daw sa mga batang bigo sa paglago ay kulang sa sapat na calories para lumaki at bumigat. Ang nangyayari tuloy, hindi nadadagdagan ang kanilang timbang at malamang hindi rin tatangkad hanggang sa kaya nilang marating na taas. Posible pang maapektuhan ang kanilang kakayahan na maglakad, magsalita, at matuto.

    Dahilan bakit hindi tumataba o lumalaki ang bata

    May iba-ibang dahilan kung bakit hindi tumataba ang bata, ayon pa sa mga eksperto. Kapag natunton na ang dahilan, mas madali nang masolusyonan ang problema.

    Kulang sa sustansya

    Importante ang calories at protein para bumilis ang paglaki ng mga bata at makatulong paano sila tumaba. Para masiguro na sapat ang nakukuhang sustansya ng iyong anak, maaaring sundin ang ilang payo mula sa St. Jude Children’s Research Hospital:

    • Dalasan ang pagbigay ng pagkain pero bantayan ang portion o dami. Nirerekomenda ang mula anim hanggang walo na smaller meals o kaya snacks kada araw.
    • Sa tuwing kakain ang bata, bigyan rin siya ng gatas (whole milk).
    • Haluan ng keso ang mga lutuin tulad ng scrambled eggs o di kaya gawing cheese dip para sa chips at veggie sticks.
    • Dagdagan ng karne ang sandwiches at salads.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahina kumain 

    Mainam na alamin kung bakit walang ganang kumain ang anak. Baka hirap siyang lumunok dahil meron siyang developmental delay o di kaya medical condition, tulad ng cerebral palsy o cleft palate. Mainam na ipatingin ang bata sa doktor.

    Pero kung sadyang pihikan lang ang bata, makakatulong ang tips ni Chesca Garcia (basahin dito)

    May problema sa digestive system

    Kung magana namang kumain ang anak, puwedeng may problema sa kanyang digestive system kaya hindi naa-absorb ng kanyang katawan ang nutrients at calories mula sa kanyang kinakain. Kabilang sa mga problemang ito ang:

    • Gastroesophageal reflux disease (GERD)
    • Chronic diarrhea
    • Cystic fibrosis
    • Chronic liver disease
    • Celiac disease

    Para makasiguro, ipatingin ang bata sa doktor. 

    Food intolerance

    Kung sumasama ang pakiramdam ng bata kapag umiinom siya ng gatas o kumakain ng keso, malamang meron siyang lactose o milk protein intolerance. Ibig sabihin, hindi kayang ma-absorb ng katawan niya ang ano mang pagkain na may gatas. Mahalaga pa naman ang gatas sa paglaki ng bata. Kaya komunsulta kaagad sa doktor.

    Metabolic disorders

    May malaking papel na ginagampanan ang metabolism para sa breakdown ng kinakain at maging energy ito. Kaya kapag nahihirapan ang batang kumain o nasusuka siya kapag kumakain, baka may problema siya sa metabolism. Mainam na ipatingin ang bata sa doktor nang makasiguro.

    Bulate sa tiyan

    Isa pang posibleng dahilan kung bakit hindi tumataba ang bata ay ang pagkakaroon niya ng bulate sa tiyan. Puwedeng magdulot ng malnutrition ang bulate sa tiyan ng bata, ayon kay Dr. Nancy Bernal, isang pediatric infectious disease specialist.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagbigay si Dr. Bernal ng paliwanag sa radio interview sa DZMM. Aniya, “’Di ba nakakita na kayo ng mga batang ang payat, pero ang laki ng tiyan? So mga malnourished, puwedeng may mga bulate iyon.” 

    Ang resulta: Kinukuha ng mga bulate ang nutrisyon sa katawan ng bata kaya hindi siya tumataba at tumatangkad. Maaari pa siyang maghina at maging anemic. Maaagapan ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan ng bata sa tulong ng doktor.

    Makakatulong ba ang multivitamins?

    May paniniwala ang maraming magulang na kailangang bigyan ng vitamin supplements ang kanilang mga anak para hindi maging payat ang mga ito.

    Ang sabi naman ni Dr. Rita Paz Rowena A. De Guzman, isang developmental pediatrician, ang tamang pagkain pa rin ang dapat maging pangunahing tagabigay ng nutrisyon sa bata. 

    Paliwanag ni Dr. De Guzman sa dati niyang interview sa SmartParenting.com.ph (basahin dito), bibigyan lang ng multivitamins ang bata para mapunan ang kakulangan sa tama at masustansyang pagkain. Naging malaking hamon na raw kasi ang pagkakaroon ng balanced diet dahil sa popularidad ng fast food at instant meals. 

    Dagdag pa niya na hindi lamang nakakatulong ang vitamins kung paano tumaba ang bata. Nagbibigay din ang mga ito ng micro at macronutrients para sa malusog na pangangatawan. 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles