embed embed2
  • Ayaw Mawala Ang Puwing Sa Mata? 3 Senyales Na Dapat Ipatingin Na Sa Doktor

    Ito ay para maiwasan ang infection at iba pang damage sa mata, sabi ng ophthalmologist.
    by Jocelyn Valle . Published Nov 28, 2021
Ayaw Mawala Ang Puwing Sa Mata? 3 Senyales Na Dapat Ipatingin Na Sa Doktor
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa ang puwing sa mata mga kadalasang dahilan kung bakit biglang masakit ang mata ng bata. Kadalasan ding kaagad naiibsan ang kirot sa pamamagitan ng first aid. Pero may mga pagkakataon na may seryosong dahilan pala, kaya mainam na ipatingin sa doktor.

    Mga dapat gawin sa puwing sa mata

    Kapag sinabi ng anak na nahanginan at may pumasok sa kanyang mata, malamang napuwing siya. Sabihan ang bata na huwag kusutin ang kanyang mata. Ito ang paalala ni Dr. Lee Verzosa, isang espesyalista sa mata (ophthalmologist) ng The Lasik Surgery Clinic. Aniya, maaaring lumala ang sitwasyon dahil baka magasgas nang husto ang itim ng mata.

    Payo pa ni Dr. Verzosa na gawin ang mga sumusunod bilang bilang puwing sa mata treatment:

    • Gabayan ang bata sa paghuhugas ng kanyang mata
    • Suriin kung makikita ang sanhi ng puwing sa mata, na kadalasang foreign object
    • Subukan na tanggalin ang foreign object gamit ang cotton bud

    Kung hindi makita ang foreign object, tanungin ang anak kung anong nangyari. Baka kasi aksidenteng nakamot niya ang mata kaya ito kumirot at namula. Sa ganyang kaso, sabi pa ni Dr. Verzosa, kusang mawawala ang iritasyon sa mata pagkaraan ng isa hanggang dalawang araw basta walang foreign object.

    Pero kung hindi bumuti ang pakiramdam ng bata, mainam na ipatingin siya sa doktor, lalo na kung may ganito siyang mga sintomas:

    • Hindi nawawala ang puwing sa mata
    • Gumagrabe ang pamumula ng mata
    • May discharge mula sa mata

    Ang doktor na raw ang mismong magtatanggal ang foreign object sa mata, sabi ng Dr. Verzosa. Kapag kasi pinabayaan ang foreign object, o iba pang dahilan ng puwing sa mata, maaari itong maging infected at gumgrabe pa ang lagay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga posibleng pinsala sa mata

    Tulong-tulong ang lahat ng mga parte ng mata para makakita ito, sabi ng United States National Eye Institute (NIE). Una, dadaanan ng liwanag ang cornea, o iyong malinaw na harapang layer ng mata. Hugis dome ang cornea at nababali ang liwanag dito para tulungan ang mata na maka-focus.

    Ang ilan sa liwanag ay pumapasok sa mata sa pamamagitan ng lagusan na kilala bilang pupil. Samantala, ang iris, o iyong may kulay na parte ng mata, ang siya namang komokontrol sa dami ng liwanag na pinapayagan ng pupil na makapasok.

    Pagkatapos, dadaan naman ang liwanag sa lens, o iyong malinaw na loobang parte ng mata. Katuwang ng lens ang cornea para i-focus ang liwanag nang tama sa retina, o iyong sensitibo sa liwanag na layer ng tissue sa may likuran ng mata. Kapag kasi tumama ang liwanag sa retina, ang special cells na tinatawag na photoreceptors ay ginawa ang liwanag bilang electrical signals

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ang electrical signals ay tumatakbo mula sa retina sa pagitan ng optic nerve papunta sa brain. Tungkulin ng brain na gawin ang mga signal bilang mga imahe na siyang nakikita. Kailangan din ng mata ang luha para gumana nang tama.

    Sinasabing delikado ang mata kapag napinsala dahil puwede magkaroon ng diperensya sa paningin hanggang tuluyang mabulag. Kaya bilin ng American Academy of Ophthalmology (AAO) na ipatingin ang mata sa espesyalista kahit akala mo minor lang ang pinsala. Iwasan mo raw na bigyan ng sariling lunas ang mata dahil baka lalo lang gumagrabe ang sitwasyon.

    Kabilang sa common injuries sa mata ang mga sumusunod:

    • Suntok
    • Palo mula sa kamay, bola, o iba pang sports equipment
    • Talsik mula sa kemikalMga lumilipad na bagay mula sa explosion o di kaya industrial work
    • Kahit anong lumilipad na bagay na pumapasok sa mata

    Kapag may pumasok na anumang bagay o foreign object, tinatawag ito ng mga Pinoy bilang puwing.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito tungkol sa bukol sa mata at dito para sa gamot sa nagluluhang mata.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close