Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Mas Malaki ang Tsansa na Makagat ng Aso Kapag Mainit ang Panahon: Eto ang Dapat Gawin

    Madalas ang biktima ng kagat ng aso ay mga batang may edad ng mas bata sa 15 taong gulang
    by Allan Olga .
Mas Malaki ang Tsansa na Makagat ng Aso Kapag Mainit ang Panahon: Eto ang Dapat Gawin
PHOTO BY iStock
  • Ayon sa pag-aaral mas malaki ang tsansang makagat ng aso sa panahon na mainit ang panahon. Kaya naman importante na sa bata, maging kay nanay at tatay na maprotektahan ng rabies vaccine.

    Ayon sa isang pag-aaral na lumabas sa Otolaryngology – Head and Neck Surgery Journal, may kinalaman ang mainit na panahon sa mga kaso ng kagat ng aso. Ayon sa mga researcher, ang pagkakaroon ng mas madalas na bilang ng mga aksidente kapag tag-init ay dahil mas madalas na nasa labas ang mga bata at nakikipaglaro sila sa mga aso dahil sa init ng panahon. O kaya ay dahil mas iritable ang mga aso dahil sa init ng panahon.

    Ang bilang ng mga kaso ng mga nakakagat ng aso ay tumataas sa panahon ng tag-init, at 50% sa mga biktima ng mga naitalang kasong ito ay mga batang may edad ng mas bata sa 15 taong gulang, ayon ay Dr. Raffy Deray ng National Rabies Prevention Control Program ng Department of Health (DOH), sa isang radio interview ilang taon na ang nakalilipas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya, hindi lahat ng kaso ng nakakagat ng aso ay dahil sa mga asong kalye o askal. Marami rin sa mga biktima ay nakakagat ng kanilang sariling mga alaga.

    More from Smart Parenting

    Ano ang rabies?

    Ang rabies ay viral infection at isang animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal, kagaya ng aso at pusa. Nangyayarito iko kapag ang laway ng hayop ay nagkaroon ng direct contact sa tao sa pamamagitan ng sariwang sugat nito. Ayon sa DOH, ang rabies ay maaaring makuha sa pamamagitan ng “inhalation of virus-containing spray or through organ transplants” pero madalang ang mga kasong ganito.

    Ang Pilipinas ay kabilang sa top 10 countries na may pinakamataas na bilang ng kaso ng rabies sa buong mundo, ayon sa Philippine Council for Health Research and Development. Sa estima ng DOH, tinatayang 10,000 Pilipino ang ginagamot dahil sa kagat ng aso at 200 hanggang 300 sa mga ito ang namamatay kada taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sintomas ng rabies

    Kapag kinagat ng asong may rabies ang isang tao, ang impeksyon ay aakyat sa utak ng tao, ayon kay Dr. Eric Tayag ng DOH.

    Ang mga sintomas ay mangyayari sa loob ng isa haggang tatlong buwan, pero maaari ring mangyari sa loob ng ilang araw matapos ma-expose sa virus, ayon sa International Association Assistance to Travellers (IAMAT), isang non-profit organization na base sa Canada. “Mas malapit sa utak [ang kagat], mas maiksi ang incubation period,” ani Dr. Tayag.

    More from Smart Parenting

    Ang pasyente ay lalagnatin at makakaramdam ng pananakit sa bahagi kung saan siya nakagat. Kapag umakyat na sa utak ang infection, magkakaroon ng pamamaga sa spinal cord at utak, at ang pasyente ay magpapakita ng “anxiety, hyperactivity, convulsions, delirium, and have a fear of swallowing or drinking liquids, as well as a fear of moving air or drafts,” ayon sa IAMAT.

    Sa ibang kaso, ang muscles ay napaparalisa at maaaring mauwi sa coma. Kapag nakita na ang mga sintomas sa pasyente, maaaring mauwi ito sa pagkamatay sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailan dapat magkaroon ng rabies vaccine

    Ang rabies ay maaaring maiwasan. Mayroong rabies vaccine para sa mga tao bilang pre-exposure prophylaxis (bago makagat o exposure) o kaya ay post-exposure prophylaxis (matapos makagat o exposure). Kailangan din maging responsable ang mga pet owner at mapabakunahan ng rabies vaccine ang kanilang mga alagang aso’t pusa.

    Inirerekomenda ng Philippine Pediatric Society (PPS) na mapabakunahan ang mga pamilyang may alagang aso bago pa man sila makagat.

    More from Smart Parenting

    Ayon sa PPS sa isang rabies fact sheet na nailathala sa kanilang website, “This is called pre-exposure prophylaxis and is especially recommended for children who may be unaware of the dangers of an animal bite.” (Ito ay tinatawag na pre-exposure prophylaxis at inirerekomenda sa mga batang hindi alam ang panganib na dulot ng kagat ng hayop .

    Iniuutos ng Rabies Act of 2007 ang rabies immunization para sa mga batang may edad 5 hanggang 14 na taong gulang na nakatira sa mga lugar na malaki ang exposure sa rabies. 
    Nagtataglay ito ng tatlong doses na ibinibigay sa 0, 7, at 21 o 28 araw. Kung ikaw ay may alagang aso at may anak, makipag-usap sa inyong pediatrician upang mabakunahan.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang gagawin kapag nakagat ng aso o pusa?

    Hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubig sa loob ng 10 minuto. I-disinfect ito gamit ang antiseptic at pumunta agad sa doktor para magkaroon ng post-exposure rabies vaccination. Huwag mag-atubili na ang kagat ay mauuwi sa impeksyon — maaaring ma-infect ang inyong anak gaano man kalaki o kaliit ang inyong aso.

    Depende sa vaccine regimen, ang bakuna ay maaaring ibigay bilang limang intramuscular doses (days o, 3, 7, 14, at 28) o walong intradermal doses (2 doses ng 0.1 ml bawat isa intradermally sa parehong deltoids sa 3, 7, 14, at 28), ayon sa PPS rabies fact sheet. Ang multiple doses ay kailangan upang ma-induce ang antibody development sa pasyenteng nakagat sa lalong madaling panahon.

    More from Smart Parenting

    Noong 2018, naiulat ang pagkakaroon ng shortage sa anti-rabies vaccines para sa mga tao sa buong mundo. Bilang tugon, binago ng DOH ang panuntunan nito sa pagbabakuna ng mga pasyenteng nakagat ng hayop. Sa halip na limang bakuna, ang mga pasyente ay babakunahan lamang nang tatlong beses.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ani Dr. Domingo sa isang interview sa The Philippine Star, “If one is bitten by a dog, after the first and second doses and the dog did not die after 14 days, that means you don’t have rabies. Therefore, we will not give the succeeding shots anymore.” (Kapag ang isang tao ay nakagat ng aso, matapos mabakunahan ng una at dalawang doses at hindi namatay ang aso sa loob ng 14 days, ibig sabihin ay wala kang rabies.)

    Tiniyak niya na ligtas pa rin ang bagong bilang ng injection. Sabi niya, “We are sure about this because if a dog has rabies, it will die within 14 days. So, if it remains alive within 14 days, it means it was not able to transmit rabies to the victim.” (Sigurado kami dito dahil kung may rabies ang aso, mamamatay ito sa loob ng 14 na araw. Kaya kung buhay pa rin ito sa loob ng 14 days, ibig sabihin nito ay hindi nito nailipat ang rabies sa biktima.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag nakumpleto mo ang full course ng anti-rabies vaccine at muli kang nakagat ng aso, halimbawa ay pagkatapos ng isang taon, kailangan mo lang ng booster shots. Ibibigay ito sa dalawang doses: sa araw na makagat ka at ang pangalawa ay isusunod pagkatapos ng tatlong araw.

    More from Smart Parenting

    Maaari ring malipat ang rabies kapag nagalusan ng hayop. Maaari ring malipat ito kapag nadilaan ang sariwang sugat o kaya ay mucous membranes, kagaya ng mata, bibig, at genitals. Ang exposure sa bahagi ng ulo, mukha at leeg ay lubhang delikado, ayon sa PPS.

    Sundan ang first-aid procedures kapag nakagat ng aso at sumailalim ng rabies vaccination.

    Ano ang gagawin kapag may aso

    Mahalaga na ituro ng mga magulang sa mga anak kung ano ang gagawin kapag may aso sa paligid, lalo na kung agresibo ito. (Basahin dito kung paano gawin ng isang bata ang "be a tree technique" kapag nakaharap siya ng isang galit o agresibo na aso.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iwasan ang paglapit, paghawak, o pakikipaglaro sa mga asong natutulog, kumakain o may kinakagat na laruan, o inaalagaan ang mga tuta nito.

    Hindi dapat lapitan ng inyong anak ang mga asong kalye. Kung ang aso ay nakatali kasama ang amo nito, huwag niyang hahawakan hangga't wala siyang permiso sa amo ng aso. Kung kinakailangan, hawakan ang hindi mo kilalang aso sa balikat o dibdib, hindi sa taas ng ulo nito.

    Ang aso ay maaaring mangagat kapag na-provoke, kaya mahalaga na matukoy ang kilos ng aso na mga senyales na maaari itong mangagat. Ayon sa website ng dog behaviorist Cesar Millan, ang Cesar’s Way, “Ears are typically pinned back, the fur along their back may stand up, and you may be able to see the whites of their eyes.”(Kadalasan, nakataas ang mga tainga nito, nakataas ang balahibo sa likod, at makikita ang puti ng mga mata nito) 

    “Yawning is not an attempt by the dog to appear casual but to show off their teeth and should be considered a warning sign as well. Freezing in response to a touch or look followed by direct intense eye contact back from the dog is another clear sign that it may bite.” (Ang paghikab ng aso ay maaaring indikasyon ng pagpapakita ng aso ng ngipin nito at dapat ikonsiderang warning sign. Ang hindi paggalaw bilang reaksyon sa hawak o pakikipagtinginan sa aso ay isa ring indikasyon na maaari itong mangagat).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa

    A Dog is More Likely to Bite in the Summer. What to Do If a Dog Bites Your Child

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles