embed embed2
  • Kung Isang Bagay Lang Gusto Kainin Ng Anak Mo, May Magandang Payo Ang Pediatricians

    Nagbigay ng ilang tips ang mga doktor para sa mga batang pihikan sa pagkain
    by Jocelyn Valle .
Kung Isang Bagay Lang Gusto Kainin Ng Anak Mo, May Magandang Payo Ang Pediatricians
PHOTO BY Pexels
  • Mahalaga na nakakakain nang tama ang mga bata para lumaki silang malusog, tama sa timbang, hindi sakitin, at malakas ang immune system. Yung nga lang maraming bata ang sadyang pihikan sa pagkain.

    May ilang tips si Dr. Mary Jean Guno, isang pediatric gastroenterologist, para sa mga magulang na humaharap sa ganitong sitwasyon. Ibinahagi niya ang mga ito sa pagbubukas ng “Champions of Growth” Facebook Live series na isinagawa ng SmartParenting.com.ph katuwang ang PediaSure Plus, isang oral nutritional supplement. Ang unang episode, na tumatalakay sa pag-iwas sa mga sakit, nag-livestream nitong Martes, April 22, 2020. (Mag-scroll pababa para mapanood ito ng buo.)

    What other parents are reading

         

    Tips para sa bata na pihikan sa pagkain

    Ayon kay Dr. Guno, makakatulong na bigyan lamang ng pagkain ang bata tuwing tatlo hanggang apat na oras, tama lang na makaramdam ng gutom para kumain. Alamin din kung ano ang paboritong pagkain ng bata.

    Para sa mga bata na isang bagay lang gusto kainin

    Sa kaso ng isang magulang na nagpadala ng tanong na binasa ng host na si Riki Flores-Reyes sa livestream, ang problem nya hinog na mangga lang ang gusto kainin ng kanyang anak. Maraming magulang ang marahil nakaka-relate — maraming ganitong bata isang bagay lang gusto palaging kinakain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Paliwanag ni Dr. Guno anchor food ng bata ang hinog na mangga at maaaring gamitin ito para ganahan kumain ang anak. Mag-isip daw ng ibang pagkain na kapareho ng kulay nitong dilaw, tulad ng kalabasa at mais. Maghanap din ng kaparis ng mangga sa texture nito na malaman at malambot. Ang tawag daw sa paraan na ito ay "food chaining." Makakatulong ito sa pagpapakilala sa bata sa iba-ibang lasa at timpla ng pagkain. 

    Sang-ayon dito ang isa pang resource person sa livestream talk: ang metabolic specialist at pediatric endocrinologist na si Dr. Sylvia Estrada. Aniya ang pagbibigay ng iba-ibang pagkain, o food diversity, sa bata ay makakatulong sa pagsunod sa balanced diet. Mainam daw kung may apat ng kulay ang isang platong pagkain. Kasama daw dito ang dalawang uri ng gulay, kanin, at ang ulam.

    What other parents are reading

    Mga vitamins na kailangan sa diet ng bata  

    Dagdag ni Dr. Guno ang kumpleto at balanseng pagkain ay pangunahing binubuo ng mga nutrients na protein, zinc, at vitamins D, A, C, at E. Makukuha ang protein sa animal source (manok, baka, baboy, itlog, gatas) at plant-based (tokwa, beans). Mayaman din ang mga pagkain na ito sa zinc at iba pang sustansya. Ang vitamins A, C, at E naman ay maibibigay ng mga gulay at prutas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hirap talaga pakainin ang bata at nagkukulang na ito sa nutrisyon, makakatulong din daw ang mga vitamin at mineral supplements na iinumin pagkatapos kumain. Ngunit ituloy pa din ang pagtuturo sa bata ng pagkain ng whole foods.

    Huwag daw tumigil sa pagsasabi sa anak na kumain nang tama kahit maka-sampu o labing-limang beses pa bago sumunod ito. Kung tatangi pa rin ang bata ay huwag daw magalit. Bigyan naman ng kaukulang atensyon ang bata pag nagpakita ito ng interes na sumubok.

    What other parents are reading

    Iwasan ang pagkain na sanhi ng inflammation

    Paalala ni Dr. Guno na kapag sakitin ang bata ay babagal ang paglaki nito dahil ang nutrisyon para dito ay napupunta lamang sa paglaban sa sakit. Iwasan din daw ang mga pagkain na sanhi ng pamamaga o inflammation, tulad ng iyong puno ng artificial sugars, processed, at lahat ng junk food.

    Nagbigay naman si Dr. Estrada ng ilan pang hakbang, bukod sa nutrisyon, para masiguro ang immunity at growth ng bata. Kailangan daw ay magkaroon ng sapat na physical activity at tamang sleeping habit. Ugaliin din daw ang pagpapaaraw at siguraduhin ang mapagkalingang tahanan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa usaping pagpapaaraw, nilinaw ni Dr. Estrada na wala talagang taglay na vitamin D ang araw. Pero ang sikat ng araw ang siyang nagpapagana ng angking vitamin D sa katawan ng tao. Sa prosesong ito, tumutulong din ang liver at kidney. Kung limitado naman ang pasok ng sikat ng araw sa bahay ay may mga pagkain naman na mayaman sa vitamin D, tulad ng gatas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles