embed embed2
  • Do P.E. At Home! 5 Fun Activities Para Sa Mga Bata (No Special Equipment Needed)

    Tulungan silang maging active at healthy habang nasa bahay.
Do P.E. At Home! 5 Fun Activities Para Sa Mga Bata (No Special Equipment Needed)
PHOTO BY Shutterstock
  • Ngayong nasa bahay lang ang buong pamilya dahil sa enhanced community quarantine, nasisiguro niyo bang physically active pa rin ang inyong mga anak?

    Ayon sa World Health Organization (WHO), malaki ang naitutulong ng physical activities gaya ng paglalaro, exercise, sports, at gawaing-bahay sa pag-maintain ng healthy weight; pag-develop ng matibay na mga buto, muscles, at joints; at pagpapalakas ng puso at baga ng mga edad 5 hanggang 17. Nakatutulong din ang physical activities sa pag-improve ng kanilang coordination at movement control, psychological wellness, at wastong pakikitungo sa kapwa.

    Inererekomenda ng WHO ang kabuuang 60 minuto ng physical activities kada araw, o higit pa para makakuha ng dagdag benepisyo sa kalusugan. Maaari ring magsimula muna sa mas mababang bilang ng oras kung ang bata ay hindi pa sanay maging physically active.

    Kaya naman, mga nanay at tatay, tulungang maging malusog at malakas ang inyong mga anak sa pamamagitan ng pag-encourage sa kanila na maging mas aktibo kahit na sila ay nasa bahay.

    Basahin ang ilan sa aming mga recommended physical activities na kayang isingit sa mga gawaing-bahay at gawin ang mga ito sa tulong ng mga gamit na normal na nakikita sa inyong tahanan. Huwag kalimutang samahan o makisali sa inyong mga anak habang ginagawa nila ang activities na ito para masigurado ang kaligtasan nila.

    1. Basketball gamit ang mga damit at palanggana

    Photo by Shutterstock.


    Paborito ba ng inyong mga anak ang paglalaro ng basketball? Magtayo ng "basketball throwing station" sa kanilang kwarto o sa bakuran sa pamamagitan ng pagpatong sa isang mesa o pagdikit sa pader ng makeshift hoop gawa sa palanggana, hamper, balde, basket–o kahit papel.

    Para makatulong na rin sila sa gawaing-bahay, i-encourage silang gawin ito sa paghihiwalay ng kanilang maruruming de-kolor at puting damit (magdagdag lang ng hoop!). Sa pamamagitan ng activity na ito, ma-eensayo ng mga bata ang kanilang shooting at aiming skills.

    2. Volleyball drills habang nagsasampay

    Photo by Shutterstock.


    Pagkatapos maglaba, hingin ang tulong ng mga bata sa pagsasampay ng mga damit. Maganda itong pagkakataon para makapag-ehersisyo rin sila sa pamamagitan ng jumping o pagtalon. Maitutulad ito sa warm-up exercise ng volleyball players kung saan tumatalon sila para abutin ang volleyball net.

    Gawin itong mas challenging sa pamamagitan ng pagtaas ng lebel ng sampayan. Pwede niyong i-install ang wire o lubid mula sa isang pader patungo sa kabila, o sa dalawang poste sa labas ng tahanan. Sa ganitong paraan, kakailanganin nilang tumalon tuwing magsasabit sila ng mga damit sa sampayan.

    3. Pabilisan sa pagligpit ng mga laruan

    Photo by Shutterstock.


    Hilig ba ng inyong mga anak na ilabas at paglaruan ang kanilang mga laruan, ngunit inaayawan ang pagliligpit nito? Subukan niyong gawing laro ang pabilisan nang pagliligpit!

    Bago magsimula, maaari kayong mag-warm up sa pamamagitan ng spot jogging o jogging in place. Maghanda ng dalawa o higit pang boxes or basket–isa kada bata o magulang–at umpisahan ang pagpulot ng mga laruan sa sahig. Makakapagligpit na kayo, mate-test at ma-eensayo rin ang bilis sa paggalaw ng mga bata.

    4. Pagsalo ng malalambot na bagay

    Photo by Shutterstock.


    Maaari niyo itong gawin habang nag-aayos o naglilinis sa sala o kwarto. Imbes na ilagay lamang sa tamang lugar ang mga gamit tulad ng stuffed toys, unan, at iba pa, gawin itong simpleng laro ng catch kung saan ibabato isa-isa ni nanay o tatay ang mga gamit para saluhin ng mga bata bago iligpit. Maaring bilisan ang pagbabato o iba-ibahin ang direksyon para masubukan ang liksi ng inyong mga anak.

    5. Pag-ehersisyo gamit ang DIY sports equipment

    Photo by Shutterstock.


    Kung nais niyong mag-ehersisyo kasama ng mga bata ngunit walang equipment sa bahay, maaari kayong gumawa ng DIY sports equipment. Halimbawa, pwede kayong gumawa ng dumbells gamit sa pamamagitan ng paglalagay ng tubig sa dalawang plastic bottles. Gamitin ito para ma-ehersisyo ang mga muscles sa braso.

    Maari rin namang mag-workout gamit lamang ang body weight. Kabilang sa mga simpleng ehersisyong pwedeng gawin ng mga bata ay jogging in place at pagtalon sa himig ng upbeat o masayang musika.

    Para matulungang maging malusog ang mga bata, siguraduhing bigyan sila ng healthy and balanced meals na sagana sa iba't ibang prutas at gulay araw-araw.

    Bigyan rin sila ng MILO Champion Formula na siksik sa champion ingredients–milk, PROTOMALT®, iron, and B vitamins to help give them champion energy to stay active at home.

    Mga magulang, huwag kakalimutang gawing regular na bahagi ng everyday schedule ng inyong mga anak ang physical activities para sila ay manatiling malusog at masaya.

    I-follow ang MILO sa Facebook para sa karagdagang detalye.

This article was created by Summit Storylabs in partnership with MILO.
FOLLOW US: