embed embed2
  • Guide Sa Pinggang Pinoy: Ang Tamang Dami ng Pagkain ng Inyong Anak (3-12 Years Old)

    Narito ang inyong gabay sa pagkain ng kanin, gulay, karne at prutas para sa mga toddlers at tweens.
    by Allan Olga . Published May 20, 2019
Guide Sa Pinggang Pinoy: Ang Tamang Dami ng Pagkain ng Inyong Anak (3-12 Years Old)
PHOTO BY iStock
  • Ayaw ng mga magulang na naririnig ang mga salitang matamlay at maputla para ilarawan ang kanilang mga anak. Ayon sa KidsHealth “Even people who have plenty to eat may be malnourished if they don't eat foods that provide the right nutrients, vitamins, and minerals.” (Kahit ang mga taong kumakain ng marami ay maaari pa ring maging malnourished kung ang kanilang kinakain ay kulang sa sustansiya, vitamins, at minerals.)

    Ang balanced diet kasama ang sapat na tulog at exercise ay makatutulong upang lumaki nang maayos ang inyong anak. Upang tulungan kayo sa pagpapakain ng inyong pamilya, naglabas ng “Pinggang Pinoy” chart ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Tehnology. Taglay nito ang food recommendations sa bawat age group.

    Taglay ng Pinggang Pinoy ang "Go, Grow at Glow" food recommendations sa bawat age group
    PHOTO BY Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology
    What other parents are reading

    Pinggang Pinoy guide

    Narito ang quick guide para sa iba't ibang food groups at kung bakit kailangan ng bawat bata ng serving ng bawat meal:

    Go foods

    Nagbibigay ang food group na ito ng energy sa inyong anak na kailangan niya sa pagtakbo at paglalaro. Mayaman ang mga ito sa carbohydrates, na kailangan para suportahan ang functions ng katawan at physical activities. Halimbawa: kanin, pasta, tinapay, mais, root crops, at oatmeal.

    Tip:Mainam na piliin ang whole grains kagaya ng brown rice (sa halip na white rice), whole wheat (sa halip na white bread, gaya ng tasty), at mais. Ayon sa FNRI, “These contain more fiber and nutrients.” (Nagtataglay ang mga ito mas mas maraming fiber at nutrients.)

    Grow foods

    Ang grow foods ay tumutulong sa inyong anak para lumaki at lumakas. Nagtataglay ang mga ito ng protein na kailangan para sa pagtubo at pag-repair ng body tissues, kabilang ang muscles, buto, at body organs. Kadalasan, ito ang inuulam ng inyong anak. Halimbawa: isda, lean meat, poultry, itlog, beans, at nuts.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tip: Ang gatas, dairy products at maliliit na seafood gaya ng dilis at maliliit na hipon ay mayaman sa protein at calcium. Ang calcium ang nakatutulong para magkaroon ng mas matibay na buto at ngipin.

    Glow foods

    Kinabibilangan ito ng gulay at prutas na tumutulong para makapagbigay sa katawan ng vitamins and minerals. Nagtataglay rin ang Glow foods ng fiber para sa malusog na digestive system.

    Tip: Ang iba't ibang uri ng gulay at prutas ay nagtataglay ng iba't ibang health benefits, kaya pakainin ang inyong anak ng iba't ibang uri nito kada linggo. Ang mga prutas na nasa panahon ay matamis at mura pa.

    What other parents are reading

    Kung ang inyong anak ay may edad 2 hanggang 12 taong gulang, narito ang kailangan ninyong malaman para sa kanyang diet

    • Ang serving ng gulay ay kasing dami dapat ng serving ng carbohydrates (o “go” foods, kagaya ng kanin).
    • Ang gulay at kanin (o iba pang carbohydrates) ay mas marami dapat kesa sa kalahati kabuuang laki pinggan ng inyong anak.
    • Ang serving ng prutas ay kasing dami dapat ng protein (o grow food, kagaya ng manok).
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    What other parents are reading

    Serving portions ng Go, Grow at Glow foods

    Kadalasan, mas mainam kung ang bawat meal ay nagtataglay ng sapat na serving ng bawat food group: kanin, ulan, gulay, at prutas. Gayunpaman, alam ng bawat magulang na hindi ito laging nagagawa, lalo na kung pihikan sa pagkain ang bata. Kapag ganito ang sitwasyon, bawiin ito sa meryenda. Ani Renee Rose Rodrigo, isang US-certified holistic nutrition coach at contributing writer ng Smart Parenting, “Snack time is prime time for a good serving of fruit!” (Ang oras ng meryenda ay magandang oras para pakainin ng prutas ang bata.)

    Samahan ang bawat meal ng isang basong tubig at umiwas sa sweetened drinks, gaya ng powdered juice o soft drinks. Ayon sa sugar recommendations, hindi dapat lalampas sa anim na kutsarita (o 25 grams) ng asukal kada araw. Ang 250mL juice box ay nagtataglay ng 23 grams ng asukal.

    Sa mga batang edad 3 hanggang 5 batay sa 1,300-calorie diet

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Carbohydrates (Go foods)

     1/2 tasa ng kanin

    • Katumbas: 2 maliliit na pandesal; 2 piece ng maliit na loaf bread; 1/2 tasa ng nilutong noodles; 1/2 medium na laki ng root crop

    Protein (Grow foods)

     1/2 serving (15 grams) ng lean meat kagaya ng chicken, pork o beef

    • Katumbas:1/2 slice ng malaking isda (gaya ng bangus); 1/2 piece ng small size, medium na uri ng isda (gaya ng galunggong); 1/2 piece ng maliit na chicken egg; 1/2 piece ng tokwa

    Gulay (Glow foods)

    1/2 tasa ng cooked vegetables

    Prutas (Glow foods)

     1/2 to 1 medium-sized na prutas (gaya ng saging)

    • Katumbas: 1/2 hanggang 1 piece ng big fruit (gaya ng pinya o papaya)

    Liquids

    • 5 or higit pa na baso ng tubig bawat araw
    • 1 baso ng gatas bawat araw
    What other parents are reading

    Sa mga batang edad 6 hanggang 9 batay sa 1,500-calorie diet

    Carbohydrates

    3/4 tasa ng kanin

    • Katumbas: 3 maliliit na pandesal; 3 piece ng maliit na loaf bread; 3/4 tasa ng cooked noodles; 3/4 medium piece ng root crop

    Protein

     1/2 serving (15 grams) ng lean meat gaya ng chicken, pork o beef

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Katumbas: 1/2 slice ng large variety fish (gaya ng bangus); 1/2 piece ng small size, medium variety fish (gaya galunggong); 1/2 piece ng chicken egg; 1/2 piece ng tokwa

    Gulay

    3/4 tasa ng cooked vegetables

    Prutas

    1 medium-sized fruit (gaya ng saging)

    • Katumbas: 1 slice ng big fruit (gaya ng pinya o papaya)
    What other parents are reading

    Sa mga batang edad 10 hanggang 12 batay sa 2,000-calorie diet

    Carbohydrates

     1 tasang kanin

    • Katumbas:4 maliit na pandesal; 4 slices ng small loaf bread; 1 tasang cooked noodles; 1 medium piece ng root crop

    Protein

     1 serving (30 grams) ng lean meat gaya chicken, pork o beef

    • Katumbas: 1 slice ng large variety fish (gaya bangus); 1 piece ng small size, medium variety fish (gaya ng galunggong); 1 piece ng small chicken egg; 1 piece ng tokwa, tinatayang 6 x 6 x 2 cm

    Vegetables

     3/4 to 1 tasang cooked vegetables

    Fruit

    1 medium-sized fruit (gaya ng saging)

    • Katumbas: 1 slice ng big fruit (gaya ng pinya o papaya)

    Ang impormasyong nakalahad dito ay mula sa

    Correct Food Portion Sizes for Pinoy Kids 3 to 12 Years Old

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close