Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Mga Sintomas na Kailangang Isugod sa ER si Baby

    Alamin ang mga senyales na kailangan ng inyong anak ng dagliang lunas.
    by Allan Olga .
Mga Sintomas na Kailangang Isugod sa ER si Baby
PHOTO BY @arto_canon/iStock
  • Mahirap para sa isang magulang na malaman kapag may dinaramdam si Baby dahil hindi pa ito nakakapagsalita, kaya naman importante na alam nila ang mga sintomas ng malubhang karamdaman sa sanggol. Payo ng U.K. National Health Services, kapag ang inyong anak na may edad anim na buwan pababa ay nakakaranas ng mga sumusunod na sintomas, dalhin agad siya sa doktor.

    Sintomas na dapat dalhin agad si baby sa Emergency Room (ER)

    1. Kapag nilalagnat ang bagong-panganak na sanggol 

    Dapat dalhin agad sa doktor si Baby kung ito ay may mataas na lagnat, o kahit sinat lang, kung siya ay edad tatlong buwan pababa. “The very young have very minimal symptoms. The only sign of a serious infection may just be a fever,” (Bahagya lamang ang sintomas sa mga sanggol. Ang simpleng lagnat ay maaring sintomas na ng malalang impeksyon) sabi ni Dr. Carmina Arriola-Delos Reyes, isang pediatrician at infectious disease specialist. Kapag ganito ang edad ni Baby, ipatingin siya agad sa doktor kapag siya ay nilagnat. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang baby na higit tatlong buwan pataas ang edad ay kailangan ding matingnan agad kung ang lagnat niya ay tumagal ng limang araw, kung umaabot ito ng 39.4 °C, at may kasamang ibang senyales gaya ng kakaibang kilos, pagsusuka, at pagtatae (alamin ang iba pang senyales dito). At kung ang lagnat ni Baby ay may kasamang seizure, dalhin agad siya sa pinakamalapit na ospital. “Fever and seizures can be a sign of meningitis in your child,” (Ang lagnat at seizures ay maaaring sintomas ng meningitis), sabi ni Dr. Delos Reyes. 

    More from Smart Parenting

    2. Mabilis, iregular, o hirap na paghinga

    Kapag nahihirapang huminga ang bata, mapapansing mas madalas ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib at lumalaki ang butas ng kanyang ilong. Makakarinig rin ng tunog sa kanyang lalamunan kasabay ng tila lumulubog na tiyan. Ito ay sintomas ng respiratory distress, sabi sa WebMD ni Dr. Jadene Wong, isang clinical instructor ng pediatrics sa Lucille Children’s Hospital sa Stanford University. Dagdag pa niya, dapat itong ipaalam agad sa inyong paediatrician, o dalhin si Baby sa emergency room. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Kapag kulay berde ang suka niya

    Kung ang suka ni Baby ay kulay berde, maaring ito ay iyong apdo na nanggagaling sa atay. Nangangahulugan ito na barado ang bituka ni Baby at nangangailangan ng agarang medikasyon, ayon sa BabyCenter. Kung kulay kape naman ang suka ni Baby, posibleng tanda ito ng internal bleeding.  

    Dalhin agad sa emergency room si Baby kung nakakaranas siya ng mga sumusunod na sintomas:

    • malaki at namamaga ang tiyan
    • nagsuka pagkatapos mauntog ang ulo
    • may kasamang dugo ang kanyang suka
    • may mga senyales ng dehydration

    4. Dehydration

    Delikado at mapanganib ang dehydration, lalo na sa mga sanggol at bata. Kabilang sa sintomas ng dehydration ay ang panunuyo ng bibig, pangangalo ng mata, pag-iyak nang walang luha, matinding antok o panghihina, at ang malambot na bumbunan, ayon sa Mayo Clinic

    Isa pang sintomas ng dehydration ay kapag hindi masyadong basa ang diaper ng inyong anak. “We like to see one diaper for every day old up to six days of age, and then six wet diapers a day going forward,” (Dapat makagamit ng isang diaper ang isang sanggol katumbas ng bawat araw ng kanyang edad hanggang ika-anim na araw, at makagamit ng anim na diaper araw-araw mula roon) sabi Dr. Wong. Ibig sabihin nito, dapat makagamit ng dalawang diapers sa isang araw ang two-days-old na sanggol, tatlong diapers sa isang araw ang three-days-old na sanggol, etc.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    5. Nangingitim ang mga labi

    Marahil ay alam na ito ng mga magulang: Kapag ang balat o labi ng inyong anak ay nangingitim o nagiging kulay asul, kailangan siyang mapatingnan agad. “Blue lips are a sign of cyanosis, which is caused by a lack of oxygen in the blood or a lack of blood circulation. Blue lips could occur when a child has heart disease, pneumonia, asthma or a list of rarer causes,” (Ang pangingitim ng labi ay maaring indikasyon ng cyanosis, na nangyayari kapag kinukulang ng oxygen sa dugo o kaya ay kulang ang pagdaloy ng dugo sa katawan. Nangyayari ang pangingitim ng labi kapag ang sanggol ay may sakit sa puso, may pulmonya, asthma, o iba pang hindi pangkaraniwang karamdaman) sabi sa SheKnows ni Dr. Danelle Fisher, chair of pediatrics sa Providence Saint John’s Health Center. Maaring samahan din ito ng iba pang sintomas gaya ng hirap huminga at kawalan ng reaksyon ni Baby. Dalhin siya agad sa ospital. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Mayo Clinic, narito pa ang ilang signs na dapat ipatingin kaagad si Baby sa doktor: 

    • hindi tumitigil na pagdurugo
    • seizures
    • pagkalason
    • kakaibang kilos, kawalan ng reaksyon, o pagiging hindi alerto
    • pagkawala ng malay
    • malaki o malalim na sugat o paso
    • malubhang pinsala sa bibig o mukha
    • muntikang pagkalunod 

    “Learn basic first aid, including CPR [o Cardiopulmonary resuscitation] (panoorin ang instructional videos dito), and keep emergency phone numbers and addresses handy,” (Alamin ang basic first aid, kabilang na ang CPR, at i-save ang emergency phone numbers at addresses) sabi ng Mayo Clinic. At dahil ikaw ang mas nakakakilala sa iyong anak, ipaalam agad sa doktor kapag may napansing kakaiba sa kanya na sa tingin mo ay nakakabahala.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Take Your Baby to the ER If He Experiences Any of These Symptoms

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles