;
embed embed2
Pati Bata Puwede Ring Magkasakit Ng TB: Ito Ang Primary Complex
PHOTO BY Unsplash/Annie Spratt
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag sinabing tuberculosis, kadalasang pumapasok sa isip ang imahe ng matandang umuubo ng dugo. Pero ang totoo, maaaring tamaan ng ganitong sakit ang sinoman, kahit pa bata. Ang mga batang nagkaroon ng exposure sa Mycobacterium tuberculosis ay posibleng mauwi sa tuberculosis (TB) infection na kung tawagin ay primary complex.

    Dapat malaman tungkol sa primary complex

    Kung paano naipapasa ang sakit na tuberculosis sa adults ay ganoon din sa sa mga bata. Ito ay sa pamamagitan ng pagsagap o paghinga (inhalation). Maaaring masagap ng bata ang bacteria mula sa taong may aktibong TB.

    Kapag kasi ang maysakit ay umubo, bumahing, sumigaw, o di kaya dumura, kakawala ang bacteria mula sa kanyang katawan at sasama sa hangin. Dito na magkakaroon ng pagkakataon ang bacteria na masagap at makapasok sa loob ng katawan ng bata. Sa ganyang paraan paano nakakahawa ang TB, pero hindi sa paghawak lamang ng damit ng maysakit o kahit pa paghawak sa kanyang kamay.

    Sa sandaling makapasok ang bacteria sa katawan ng bata, maglalakbay ang mga ito papunta sa baga (lungs). Maaalarma naman ang immune system ng bata at magtatrabaho upang makulong ang mga bacteria kung saan sila abutan, pati na rin sa kalapit na mga kulani (lymph nodes). Tinatawag itong "walled-in" complex.

    Dahil sa nakulong ang mga bacteria, maaaring magpatuloy ang magandang kalusugan ng bata at hindi siya makaramdam ng anumang sintomas. Pero kung bumaba ang kanyang resistensya o immune system, posibleng makawala ang mga bacteria at maging aktibo ang sakit na TB.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sintomas ng primary complex

    Kadalasang banayad (mild) ang mga sintomas, ayon sa librong Tuberculosis in Adults and Children, na nailathala sa United States National Library of Medicine. Kaya hindi napapatignan sa doktor ang batang nahawaan na ng TB.

    Ang nangyayari tuloy nabubuo ang primary (Ghon) complex, na kalakip ang maliit na pamamaga o granuloma. Malimit itong nabubuo sa gitna o di kaya sa mas mababa pang parte ng baga bilang primary o Ghon, na pinagsama sa transient hilar o di kaya paratracheal lymphadenopathy at iba pang overlying pleural reaction.

    Maaaring magkakaiba ang mga sintomas ng TB sa bawat bata, ayon naman sa Standford Children's Health. Depende raw ito sa edad ng bata.

    Kabilang sa most common na mga sintomas sa mga bata:

    • Lagnat
    • Pangangayayat
    • Hirap sa paglaki ng pangangatawan
    • Ubo
    • Pamamaga ng mga kulani
    • Panginginig

    Kabilang sa most common na mga sintomas sa teenagers:

    • Ubo na tumatagal ng higit pa sa 3 linggo
    • Pananakit ng dibdib
    • May dugo ang plema
    • Panghihina
    • Madaling mapagod
    • Pamamaga ng mga kulani
    • Pangangayayat
    • Pagkabawas ng ganang kumain
    • Lagnat
    • Pagpapawis sa gabi
    • Panginginig

    Payo ng mga eksperto na ipatingin ang anak sa doktor nang makumpirma kung may TB ito o di kaya iba pang sakit.

    Paano nalalaman na may primary complex?

    Dahil maraming batang pasyente na hindi nakakaramdam ng mga sintomas, malalaman lang nilang may sakit na pala sila ng primary complex sa pamamagitan ng tuberculin skin test. Tinatawag din itong Mantoux test o di kaya purified protein derivative (PPD) test.

    Ang kaunting bilang ng PPD ng tuberculosis germ ay ituturok nang mababaw lang sa braso ng bata. Kapag nagdulot ito ng pamumula sa balat na makati at maumbok, positive ang bata sa primary complex. Tinatayang 20 percent sa mga kumukuha ng test ay nakakakuha ng negative na resulta o di kaya false positive kung nakatanggap na ang bata ng Bacillus Calmette-Guerin (BCG) vaccine.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Payo ng mga eksperto na ipagamot ang batang may primary complex nang hindi na maging aktibong sakit pa ito ng tuberculosis. Makakaiwas din sa mga kumplikasyon, tulad ng meningitis para sa mga maliliit na bata. Magrereseta ng gamot ang doktor depende sa kondisyon ng bata. Maaaring tumagal ang gamutan mula 6 hanggang 12 buwan.

    Sa mga unang linggo pa lang ng pag-inom ng gamot, maaaring bumuti na ang kondisyon ng bata. Kadalasan ding hindi na siya makakahawa. Pero kailangan pa rin niyang tapusin ang itinakda ng doktor na haba ng gamutan. Mainam din kung kakausapin ang doktor para sa posibleng side effects ng mga gamot sa bata.

    Paano maiiwasan ang primary complex?

    Mahalaga na ilayo ang anak sa mga taong umuubo at mataas ang tyansang may TB, lalo na kung mababa ang immune system ng bata. Madalas ito sa mga may diabetes at sumasailalim ng chemotherapy. Makakatulong din ang pagkuha ng test para sa primary complex ng mga kasama sa bahay, kabilang na ng mga kasambahay.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles