embed embed2
  • Pabakunahan ng PCV Vaccine si Baby Para Malabanan ang Antibiotic-Resistant na Bacteria

    Inirerekomendang makatanggap ng hanggang 4 na dose ng PCV vaccine ang mga bata, simula dalawang buwan pagkasilang
    by Camille Eusebio and Kate Borbon .
Pabakunahan ng PCV Vaccine si Baby Para Malabanan ang Antibiotic-Resistant na Bacteria
PHOTO BY iStock
  • Kabilang sa 2019 childhood immunization schedule ang pneumococcal conjugate vaccine o PCV. Ang bakunang ito, na binibigay nang libre sa mga sanggol sa mga piling rehiyon sa bansa, ay tumutulong maprotektahan ang iyong anak laban sa mga sakit na dulot ng pneumococcus bacteria.

    Ipagpatuloy ang pagbabasa para malaman ang iba-ibang uri ng pneumococcal infection, kung ano ang PCV, at bakit ito kailangan ng iyong anak.

    Ano ang pneumococcal infections?

    Ang pneumococcal infections ay iba’t ibang klase ng sakit na nagmumula sa isang bacteria, ang Streptococcus pneumoniae o pneumococcus. Nagdudulot ito ng mga sakit gaya ng impeksyon sa sinus at sa tenga, bacteremia (impeksyon sa dugo), pneumonia, at meningitis. 

    Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), mayroong higit sa 90 strains at uri ng pneumococcal bacteria na nagdudulot ng sakit. Ang iba sa imga infection na galing sa pneumococcus ay itinuturing na “invasive” – sinasalakay nito ang mga parte ng katawan na karaniwang hindi napapasok ng ibang mikrobyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagamat karamihan sa mga pneumococcal infection ay banayad o mild, meron ding nakamamatay o nagdudulot ng matitinding sakit tulad ng pagkasira ng utak at problema sa pandinig, lalo na sa mga batang wala pang dalawang taong gulang o may matitinding sakit at mahinang immune system.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Mga sintomas at komplikasyon ng pneumococcal infections

    May mga kaakibat na sintomas ang bawat uri ng pneumococcal infection. Para sa pneumococcal pneumonia, isang impeksyon na tumatama sa baga, maaring makaramdam ang maysakit ng mga sumusunod:

    • Lagnat
    • Mabilis na paghinga o hirap huminga
    • Ubo
    • Pananakit ng dibdib

    Ito naman ang mga posibleng maging komplikasyon:

    • Empyema o infection sa pagitan ng mga membrane na pumapalibot sa baga at chest cavity
    • Pericarditis o pamamaga ng sac na pumapalibot sa puso
    • Pagkabara ng airway kung saan dumadaloy ang hangin para sa baga

    Ang pneumococcal meningitis ay isang impeksyon sa mga tissue na bumabalot sa utak at spinal cord. Narito ang mga sintomas:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Lagnat
    • Stiff neck o paninigas ng leeg
    • Sakit ng ulo
    • Photophobia o pagiging sensitibo ng mga mata sa ilaw

    Ang mga sanggol na nakakakuha ng sakit na ito ay maari ring makaranas ng pagsusuka at problema sa pag-kain at pag-inom. 

    Itinuturing itong pinakamalalang uri ng invasive pneumococcal disease at maaring magdulot ng mga problema sa pandinig, developmental delay, o pagkamatay. 

    Ang pneumococcal bacteremia naman ay ang infection sa dinadaluyan ng dugo. Kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, panginginig, at kabawasan sa pagiging alerto. Ayon sa CDC, isa sa bawat 100 bata na may edad 5 pababa ang namamatay dahil sa sakit na ito.

    Dagdag nila, may kinalaman rin ang pneumococcal bacteria sa infection sa gitnang bahagi ng tenga (middle ear).  Maaring makaranas ng mga sintomas gaya ng pananakit ng tenga, pamumula at pamamaga ng eardrum at lagnat. Bagamat banayad lang at karaniwan ang mga ear at sinus infection, maari itong magdulot ng paulit-ulit na impeksyon sa mga bata na mangangailangan ng paggamit ng ear tubes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano gagamutin at iiwasan ang pneumococcal infections

    Binibigyang-diin ng CDC ang kahalagahan ng maagang pagsusuri at paggamot sa mga pasyenteng may invasive pneumococcal disease. Kung sa palagay ng iyong doktor ay maaring nakakuha ang inyong anak ng impeksyon na ito, maari silang humingi ng sample ng dugo o cerebrospinal (CSF) fluid, at kailangang sumailalim ang iyong anak sa isang lumbar puncture procedure sa kanyang lower spine. 

    Kadalasan, nagagamot ng antibiotics ang mga pneumococcal diseases. Subalit ayon sa CDC, may ilang uri ng pneumococcal bacteria na hindi na tinatablan ng ibang antibiotics. Maaring magreseta muna ang doktor ng “broad spectrum” antibiotics, na lumalaban sa maraming uri ng bacteria at susugpo sa infection habang hinihintay ang resulta ng antibiotic sensitivity testing. 

    Kapag natukoy na ng mga doktor kung anong bacteria ang nakuha ng pasyente at kung gaano ito ka-sensitibo, makakapagbigay na sila ng mas tamang antibiotic na aatake sa bacteria.

    Kaya naman binibigyang-diin talaga ng CDC ang kahalagahan ng PCV para maprotektahan ang maliliit na bata. “With the success of the pneumococcal conjugate vaccine, we see much less antibiotic-resistant pneumococcal infections,” pahayag nila. (Dahil sa pneumococcal conjugate vaccine, nakikita natin na kumokonti na ang mayroong antibiotic-resistant infections.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    PCV ang pinakamahusay na proteksyon

    Mahalaga ang pneumococcal vaccine dahil pinoprotektahan nito ang iyong anak laban sa mahigit 90 klase ng bacteria. Mayroong tatlong klase ng pneumococcal vaccine: ang pneumococcal conjugate vaccine (PCV13), pneumococcal polysaccharide vaccine (PPSV23), at ang 10-valent pneumococcal non-typeable Haemophilus influenza protein D conjugate vaccine (PHiD-CV).

    Ang PCV 13 ay nagbibigay ng proteksyon laban sa 13 klase ng pneumococcal bacteria, lalo na sa mga nagdudulot ng matinding sakit sa mga bata at matatanda. Apat na dose ang inirerekomenda ng CDC para sa bakunang ito.

    Sa ilalim ng immunization schedule na inihanda ng Philippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) kasama ang Philippine Foundation for Vaccination (PFV), ibinibigay ang unang dose ng PCV 13 kapag ang bata ay nasa 6 hanggang 8 linggo, at ang mga sumusunod na bakuna ay ibibigay sa kanyang ika-4, ika-6 at ika-12 at 15 na buwan.

    Inirerekomenda rin ang PCV 13 para sa mga taong 19 taong gulang at pataas na may chronic medical condition at sa mga taong may edad na 65 pataas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Kids Health, maari ring bigyan ng PCV13 shot ang mga batang 2 taong gulang pataas kung nakamintis sila ng nirerekomendang dose, lalo na kung meron silang matinding sakit na nagpapahina ng kanilang immune system.

    More from Smart Parenting

    Ang PPSV23 naman ay isang klase ng pneumococcal vaccine na lumalaban sa 23 uri ng pneumococcal bacteria. Nirerekomenda ito ng CDC para sa mga taong may edad na 65 pataas at para sa mga may posibilidad na makakuha ng pneumococcal disease mula 2 at 64 taong gulang.

    Ang huling klase ng PCV vaccine ay ang PHiD-CV, o mas kilala sa tawag na Synflorix. Mayroon itong laman na mga bahagi ng pneumococcus bacterium. Ayon sa European Medicine Agency, ginagamit ang Synflorix para sa mga batang may edad na 6 na linggo hanggang 5 taong gulang. Nilalabanan nito ang mga sakit tulad ng pneumonia at impeksyon sa gitna ng tenga.

    Bukod sa proteksyon para sa iyong anak laban sa pneumococcal disease, makakatulong rin ang pagbibigay ng PCV para maiwasang kumalat ang pneumococcal infection sa iba, dahil ang bacteria ay naipapasa sa pamamagitan ng person-to-person contact.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maari pa ring mahawa ang isang tao na nagkaroon na ng pneumococcal disease dati, dahil merong higit sa 90 uri ng pneumococcal bacteria. Kaya naman napaka-importante na magpabakuna ng PCV.

    Bukod sa PCV, hinihikayat rin ng CDC na mabigyan ng booster ng influenza vaccine ang mga bata, dahil “having the flu increases your chances of getting pneumococcal disease.” (Lumalaki ang posibilidad na magkaroon ng pneumococcal disease kung ikaw ay may flu.)

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa PCV Vaccine Protects Your Baby Against Many Types of Antibiotic-Resistant Bacteria

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles