-
Oo, Kailangang Mapabakunahan ng Rotavirus Vaccine Bago Maging 1 Year Old Si Baby
by Allan Olga .
- Shares
- Comments

Noong 2012, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia kung saan unang ipinakilala ang rotavirus vaccine sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO). Payo ng childhood immunization schedule na inihanda ng Philippine Pediatric Society (PPS), at ang Pediatric Infectious Disease Sociery of the Philippines (PIDSP), gayundin ang Philippine Foundation for Vaccination (PFV), kailangang mabigyan ang inyong mga anak ng rotavirus vaccine bago sumapit ang unang taon.
Ang rotavirus ay infection na lubos na nakahahawa at maaaring maging delikado sa mga sanggol at mga bata. Ayon sa Mayo Clinic, ang rotavirus ang pinakakaraniwang dahilan ng diarrhea sa mga bata at isa sa mga nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga bata sa buong mundo. Kahit na mga bata ang karaniwang tinatamaan, maaari ring maging biktima ang mga matatanda.
Kumakalat ang rotavirus sa pamamagitan ng hand-to-mouth contact. Halimbawa, kung ang inyong anak ay may rotavirus at hindi ka naghugas ng kamay matapos mo siyang palitan ng diaper o hindi ka naghugas ng kamay matapos mo siyang samahan gumamit ng toilet, mapapasa ang virus sa mga bagay na mahahawakan mo. Maaari ring mapunta sa iyo ng virus kapag hinawakan mo ang kamay ng sinumang kontaminado o hinawakan ang kontaminadong gamit, pagkatapos ay hinawakan mo ang iyong bibig, o kaya ay kumain ng kontaminadong pagkain.
Mga sintomas ng rotavirus at ang mga posibleng kumplikasyon
Kung nahawa ka ng rotavirus, ang mga sintomas ay mapapansin sa unang dalawang araw. Ang mga unang sintomas ng rotavirus ay lagnat, pagsusuka, matinding pagtatae, at pananakit ang tiyan. Ang nahawang bata ay maaari ring magpakita ng iba pang sintomas gaya ng itim na dumi, o duming may kasamang dugo at nana, panghihina, pagkairita at nakakaramdam ng mga pananakit. Ang mga sintomas na ito ay maaaring magtagal hanggang walong araw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng dehydration ang itinuturing na pinakamalubhang kumplikasyon ng rotavirus at maaaring mauwi sa pagkamatay ng bata. Kung makikita ninyong nagtataglay ng sintomas ng dehydration ang inyong anak, gaya ng panunuyo ng bibig, kaunting pag-ihi, at pananamlay, pumunta agad sa inyong doktor.
Paano malulunasan at maiiwasan ang rotavirus
Walang partikular na lunas para sa rotavirus, ayon sa Mayo Clinic. Hindi inirerekomento ang pag-inom ng antibiotics sa pasyente dahil ang antibiotic ay panlaban sa bacteria at hindi sa virus. Hindi rin inirerekomenda ang mga gamot na anti-diarrhea.
Isinasailalim sa gamutang intravenous (IV) fluids ang rotavirus a pasyente kung nakararanas ito ng matinding malubhang dehydration. Samantala, ang mga nakararanas ng matinding pagtatae ay pinapayuhang magkaroon ng oral rehydration fluids upang mapalitan ang mga nawawalang minerals na mas mainam kesa sa tubig o iba pang uri ng liquids.
Isang mabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng rotavirus ay ang pagkakaroon ng magandang hygiene. Malaking tulong ang paghuhugas ng kamay matapos gumamit ng toilet at matapos palitan ang diaper ng inyong anak. Pero hindi ginagarantiya ng pagkakaroon ng magandang hygiene na hindi na mahahawahan ng rotavirus ang inyong anak. Ang pagkakaroon ng rotavirus vaccine ang pinakamabisang paraan pa rin upang maiwasang dapuan ang inyong anak ng nakahahawang sakit.
What other parents are reading
Ang rotavirus vaccine ang pinakamagandang proteksyon ng bata
Dalawa ang uri ng rotavirus vaccines na maaaring gamitin para sa mga sanggol, ayon sa The Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Ang una ay ang RotaTeq (RV5), na ibinibigay nang tatlong doses sa edad na 2 months, 4 months, at 6 months. Ang ikalawang klase ay ang Rotarix (RV1), na ibinibigay ng dalawang doses sa edad na 2 months at 4 months. Ang parehong bakuna ay ibinibigay bilang oral (sa pamamagitan ng pagpatak sa bibig ng bata) sa halip na injection.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng rotavirus vaccine ay pinaka-epektibo kapag ang unang dose ay ibinigay bago umabot ang bata sa edad na 15 weeks, ayon sa CDC. Inirerekomenda sa mga magulang na maibigay ang lahat ng doses ng rotavirus vaccine bago siya umabot ng 8 months. Ang bilang ng doses na kailangan ng bata ay depende sa uri ng rotavirus vaccine na ibinibigay ng kanyang doktor. Maaari ring isabay ang rotavirus vaccine sa iba pang uri ng bakuna.
Walang bakuna ang100% effective, pero dahil sa benefits nito, mahalaga na maibigay ito sa bawat bata. Halimbawa, bago maipakilala ang rotavirus vaccine sa United States noong 2006, itinuturing na seryosong panganib ang rotavirus sa mga bata sa naturang bansa, ayon sa Healthy Children. Taon-taon, higit sa 200,000 bata ang itinatakbo sa emergency room, at umaabot sa 70,000 ang mga nao-ospital.
Ngayong available na ang rotavirus vaccine, malaki ang ibinaba ng bilang ng infected patients sa U.S. na kailangang isugod sa ospital. Ayon sa CDC notes, siyam sa 10 na nabibigyan ng rotavirus vaccine ay malaki ang tsansa na hindi magkaroon ng malubhang kondisyon ng rotavirus disease at tinatayang pito sa 10 ang protektado mula sa rotavirus disease at sa anumang uri ng malubhang sakit ng ito.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa
Why a Child Needs to Receive the Rotavirus Vaccine Before He Turns One Year Old
What other parents are reading

- Shares
- Comments