Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Ipa-Eye Check-Up Agad ang Inyong Anak Kahit Siya ay 6 na Buwan pa Lamang
PHOTO BY iStock
  • Maaaring agapan ang ilang uri ng sakit sa mata ng bata kung sa murang edad niya ay malalaman at malalapatan agad ito ng lunas. Ang mga sakit sa mata ay maaaring nariyan na pagsilang pa lamang o magdebelop naman sa kaniyang paglaki. Dahil baby at bata pa sila, mahirap sa kanila na sabihin kung ano ang mga bagay na nakapagbibigay sa kanila ng discomfort o alin ang masakit sa kanila.

    Kaya naman, nararapat na ang mga magulang ang magkaroon ng insiyatibo na maging mapanuri at bigyang-pansin ang mga nakikitang sintomas na maaaring magdulot ng anumang karamdaman sa bata. Gaya ng problema sa mata na kapag may napansin na sintomas ng mga kondisyong may kinalaman dito, mahalaga na ipaalam agad ito sa doktor at matingnan ang inyong anak para hindi na lumala ang sitwasyon.

    Iminumungkahi ng mga eksperto na magkaroon ng eye examination sa murang edad pa lamang ang mga baby. Makatutulong ito na maiwasan ang anumang eye problem. Ang pagkakaroon ng paunang check-up sa pagitan ng 6 hanggang 12 buwan ay mahalaga. Kasunod nito ang isa pang check-up sa pagitan ng edad na 3 hanggang 5 taon. Maaaring gawing taon-taon naman sa pagitan ng edad na 6 hanggang 18. Mahalaga ang ganitong regular na eye checkup sa optometrist para aktuwal na makuha at masusi ang pagsusuri sa mata ng inyong anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Sakit sa mata ng bata

    Sa panahon ngayon, madalas mahirap mapigilan ang pagbabad ng mga bata sa paggamit ng gadget. Isa ito sa maaaring magdulot ng kondisyon ng problema sa mata. Mapapansin ang papikit-pikit ng mata ng bata dahil sa labis natutuyo ang mata sanhi nang hindi na pagkisap ng mata sapagkat tutok na tutok sa pinapanood na video sa YouTube. Narito ang ilan pang sakit sa mata ng mga bata na nangangailangan ng konsulta sa doktor:

    Pagkapuwing

    Kapag may pumasok sa mata natin gaya ng alikabok nakadama ng pagkairita ito. Ang reaksiyon ng mata ay pagkurap-kurap o pagluluha. Hindi rin naiiwasan ang pagkuskos sa mata na hindi makabubuti dahil lalong maiirita ang mata. Kaugalian ng Pilipino na kapag napuwing pinapahipan ang mata sa iba, mas mainam na hugasan ito ng malinis na tubig upang maalis agad ang dumi. Pagtingnan agad sa doktor sakali na hindi nawala ang pananakit o pagkairita ng mata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkaduling o pagkabanlag

    Tinatawag itong strabismus na nangyayari kapag ang muscle ng mata ay hindi maayos na nagreresulta para hindi magpantay o magsaliwa ng tingin. Maaari itong magamot sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin, paglalagay ng takip sa mata o kung kinakailangan ay operasyon.

    More from Smart Parenting

    Near o farsightedness at astigmatism

    Tumutukoy ang mga ito sa pagkakaroon ng refractive errors na nagaganap kapag nahihirapan ang mata na makapagprodyus ng malinaw na imahe dahil sa suliranin ng pagpasok ng liwanag sa mata. Ang nearsightedness o myopia ay mas malinaw kapag malapit ang mga bagay at lumalabo kapag malayo ito. Kabaligtaran naman ito ng farsightedness o hyperopia na mas malinaw ang nakikita kapag malayo. Samantala, sa astigmatism naman ang nakikita ay malabo o tagilid.

    Lazy eye

    Kung titingnan ang dalawang mata ay parang normal lamang pero sa katotohanan malabo ang paningin ng isa.  Ang kondisyon na ito sa mata ay tinatawag ding amblyopia kung saan ang isang mata ay hindi gaanong nakakakita dahil sa mahina o hindi lubos na nadebelop ang koneksiyon  ng mata at utak. Ito ay kagaya ng pagkaduling. Kapag napabayaan ito maaaring magdulot ng pagkawala ng paningin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sore eyes

    Ito rin ang tinatawag na “pink eyes.” Ang conjunctivitis ay may kasama na pagmumuta, pagluluha, pamumula, at pangangati ng mata. Karaniwan na viral ang pagkakaroon nito o kaya naman dahil sa bacteria o allergy. Nakakahawa ang impkesyon sa mata na dulot ng bacterial at viral conjunctivitis kaya kailangan ng tamang paggamot dito.

    More from Smart Parenting

    Glaucoma

    Isa ito sa mga sakit sa mata na nagdudulot ng pagkabulag.  Maaaring magkaroon nito mula sa pagsilang (congenital glaucoma) o sa mga bata (juvenile glaucoma). Ang sintomas nito ay panlalabo ng paningin, madaling masilaw sa liwanag, pagluluha, at pagkurap-kurap ng talukap ng mata. Nangyayari ang glaucoma kapag nagkaroon ng damage sa optic nerve ng mata.

    Katarata

    Karaniwan na nararanasan ito ng matatanda dahil bahagi ito ng pagtanda ng edad. Pero, may ilang mga bata na sa pagsilang pa lamang nila o habang lumalaki sila ay nadedebelop na ito. Tinatawag ito na congenital cataracts. Maaaring isang mata lamang magkaroon nito o kaya naman parehong mata. Nangyayari ito kapag ang lente ng mata ay nagiging maulap o cloudy.  Ang ganitong sitwasyon ay kinakailangan ng operasyon o surgery upang maiwasan ang pagkabulag.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano alagaan ang mata ng inyong anak

    Huwag nang hintayin pa na lumaki ang inyong baby bago pa patingnan sa doktor dahil ang pagpapatagal ng sitwasyon ay maaaring magsanhi ng malalang kalagayan at mas mahirap na itong gamutin pa lalo na kung ang magulang ay may history ng malabong mata. Maaari kasi itong mamana ng inyong anak. Kung maagang malalaman o made-detect na may vision problem ang inyong anak, mabibigyan ito ng lunas o interbensyon na magpapabuti ng sitwasyon.

    Narito pa ang ilang tips:

    • Bawasan o limitahan ang kaniyang paggamit ng elektronikong kagamitan o gadget.  Bigyan ng panahon ang mata na makapagpahinga mula sa matagal na pagtutok sa mga screen.
    • Magpasuot ng proteksyon sa mata gaya ng sun glasses laban sa UV rays kapag nasa labas ng bahay at matindi ang sikat ng araw.
    • Magkaroon ng regular na checkup sa mata. Higit na maging mapanuri at obserbahan ang inyong anak sa mga sintomas na posibleng magdulot ng suliranin sa paningin.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa:

    Don't Wait Until Your Child is A Year-Old Before Taking Her to An Eye Doctor

    Six Eye Diseases to Watch Out for in Children

    Why You Need to Bring Your 6-Month-Old Baby for an Eye Exam

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles