-
Hindi Lahat Ng Seizures Ay Kombulsyon: 4 Paraang Nagpapakita Ng Abnormal Brain Activity
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kung mataas ang lagnat ng bata at biglang nanigas ang kanyang muscles na parang nangingisay ng ilang segundo, iisipin mong kombulsyon ang nangyayari. Kaya sisikapin mong pababain ang kanyang lagnat hanggang bumuti ang kanyang pakiramdam at saka komunsulta sa doktor.
Pero kung wala namang lagnat ang bata at bigla siyang nagkombulsyon, mainam na komunsulta kaagad sa doktor. Baka kasi bukod sa kombulsyon ay may iba pa palang uri ng seizures ang naranasan na ng bata at kailangan na niyang masuri.
Hindi lahat ng seizure ay kombulsyon. Ito ang paalala ni Sally Andrea D. Gaspi, MD, DPPS, at postresidency fellow ng pediatric neurology, UP-Philippine General Hospital.
Nagbigay si Dr. Gaspi ng lecture tungkol sa seizure bilang bahagi ng 21st National Epilepsy Awareness Week 2022 lay forum webinar na may titulong "Bridging the Gaps in Epilepsy Care: The Silver Lining." Kabilang ang kanyang lecture sa tampok na paksang "Seizure and Its Differential Diagnosis in Children."
Ano ang seizure?
Lahad ni Dr. Gaspi na ang seizure o seizures ay ang "panandaliang mga sintomas dahil sa abnormal at sobrang neuronal activity sa utak." Dagdag niya na nakadepende sa parte o rehiyon ng utak ang mga sintomas, kaya may mga pagbabago sa manifestation.
Kabilang sa mga manifestation ang mga sumusunod:
- Pagbabago ng ugali
- Pag-iba ng galaw o pakiramdam
- Autonomic dysfunction
- Pagkawala ng malay
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKaya mas malawak na usapin ang seizure kung kombulsyon lang ang alam natin. Ang kombulsyon (convulsion) kasi ay isa lang sa mga uri ng seizures. Ito marahil ang madalas nating inuugnay sa sakit na epilepsy.
Kapag nakakakita tayo ng taong ang mga muscles ng katawan ay nagko-contract at nagre-relax nang mabilis at paulit-ulit na tila ba nanginginig ang katawan, hindi natin maiiwasang sabihin na dahil iyon sa epilepsy.
Ang epilepsy, ayon sa operation definition na ibinigay ni Dr. Gaspi ay isa sa mga uri ng sakit sa utak, kung saan may mga sumusunod na kundisyon:
1. Hindi bababa sa dalawang unprovoked (or reflex) seizures na nangyayari ng wala pang dalawang oras ang pagitan. Kapag unprovoked, walang makikitang dahilan at bigla na lang nag-seizure ang bata.
2. Ang isang unprovoked (or reflex) seizure at ang tyansang magkaroon pa ng mga susunod na seizure na katulad ng general recurrence risk ay tinatayang 60 percent pagkatapos ng dalawang unprovoked seizures, at nangyayari sa loob ng susunod na 10 taon.
3. Nabigyan ng diagnosis na epilepsy syndrome. Tumutukoy ito sa kumpol ng mga features na karaniwang nakikitang magkakasama:
- Seizure types
- Age-dependent features
- Electroencephalogram (EEG) findings, o resulta ng test na nagre-record ng brain activity
- Imaging characteristics
Tamang pagsusuri at diagnosis para sa seizure
Paliwanag ni Dr. Gaspi na kapag sinabihan natin ang bata na may seizure, ito ay may mga kaakibat na maraming mahalagang psychosocial issues na kailangang ma-address, kabilang na ang family at financial issues. Maaari rin magdulot ito ng depression, anxiety, at marami pang ibang bagay depende sa kaso ng pasyente.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosHindi biro ang haharapin ng pasyente at kanyang pamilya, kaya mahalagan tama ang diagnosis. Isa pang dahilan na kailangang masabing seizure, o di kaya ibang karamdaman pala, ang nararanasan ng bata ay para sa pagdedesisyon sa gamutan na gagawin.
Lahad ni Dr. Gaspi na ang pagkakaroon ng maling diagnosis ay dapat iwasan dahil maaaring magdulot ito ng mga consequences, gaya ng:
- Pagrereseta ng potensyal na toxic na mga gamot pang-seizure
- Makakaranas ng bata ng "stigma" sa mga kalaro, at maging sa lipunan
- Limitasyon ng mga aktibidad, tulad ng pagmamaneho, pagtatrabaho kung nasa wastong gulang na
Mga uri ng seizures
Pansin ni Dr. Gaspi na karamihan sa atin ay maaaring mailarawan bilang seizure ang pagtirik ng mga mata at pagje-jerk ng katawan. Ngunit sa totoo, aniya, maraming iba-ibang presentasyon ang makikita sa mga taong may seizure.
Absence seizure
Halimbawa: pagkatulala at hindi pagtugon sa mga ingay o salita
Ang pagkatulala ay maaaring makita anuman ang kanilang ginagawa. Tumitigil sila sa kahit anong gawain.
Myoclonic seizure
Mga halimbawa: jerking o inboluntaryong paggalaw ng katawan o ng mga kamay at paa, pati na pagkagulat
Puwedeng may kausap lang ang bata at pagkatapos biglang magje-jerk ang kanyang katawan.
Tonic seizure
Mga halimbawa: paninigas ng katawan at pagkawala ng malay
Atonic seizure
Halimbawa: panay na pagpit ng mga mata
Paano malalaman kung epileptic seizure
Sa mga pasyenteng sinasabihan na nagkaroon ng unang seizure, ayon kay Dr. Gaspi, ang realidad ay tinatayang one quarter o 25 percent doon ay hindi talaga nagkaroon ng epileptic event. Karamihan sa kanila ay maaaring seizure mimic o tinatawag ding non-epileptic paroxysmal event. Ibig sabihin, hindi tunay na epileptic seizure.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBinanggit ni Dr. Gaspi na sa isang paga-aral, umabot naman sa 40 percent ang mga batang naa-admit sa tertiary hospital na wala talagang epilepsy. Pangkaraniwan kasing nabibigyan ng final diagnosis ang staring spell, psychogenic epileptic event, syncope parasomnia (kabilang na ang sleepwalking at night terrors).
Payo ni Dr. Gaspi na dapat alamin ang mga sumusunod:
1. Ilarawan ang pangyayari kasama na ang onset, mga aura, o postictal symptoms. Kapag nag-seizure ang bata, kadalasang napaihi o di kaya nakagat ang dila.
2. Linawin ang mga termino, tulad ng pagkahilo o may mga nararamdaman sa tiyan. Makakatulong na linawin kung ano ang ginagawa bago ang seizure, mga posibleng triggers, kasalukuyang karamdaman, o gamot na iniinom sa kasalukuyan.
Linawin din kung nakakita ng mga sumusunod:
- Pagbabago sa kulay ng balat (tulad ng pamumutla)
- Pagbabago sa kilos, abnormal na galaw o posturings
- Pagkawala ng tugon sa salita o hawak
- Pagkalito o di kaya antok pagkatapos ng mga galaw
3. Suriin ang bata sa pamamagitan ng physical exam. Tignan kung may kagat sa dila, pasa, o iba pang signs of injury (lalo na kung nalaglag). Puwede ring may abrasion o mga galos, transient neurologic signs gaya ng Todd’s paralysis o kaya panghihina sa isang side ng katawan.
Narito ang mga kaganapang pabor sa epileptic seizures:
- Nakakaranas ng aura
- Nangyayari sa maikling oras, mula isa hanggang dalawang minuto
- Postictal confusion o pagkalito matapos ang seizure
- Abnormal posturing
- Amnesia o hindi maalala ang nangyari
- Kawalan ng control
- Nangyari habang tulog
- Self-injury
- Mulat ang mga mata bago nangyari ang event
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTulong ng aura sa pagkilala ng seizure
Paliwanag ni Dr. Gaspi na ang aura ay isang premonitory experience na nararamdaman bago ang seizure. Nakadepende ito kung saan nanggagaling ang abnormal na kuryente na nagko-cause ng seizure.
Kung sa frontal lobe ng brain nangyari, maaaring mawalan ng muscle at motor activity. Mga halimbawa: forced eye deviation speech arrest o di kaya disturbance, tulad ng hirap sa pagsasalita.
Kung sa occipital lobe ng brain nangyari, maaaring may positive basic visual phenomenon, tulad ng mga aninag ng ilaw at pagbabago sa mga kulay na nakikita.
Kung sa parietal lobe, ng brain nangyari, maaaring magsabi ang pasyente ng kakaibang pakiramdam sa balat. Mga halimbawa: tinutusok, kinukuryente, may mainit o malamig na pakiramdam sa balat (paresthesia at sensory phenomenon).
Kung sa temporal lobe ng brain nangyari, maaaring makaranas ng déjà vu, problema sa may tiyan, eksaherasyon ng mga emosyon (gaya ng takot), o di kaya pag-iba sa lasa o pandinig.
Provoked seizure vs. unprovoked seizure
Paliwanag ni Dr. Gaspi na kapag provoked ang seizure, may nakikitang dahilan bakit nagkaroon ng seizure ang bata.
Narito ang mga kadalasang nauugnay sa provoked seizure:
- Mataas na lagnat
- Impeksyon sa utak
- Stroke
- Electrolyte disturbance o hindi balance ang asin sa katawan
- Mababang sugar level
- Traumatic brain injury, gaya ng galing sa aksidente
Sa kabilang banda, tinatawag na unprovoked ang walang makikitang dahilan at bigla na lang nag-seizure ang bata.
Anong dapat gawin?
Kung suspetsa mo na nakakaranas ng seizure ang anak, ito ang mga dapat tandaan:
1. Kunan ng kumpletong medical history
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIlagay dito ang paglalarawan ng mga pangyayayari bago, habang, at matapos ang seizure. Ilagay din ang edad kung kailan nagsimula ang seizure, pati ang oras ng pangyayari
2. Dalhin ang bata sa doktor para sa masusing physical at neurological examination.
3. Makakatulong ang pakuha ng video habang nagaganap ang seizure dahil makakatulong ito.
4. Pagsailalim sa electroencephalography or polysomnography kung kinakailangan.
Paalala ni Dr. Gaspi na kung may nakitang biglang galaw mula sa bata ay huwag mag-panic. Isiping mabuti kung isa itong tunay na seizure o di kaya seizure mimic. Kumuha ng video at ng maayos na salaysay kung anong nangyari. Makakatulong ang mga ito para makapagbigay ng diagnosis ang doktor kung seizures nga o hindi ang nararanasan ng bata.
Basahin dito kung nagdudulot ba ng seizure ang labis na paggamit ng gadget.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments