-
Maga Ang Mata Kahit Hindi Umiiyak? 8 Posibleng Sanhi Ng Eye Inflammation Sa Bata
Mula sa simpleng kagat ng kulisap hanggang sa seryosong impeksyon.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Minsan sa sobrang pag-iyak ng bata, namumugto ang kanyang mga mata kaya hindi ito masyadong binibigyan ng pansin. Pero mainam na malaman din ng magulang na may iba pang mga dahilan sa pamamaga ng mata. Makakatulong ito para mas mabilis ang paggaling ng bata.
Ano ang pamamaga ng mata?
Tinatawag ang pamamaga ng mata bilang eye inflammation. Ito ay ayon sa Prevent Blindness, ang kinikilalang nangungunang grupo ng volunteer para sa eye health at safety sa United States.
Nangyayari ang eye inflammation bilang tugon sa infection, allergy, autoimmune disorder, irritation, injury, o di kaya trauma sa mga mata at tissues sa paligid nito. Maaaring maapektuhan ang ibang parte ng mata, depende sa sanhi ng pamamaga.
Pangkaraniwan daw ang eye inflammation, at puwede itong mangyari sa sinuman kahit ano pa ang edad. Pero nakadepende ang ibibigay na gamot sa pamamaga ng mata sa kung ano ang uri at gaano kalala ang kondisyon.
Kadalasang nagagamot ang eye inflammation, pero may ilang pagkakataon na nauuwi ito sa seryosong sakit at panganib sa pagkasira ng paningin. Kaya mahalaga na maagapan ito at matignan ng espesyalista sa mata.
Mga sintomas ng pamamaga ng mata
Kapag napansin na namamaga ang isa o parehong mata ng anak, kaagad na alamin kung nagtamo ito ng pinsala. Payo ng Seattle Children's na bantayan ang mga ganitong sintomas ng eye inflammation, na tinatawag ding eye swelling:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW- Pamamaga ng mga talukap ng mata (eyelids) at paligid nito
- Walang pamumula sa puting parte ng mata (sclera)
- Walang discharge na kulay dilaw, at malamang na nana (pus)
Tignan daw mabuti nang malaman kung nasa anong antas ang pamamaga ng mata ng anak:
- Mild--umalsa ang mga talukap ng mata (puffy eyelids), pero nadidilat nang normal ang mga mata
- Moderate--higit sa puffy eyelids, pero nadidilat nang bahagya ang mga mata
- Severe--grabe ang pamamaga eyelids at halos sarado ang mga mata
Mga posibleng sanhi ng pamamaga ng mata
May ilang pagkakaiba kung isa o parehong mata ang apektado, sabi pa ng mga eksperto.
Kung isang mata lang ang namamaga, malamang sanhi ito ng isa sa mga sumusunod:
Kinusot ng bata ang kanyang mata
Kadalasang nangyayari ito dahil sa puwing sa mata o nasundot ang mata.
May kagat ng insekto malapit sa mata ng bata
Ibig sabihin, nag-react ang mata sa pamamagitan ng pamamaga. Madali raw kasing mamaga ang loose eye tissues sa kagat ng insekto, na kadalasan ay ipis.
Contact dermatitis malapit sa mata
Kapag nagkaroon ng exposure sa allergen, tulad ng poison ivy, maaaring magkaroon ng reaction sa pamamagitan ng pamamaga ng mata.
Pinsala malapit sa mata
Kapag nasagi, nasundot, o di kaya nakalmot ang mata, puwedeng magpasa ito at mamaga.
Kuliti (stye)
Maaaring sanhi ng pamamaga ang pagkakaroon ng tila bukol sa mata na kuliti kung tawagin. Isa itong uri ng infection na dahilan ng pasulpot ng mapula at makirot na umbok sa may gilid ng mata o di kaya sa talukap nito. Mayroong gamot sa pamamaga ng upper eyelid.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosDacryocystitis
Isa pang uri ito ng infection, pero sa may tear sac, bandang gilid ng mata.
Ethmoid sinus infection
Isa itong seryosong uri ng infection na nagdudulot ng pamamaga at pamumula ng eyelid. Makikita ang ethmoid sinus sa likurang bahagi ng mata.
Periorbital cellulitis
Isa rin itong seryosong uri ng infection, na dulot naman ng bacteria. Nagyayari ito kapag nakarating sa mata ang infection mula sa sugat o kagat ng insekto. Nagdudulot ito ng matindi pamumula ng mata at pagkirot kapag nagagalaw.
Kung parehong mata ng bata ang namamaga, malamang sanhi ito ng isa sa mga sumusunod:
Allergic conjunctivitis
Kapag may exposure sa allergen, gaya ng pollen o di kaya dumi ng hayop (pet dander), puwedeng mamula, mangati, at mamaga ang mata.
Viral conjunctivitis
Kasabay ng pamumula at pamamaga ng mata ang pagkakaroon ng sipon.
Bacterial conjunctivitis
Pangunahing sintomas nito ang nana (pus) sa mata at pagsasara ng eyelids.
Edema
Isa itong seryosong kondisyon, kung saan napupuno ng fluid ang body tissues. Kadalasang nagsisimula ang edema sa pamamaga ng mga paa hanggang kumalat sa ibang parte ng katawan.
Anaphylaxis
Lubhang seryoso at mapanganib itong uri ng allergic reaction. Kadalasang dulot ito ng hindi kasundong pagkain at gamot.
Kung tumagal at lumala ang pamamaga ng mata, bilin ng mga eksperto na dalhin na ang anak sa doktor nang masuri ang kalagayan nito.
Basahin dito para sa masakit ang mata at dito tungkol sa sugat sa mata.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments